Wednesday, February 27, 2008

Makabatang Makabayan (Para kay Oliver Carlos)


Nasa ibang bansa ka man 'di pa rin nakalilimot
'Pagkat sa puso mo bayan na'y nailuklok
Kaya't sa paghawak ng pluma itong tinutula
Binibigkas at inaawit mo hangad na paglaya.

Panulat mo'y tigib ng kasawian at lumbay
Larawan ng Pilipinas iyo lamang isinasalaysay
Sa bawat dukhang lumuluha ikaw'y karamay
Hagupit ng lipunan sa iyo ri'y lumalatay.

Ayaw mo na basta na lang magmasid
Habang ang ila'y payapang natutulog sa silid
Mas ninais mong maging tinig ng mga walang tinig
Upang sa kadiliman hibik nila'y iparinig.

Kay Amado Hernandez ka maihahalintulad
Sa bawat himaymay ng dugo, bayan ang ipinipitlag
'Di nila nasupil ipiniit man sa loob ng rehas
'Pagkat tunay na laya ay walang halagang katumbas.

Mga tula mo ay walang sawang pakikibaka
Laban sa bulok at balakyot na sistema
Kamulatan ay sadyang ibinabahagi sa lahat
Upang karapatang pantao'y 'di tuluyang mawasak.

Kasama, salamat sa mga akdang walang singtapang
Sa pag-aalay ng diwa sa sambayanan
Mistula kang nasa gitna ng himagsikan
Na ang sandata'y pagiging makabayan!

Hakot

masarap ang sumama sa rali
kapag habol ka ni Roxas
at may libre pang sakay ng dyip
bukod d'yan meron pang meryenda
para bang pupunta ng piknik,
para lang silang nagtatapon ng pera
pero kanino kaya ang perang
kanilang pinanggasta?
eh, kinangkong lang din naman nila
sa taumbayan.

may dala-dala pang mga placard
na nagpapahayag daw ng kanilang
maalab na suporta
sa pulitikong maka-mahirap,
maka-kalikasan at maka-Diyos
pero scripted lang naman ang lahat
para maipakita lang sa telebisyon
na marami silang hatak at kapanalig.

ibig nilang tapatan mga kilos-protesta
ng kung anu-anong propaganda
mga maliliit na tao ginagamit lang nila
kaya ikaw pahahakot ka rin ba?
para mapagsamantalahan
ang iyong kahinaan
anila ito lang ay pantawid gutom
ngunit rebolusyon ng sikmura'y
patuloy pa ring mararamdaman
habang kinukunsinti kapritsuhan
nilang mga ulupong...

Tuesday, February 26, 2008

Umaga

Tumilaok ang manok
sa pusod ng antok
Habang ang araw ay namumurok
Sinisinagan ang gusot
na unan at kumot.

Ngunit nakapako pa yata sa kama
ang katawang pagal
dulot ng walang hanggang
tunggalian sa buhay
Habang sa labi'y nakukulapulan
ng panis na laway.

Lulan pa ba ng panaginip?
Diwa'y inililipad ng hanging amihan
sa iyong pagkawaglit
'Di namalayang
nagdurugo na ang talampakan
habang hila-hila ang kalabaw.

Ibig mang ipagpatuloy
ang pamamahinga
Kailangang bumalikwas
para salubungin ang umaga
na may hawak na itak!

Fetihism ano ito?

Ang fetehilsm ay ang pagnanakaw ng isang indibidwal sa gamit ng iba para gamiti sa kanyang pagpapantasya tulad ng t-shirt, bra, panty, pabango at atbp. Sinasabing mga lalake diumano ang madalas na gumagawa nito. Ang kinuhang bagay ay ikinikiskis o idinidikit sa maselang part eng katawan, o ‘di kaya ay niyayakap-yakap , inaamoy-amoy at hinahalik-halikan. Sa pamamagitan nito ay nakakadama ng kasiyahan ang taong gumagawa nito habang nagma-masturbate. Lalo na nga kapag may gusto ito sa nagmamay-ari ng bagay na kinuha. Bunga ito ng matinding obsesyon, hindi kasi nahahawakan ng personal ang tao kaya gamit na lang nito ang nagiging instrumento.Ininiimagine na kunwari ay kaniig ang taong pinagnanasaan.

Isang halimbawa nito, isang lalake sa bansamg America ang nahulihan ng 100 pares ng mga panty na kanyang ninakaw mula sa isang lingerie shop.Hindi para ibenta o iregalo sa babae kundi para sa kanyang sexual satisfaction. Dito naman sa atin sa Pilipinas, may ilang kababayan na mahilig manungkit ng underwear sa sampayan para gamitin sa kanilang ‘di kaaya-ayang Gawain tulad ng ipinapaliwanag natin.

Kaya kayo mga girls, paki-check ang mga gamit ninyo at baka nawawala na. Akala ninyo ay nawaglit lang kung saan. Pero ‘di ninyo alam ginagamit na pala ng iba sa pagpapantasya. Enjoy daw oh! Para naman sa mga nagprapraktisa nito, baka panty ni lola ang masungkit ninyo o ‘di kaya ay baka kung may ano’ng sakit ang nagmamay-ari ng gamit na ninakaw ninyo. Pakisoli nga!

Monday, February 25, 2008

Talipapa:Little Palengke




Bakit mo pa kailangang lumayo para pumunta sa palengke kung meron namang talipapa malapit sa inyong lugar? Sa panahong ito dapat ay maging wais at praktikal para makatipid. Hindi naman gaanung magkaiba ang presyo sa talipapa kumpara sa palengke. Bukod sa hindi ka na mapapagod, ang natipid sa ipapamasahe sana ay puwede pang ipandagdag sa panggastos. Kapag may nakalimutang bilhin ay madali lang makakabalik sa bahay. Isa pa, makakapamili rin naman kung ano'ng gustong bilhin dahil magkakahilera ang nagtitinda sa talipapa.
Kagaya sa lugar namin, mag-aalas kuwatro pa lang ng hapon nag-aayos na ang mga may puwesto sa talipapa. Paano'y malapit na namang mag-uwian ang mga tao galing sa trabaho. Siyempre kinakailangan nilang sumadya sa talipapa para may maiuwing uulamin sa bahay. O di kaya'y vice versa 'yung mga naiwan naman sa bahay ang sasaglit sa talipapa para paghandaan ang pagdating ng kapamilyang galing sa trabaho.Ano pa ba ang hahanapin mo sa talipapa? Buhat sa pagkain gaya ng karne, gulay, prutas, pansahog, isda at iba pa. Nakihilera rin ang mga nagtitinda ng gamit sa eskuwela, mga laruan, kolorete at kung anu-ano pa. Lahat ng 'yan meron sa talipapa.
Kapag magtatakipsilim na asahan mong buhay na buhay ang talipapa sa dami ng mga tao, nagsisiksikan para lang makabili ng produkto sa talipapa. Ang talipapa nga ay sagot sa pangangailangan ng mamimiling ayaw ng lumayo pa. Samantalang ito naman ay hanapbuhay para sa mga tindero at tindera na dito ay umaasa. Sa loob lang ng maiksing oras ay uminog na ang munting komersyo sa mga komunidad.

Rebeldeng Pag-ibig

Ang pag-ibig ay rebelde dahil sa palasuway
Kautusan ng ibang tao’y winawalang-saysay
Marami mang tutol ang dibdib ay pinapatibay
Ayaw nitong mabigo kundi maging matagumpay.

Ang puso’y rebelde dahil isa itong kadre
Pinakamataas na puno’t sinusunod lagi
Mayroon itong prinsipyong di masasabotahe
Nilalabanan ang sinumang ibig umatake.

‘Pagkat ang pag-ibig ay isa ring pakikidigma
Sandata mo lamang ay ang iyong paniniwala
Kailanman ay di marunong makinig sa babala
Walang pakialam kahit sinong makasagupa.

Itong pag-ibig ay walang kinikilalang batas
Masalimuot man ang landas laging nangangahas
Maging ang ganda, dunong at yaman ay binabaklas
Masunod lang ang damdamin lahat tinataliwas.

Lahat ng hirap ay itinuturing na pagsubok
Hindi ito marupok na gaya ng isang gapok
Ang ipinunlang pag-ibig walang pagkabulok
Matatag ito’t sariwa gaya ng birheng bundok.

Sa rebeldeng pag-ibig sino ang makahahadlang?
Sinong sundalo ang maaring makatimbuwang
Gayung ‘di sinusunod maging sa utos ng magulang
Ang lahat ng sumalungat ay sinasalansang.

‘Pagkat ang tunay na pag-ibig ay sadyang matapang
Anumang pagkatakot ay ‘di binibigyang puwang
Tulad nito ay bakal na ‘di takot sa kalawang
Ang nararamdaman kailanman ay ‘di mapapaslang!

Sunday, February 24, 2008

Adulaamin

Pihit ng manibela
Ikid ng makinilya
Pagkabalam sa imprenta
Pagtugtog ng plawta
Lumulutang ang mga letra
Sa lawak ng papawirin
Ng puso't damdamin
Ng peregrinong salamisim
Nakikipagpingkian sa mga
noong may sinag ng
bituin.

Ito'y 'di kabig ng bibig
Na nakalulan sa dibdib
'Di lang ddikta ng isip
Ito'y gatilyo ng baril
Pumipitik
Tumatatak, bumubutas,
tumatagos, lumuluray
Nag-iiwan ng kung ano'ng
sikdo ng kamalayan
Ngiti, lungkot, pag-ibig
at libog
Habang nagsisindi ang bombilya
Sa liwanag ng alitaptap
na umaarya.

May bumabalong na alon
sa aking ulunan
Ikid ng utak mistulang
dagat-dagatan,
Namamalakaya ng isda
Sa ibabaw ng patay na sapa
Natagpuan ko'y patay na daga
na ang salarin ay maskuladong
pusa
Ang saglit na ito'y puno ng
himala.

Humahalo ang dugo
sa malapot na langis at grasa
Sarili'y nahihilo sa usok
ng nikotina
Nagpapait sa aking panlasa
nagpupuyat sa harap ng
isang tasang kape
Bumasag sa alak na nasa bote
Pilit inaarok ang lalim ng gabi
Habang ninanamnam sa bingaw
na kukote
Ang hugis ng katawan ng seksing
babae
Naghuhugos mga libro sa eskaparate
sabay sa pagkapunit ng papel
Naalala ko ang sinta na sa aaki'y nagtaksil
Na sa likod ko ay wnagwasak at bumaril.

Alin pang himig ang 'di naawit?
Ano pang sugnay ang 'di naisalaysay?
Ano pangg dasal ang 'di naussal?
Aba'y laksa pa't aangaw-angaw
Ang 'di naisakay sa likod ng kalabaw
Tanging sa tae lang nito nakaigpaw
Mundo'y kay lawak 'di kayang mapagdugtong
'Di masagot lahat ng bugtong
Ngayon, sino'ng tunay na marunong?
Kumanta ng Tong-Tong-Pakitong-kitong.

Ah, ito'y 'di pananaginip
na bunga ng matinding pagkainip
Sa pauli-ulit na pag-uulayaw
ng dilim at bukangliwayway
Ituring mo na lang na makabuluhang
paglalaro ng mga kataga
pagsubo at pagkain ng apoy at baga
Lahat sa akin ay bukas na hiwaga
Habang ang isipa'y nagdideliryo
Tila nakagat ng ulol na aso
Ngunit anghel ang sumanib at 'di diablo
Muli na namang nakapagluwal ang ulo
Sa pagiging haragan at bohemyo
Saa pag-iisip ng kung anu-ano
Adulaamin, ito'y salitang Ilokano.

Pagbibilang ng Dyip at Kotse

Ilan na nga bang dyip at kotse
ang nabilang ng matinding pagkainip
sa napakabagal at mabilis na
pagtakbo ng daigdig?

Mas marawal pa sa pagbibilang ng poste
'Pagkat kay bilis ng takbo sa kabila
ng pag-atake ng trapik
at masining na pasingit-singit
'Di mo mapigilang magpa-andar
Habang ang sarili'y tila natadtad
ng mortar sa pagkatigagal
Marahil hilo na sa dyip
at kotseng sandamukal.

Habang sila'y walang sawang nag-uunahan
sa sala-salabaat na patutunguhan
Para kang sbit na nakasalmpak
sa istribo
Habang ibililipad ng hanggin ang buhok sa ulo
Gusto mo ring magpaharurot ng kotse
Makipagkarerahan sa matataas ang ere
Gayung buhay para sa iyo'y napakabagal
Usad-pagong ang takbo subali't napapagal
Balintuna ka sa nakamulagat mong
paghimlay.

Mas mainam nga sigurong magbilang ng tupa
Habang pinipuyat ang sarili sa wala
Namumuti na ang mga mata
Lumalaki ang butas ng ilong sa pagsinghap
ng usok mula sa tambutso
Hanggang sa ang isip ay marindi
sa busina ng mga palalong drayber
Ngunit mistulang walang mawatasan
Sa maigting na buhaay-laansangan
Sige, bilang pa rin ng bilang
Hanggang sa lumagpas ng isang daan.

Saturday, February 23, 2008

Pikit Mata Kong Titingnan

Nais kong masdan ang bahaghari sa kalawakan

Sa kanyang kulay na aking hinahangaan

Ngunit paano masisilayan itong ibig

Kung itim na ulap ang bumabalot sa paligid.

Sandali kong ipinikit ang aking mga mata

Kadiliman lamang ang siya kong nakikita

Sa gitna ng dilim sarili ay napansin

May sugat may hapdi...

Chorus:

Pikit mata kong titingnan

Ang pagkaway sa akin ng kamatayan

Pikit mata kong titingnan

Angg sumbat ng tadhana na nang-uuyam.

Waring pitig ng pussio ko'y ibig tumigil

Ang kirot ay patuloy na sumisikil

Sa dami ng mga suliraning dumarating

Natabunan na ang pag-asa sa aking paningin.

Paano kung tuluyang pumikit itong mga mata?

At kailanman ay 'di na muling dumilat pa

Makita ko pa kaya ang ganda nitong umaga?

Sa panahong darating tayo pa kaya'y magkasama?

(Repeat 2nd stanza)

(Repeat Chorus 2X)

Kristal

Tulad ng alon sa dagat

Ibig kong kabuuan ko'y kumalat

Upang maabot ko kayong lahat

Sa aking ibabaw kayo'y iangat.

Gawin n'yo rin akong bangka

Sa pagsapit ng malaking sigwa

Gawing kanlungan kapag may baha.

Chorus:

Huwag patangay sa agos ng buhay

Baka malunod sa sandali ng lumbay

Isiping narito ako't nakaantabay

Isang kaibigang nagmamahal

May damdaming singlinaw ng kristal.

Ibig kong makipaglaro sa ulan

Nanginginig man ang katauhan

Maalis din ang kalungkutan

May tamis sa luha ng kalangitan.

Kung ako lang ay ilog na mababaw

Halina't sa tubig ko'y magtampisaw

Nanlalabong isipan muling lilinaw

Habang ang ssarili ay inaaninaw.

(Repeaat Chorus 2X)

Gago Ka Kasi

Gago Ka Kasi

Tumingin ka sa salamin

Mukha mo'y puro uling

Kamukha mo ang matsing

Sa baging naglalambitin.

'Di ka ba nagsasawa?

Sa iyopng pinaggagawa

Ang kapal ng 'yong mukha

Nguso mo'y nagmamantika.

Chorus:

Hoy(3X)

Pulitikong unggoy

Hoy(3X)

Pulitikong unggoy

Gago, gago ka kasi!

Kasakima'y sagad hangggang buto

Ba't ka pa naiboto?

Bumababa ka sa puwesto

Masamang tsonggo.

(Repat chorus 2x)

Sa bayang tiwali

Nagkalat mga taksil ng lahi

Nasaan na'ng mga bayani?

Na magtatanggol sa ating lipi.

Sa Crush Kong Boldstar


Kaniig ka sa lalim ng gabi
Parang alak sa loob ng bote
May dalang init, suwabeng-suwabe
Habang pinapanuod ka sa sine.

Pero ba't may nadaramang kirot
Sa kabila ng saya mayroong lungkot
Sana maging bato kang napupulot
Para ikaw'y aking madampot.

Matapos masilip ang lahat
Ang maselan mong balat
Sa puso'y kumiwal ang sugat
Dahil palabas ay 'di pa sapat.

Crush kita, Ms. Boldstar
Although you're so very far
I like the shape of your body
You're my dream and fantasy
Your beauty makes me crazy.

Gusto sana kitang hagkan
Kaso iba ang kahalikan
Gusto rin kitang yakapin
Pero 'di ka maangkin.

'Di mahawakan ng mga kamay
Nilulunok na lang ang laway
Sana ikaw'y aking makapareha
Sa tunay na buhay, 'di sa pelikula.

Panibughong Lagim

Akala ko maayos na ang lahat pero hindi pa pala. Ilang beses ko ng iniiwasang makita ang tagpong 'yun. Pero paulit-ulit na bumabalik sa isip ko. May mga bagay na talagang 'di malilimutan kaya't kipkip-kipkip hanggang sa pagtulog. Ang mukha ni Minerva patuloy kong nakikita. Pakiramdam ko buhay na buhay pa rin siya, kasama kong nakikipagtawanan at nakikipaglambingan.
Si Minerva ang kasintahan ko sa loob ng isang taon. Pero kahit maiksing panahon lang ang pinagsamahan namin aaminin ko minahal ko siya ng sobra. Siguro masyado akong nabulag sa kanyang kagandahan, mapungay ang mga mata, mahaba ang buhok, matangkad at balingkinitan. Sabi nga ng iba parang 'di makabasag pinggan. Bukod sa mga katangian niyang 'yun mabait din siya. Kaya ganun na lang ang pagkahulog ng loob ko sa kanya.
Maayos ang relasyon namin noon halos walang problema maliban sa konting tampuhan. Pero naaayos din naman agad ang lahat. Nagbago ang lahat ng ito nang dumating si Jojo, 'di naman kaguwapuhan. 'Di sa pagyayabang mas may hitsura pa ako run. Pero ang lintek na ito panay dikit kay Minerva ko. Binabalewala ko lang ang mga nakikita kong madalas na paglapit-lapit ng mokong na ito. Ayaw ko siyang komprontahin baka sabihin ni Minerva ba wala akong tiwala sa kanya. Pero sa loob-loob ko parang sasabog na ako sa matinding selos.
Hanggang isang araw 'di na ako nakatiis nagsalita ako sa kanya, "Napapansin ko yata panay dikit niyang Jojo sa 'yo, bakit?"
"Ah, 'yun, wala 'yun. Palakaibigan lang talaga 'yung si Jojo. Don't worry ;di kita ipagpapalit sa iba, ikaw pa!,"paniniguro niya habang nakangiti sa akin. Pero sa loob-loob ko parang nagdududa pa rin ako.
Lumipas pa ang isang linngo parang normal ang lahat. Pero isang araw bigla na lang dumating ang oras na kinatatakutan ko, ang iwanan ako ng pinakamamahal ko.
"Eric, mag-break na tayo," walang kagatul-gatol na sabi ni Minerva.
"Pero bakit? Ano'ng nagawa ko? Ba't pabigla-bigla ka?." takang-takang sabi ko.
"Basta, wala kang kasalanan, wala sa 'yo ang problema nasa akin," maluluha-luhang sagot niya.
Nang mga sandaling 'yun 'di ko alam kung saan kakapain ang sagot sa tanong ko kung bakit? Wala akong ibang magawa kundi ang tumanggi sa gusto niya. Pero kahit ano'ng ayaw ko siya namang pagpipilit niya. Kahit ano'ng pakiusap ko ay balewala. Para akong batang humahagulgol sa harap niya ng oras na 'yun. Habang siya naman ay pigil na pigil at ayaw ipakita ang tunay na damdamin. Lumakas lalo ang hinala ko na si Jojo nga ang dahilan ng pakikipagkalas niya niya pero wala siyang inamin. Damang-dama ko sa loob ng puso ko na 'yun nga ang dahilan at wala ng iba. Dahil wala naman talagang rason kung bakit kailangan niyangg gawin ang bagay na 'yun. Ni wala man lang pagsaalang-alang sa pinaagsamahan namin. Ni hindi man lang siya nagpahiwatig na mawawala na siya sa akin eh 'di sana hindi ganun ang aking naging pagkabigla. 'Di ko na tuloy maintindihan ang nararamdaman ko, magkahalong galit at pagmamahal ang naglalabaan sa pagkatao ko. Buong buhay ko noon pa lang ako nakaramdam ng matinding sakit. Mas masakit pa sa naramdaman ko nang mamatatay ang tatay ko. Wala akong sinabing kahit ano'ng panunumbat sa kanya hanggang makaalis siya. Hinatid ko na lang siya ng tinggin dahil lulugu-lugo na ako.
Nakauwi na ako ng bahay 'yung eksenang 'yun pa rin ang laman ng isip ko. Pakiramdam ko parang hinihiwa ang dibdib ko. Bigla na lang naramdaman ko na kumukulo ang dugo ko!
"Hayup kayo, kung totoong kayo na nga!," usal ko sa sarili ko. 'Di ako nakatulog ng gabing 'yun. Naiisip ko silang dalawa na naglalampungan. Pero kailangan ko munang mapatunayan kung totoo nga ang hinala ko para makaganti ako sa kanila. Buhat ng bata 'di ako pumapayag na basta na lang naaagabriyado. Gumagawa talaga ako ng paraan para makaganti. Ngayon pa kung kailan naging mabait ako nangng husto, halos sambahin ko si Minerva tapos gagaguhin niya lang pala ako. Ito lang pala ang mapapala ko, hindi puwede sa akin ang ganun. Hindi talaga...
Umaga na naman, dati-rati laging masigla ang gising ko. Pero pakiramdaman ko waring nalalambungan ng itim na ulap ang kalawakan gayung tirik na tirik ang araw. Giniginaw ako gayung wala ng hamog. Lumipas ang isang araw wala akong ginawan kundi ang magsenti at mag-inom ng serbesa para kahit paano ay makalimot ako.
Sumapit na ang gabi 'yun at 'yun pa rin ang nasa isip ko. Pumunta ako ng kusina at nakita ko ang kutsilyo kaya't dinampot ko ito. Ang kislap ng kutsilyo ay parang liwanag na kumislap sa nagdidilim kong paningin. Pinaglaru-laruan ko ang kutsilyo hanggang sa masugatan ang aking daliri. Tumatagas ang dugo pero wala ako sakit na maramdaman. Hinayaan ko lang tumulu-tulo ang dugo sa sahig. Naisipan kong kuhanin ang puting panyo ssa drawer ko. Isinawsaw ko ang isa kong daliri sa dugo saka isinulat ko sa panyo ang katagang Eric Love Minerva. Pinatuyo ko ito pagkatapos matuyo ang ibinulsa ko na ang panyo. Kumuha ako ng basahan at pinunasan ang mga 'di pa natutuyong dugo sa sahig.
Naisip kong lumabas ng bahay para pumunta sa park. 'Yun kasi ang madalas naming puntahan ni Minerva noong kami pa. Habang naglalakad ako sa kalsada nang biglang may umalulong na aso. Pero 'di ko pinansin, sanay na akong makarinig ng alulong ng aso. Para saan ba 'yun? Mas kailangan kong intindihin ang sarili ko. Alas dose na ng gabi nang makarating ako sa park at gaya ng dati may mangilan-ngilan pa ring lovers ang aandun. may nagyayakapan, may magka-holding hands at meron din namang garapal, naghahalikan kahit may nakakakitang iba. Gumapang ang inggit sa buo kong pagkatao kasi namimiss ko si Minerva. Malalim akong nag-iisip ang sa, di kalayuan may natanaw akong babae at lalake sa ilalim ng puno na nasisinagan ng malamlam na ilawan sa park.
"Parang kilala ko 'yun, ah."
Inaninag kong mabuti kong mabuti, "Si Minerva at si Jojo, ang mga taksil!"
Nang mga oras na 'yun biglang nanginig ang katawan ko sa galit. 'Di nila nakikita ang puwesto ko pero sila tanaw na tanaw ko. Ang saya-saya nila habang ako naman ay nilalamon ng lungkot at matinding panibugho! Pakiramdam ko umakyat ang dugo sa ulo sa sobrang galit. Tiim bagang akong tumayo, naglakad papunta sa kanila. Umikot ako para 'di nila makita. 'Di nila namalayan nasa likod na pala nila ako. Napangiti ako at walang sabi-sabi, inundayan ko ng sunud-sunod na saksak si Jojo sa likod para siguradong patay pagbagsak. Samantalang 'di nakasigaw sa sobrang sindak si Minerva, nakatulala lang siya dahil sa pagkakagulat. Marahil ay 'di niya sukat akalain na magiging ganun pala katindi ang reaksyon ko sa pag-iwan niya sa akin.
"Eric, bakit mo ito ginawa?," garalgal ang boses niya habang nagsasalita.
Hinawakan ko ang baba niya, hawak-hawak ko pa rin ang kutsilyong puno ng dugo.
"Nagtatanong ka pa? 'Di pa ba sapat ang pagmamahal na ibinigay ko sa 'yo, nagawa mo pa akong pagtaksilan?," panunumbat ko sa kanya.
"Hayaan mo muna akong magpaliwanag saka humingi naman ako ng sori sa 'yo ah. Huwag, huwag mo rin akong papatayin. Kung gusto mo tayo uli 'wag mo lang akongg papatayin," halos mabaliw-baliw na pagmamakawa niya.
Pero sino ba namang tao ang nasa kawalang katuwiran ang makikinig sa pagmamakaawa ng mismong mahal niya gaya ko? Masyado ng matigas ang puso ko para pakinggan pa ang pagmamakaawa niya.
"Huwag kang sisigaw kundi papatayin kita," sabi ko sa kanya habang hila-hila ko ang bangkay ni Jojo papunta sa mas madilim na sulok. Habang hila-hila ko naman ang buhok ni Minerva. Pagkatapos nun sinakal ko siya nang mahigpit na mahigpit. Dahil sa maliwanag ang buwan nakita ko na lumawit ang dila ni Minerva sa tindi ng pagkakasakal ko sa kanya. Inihiga ko sa damuhan ang kanyang bangkay saka ko sinaksak ang kanyang dibdib. Pero hindi para kainin kundi para patuloy na angkinin ang puso niya. Pero saan ko ilalagay ang puso ni Minerva? Hinubad ko ang suot niyang blusa para doon mismo ibalot ang puso niya.
Sigurado bukas magiging laman ito balita sa TV, dyaryo at radyo. Tumingin-tingin muna ako sa paligid baka may nakakita sa krimeng ginawa ko o baka mamaya may rumurondang pulis sa paligid-ligid ng park. May bahid pa ng dugo ang damit ko pero dahil sa nakaitim ako kaya 'di na siguro halata ng kung sino mang makakasalubong ko sa daan. Tumakas ako na parang walang nagyaring anuman. Pero ewan ko ba't ganun 'di man lang ako nakaramdam ng munti mang pagsisisisi. Pero aaminin ko namimisss ko si Minerva. Pero wala na siya dahil pinatay ko na siya kasama ni Jojo!
Nakauwi ako ng bahay, agad kong hinubad ang suot kong damit. Kailangan kong tumakas bago pa man matuklasan ng iba ang ginawa kong krimen. Dali-dali kong iniligpit lahat ng mga damit ko. Siyempre walang ibang pagbibintangan kundi ako. Malalaman din ng lahat na ako ang gumawa ng krimen. Pero saan ako magtatago? May kamag-anak ba o kabigan na gustong magkupkop ng isang kriminal? Gulong-gulo ang isip ko ng mga sandaling 'yun, napahagulgol ako ng iyak. Naisip ko ano kaya magpakamatay na lamang ako para 'di ako makulong? Pero ano ako gago? Susundaan ko agad sila? Wala talaga akong ibang pupuntahan kaya napagpasyahan ko na lang manatili sa bahay, bahala na! Damputin na nila kung gusto nila akong damputin tutal sa kulungan din naman ang bagsak ko. Nasa ganun akong pag-iisip nang makatulog ako sa sobrang pagod at gulo ng pag-iisip. Nanaginip ako, may batang babae akong nakita, nagtaka ako ba't kamukhang-kamukha siya ni Minerva. Tapos dumating daw si Minerva bigla siya nitong tinawag, "Halika na, 'wag kang lalapit sa mamamatay taong 'yan," galit na sabi niya.
Pagtalikod nila biglang dumating si Jojo para akayin silang dalawa papalayo sa akin. Nang mawala sila paningin ko bigla na lang bumaha ng dugo sa buong paligid. Puro dugo, umaapaw na dugo! Hindi! Nagising ako, walang-hiya binabagungot agad ako dahil sa krimeng nagawa ko! Pakiramdam ko parang totoo ang lahat, napatingin ako sa kisame mayroong kulapol ng dugo gayung 'di naman ako dumikit dun. Napatalukbong ako ng kumot baka mamaya biglang magmulto si Minerva. Nang lisin ko ang kumot tumingin ako uli sa dingding pero wala na ang dugo. Naisip ko baka guni-guni ko lang ito. Bumangon muna ako para uminom ng tubig dahil uhaw na uhaw ako. Pagkatapos nun balik-higa at saglit na nawala ang bangungot na 'yun.
Alas-sais na pala ng umaga, natural 'di ako nmakakapasok sa trabaho. Isa na akong kriminal na naghihintay ng sistensiya at 'di nga ako nagkamali maya-maya lang alas-dose na ng tanghali dinampot na ako ng mga pulis. Nalaglag pala sa pinangyarihan ng krimen ang panyo na sinulatan ko ng dugo, na ang nakalagay nga ay Eric Love Minerva. Kaya 'di na sila nahirapan pa na tukuyin kung sino ang kriminal. Sumama ako ng matiwasay sa mga pulis para walang problema pero bago 'yun itinuro ko sa kanila kung saan ko inilagay ang puso ni Minerva.
Nasumpungan ko na lang ang sarili ko sa loob ng kulungan, may hatol na habambuhay na pagkabilanggo. Gabi-gabi napapanaginipan ko ang ginawa kong pagpatay sa kanila. Nakikita ko ang sarii ko na nanlilisik at pulang-pula ang mga mata, nakangisi habang sinasaksak ko sila Jojo at Minerva. Paulit-ulit ding nagpapakita sa akin ang batang babae na kamukha ni Minerva, napakalungkot ng mukha niya habang nakatingin sa akin. May mga gabing ayaw ko ng matulog dahil babangungutin na naman ako. Sabi nga ng mga kakosa ko, ang laki na ng eye bag ko.
Hanggang isang hatinggabi bumulaga sa harap ko ang multo ni Minerva, umiiyak. Pero nang sandaling 'yun 'di na ako nananaginip, totoo na! Tumayo ang lahat ng balahibo sa katawan ko. Gumapang ang kilabot sa akin mula paa hanggang ulo.
"Minerva, patawarin mo ako 'di ko sinasadya, nagawa ko lang 'yun dahil sa sobrang galit ko."
Nakatingin lang siya sa akin habang umiiyak pagkatapos nun bigla siyang tumalikod at pagharap niya agnas na ang kanyang mukha, wakwak ang dibdib! Lalo tuloy akong nahintakutan dahil sa tagpong 'yun. Akala ko lalapit siya sa akin para sakalin gaya ng ginawa ko sa kanya. Hinihintay ko lang na gawin niya 'yun sa akin, napapikit na lang ako ng mata pero pagdilat ko wala na siya. Saka ako nakahinga ng maluwag, pinagpawisan ako nang husto gayung ang lamig sa loob ng selda ng mga oras na 'yun.
Kinabukasan meron akong 'di inaasahang bisita, si Lynn, kaibigan ni Minerva. Alam kong nandun siya para usigin ako. Mabigat man ang pakiramdam ko ay hinarap ko pa rin siya.
"Eric, bakit mo naman ginawa 'yun sa kaibigan ko?," pambungad niya sa akin.
'Di ako kumikibo habang nakayuko dahil sa labis na kahihiyan na nararamdaman ko. Isa pa, ayokong magpakita ng emosyon sa harap ng kaibigan ni Minerva.
"Alam mo ba na mahal na mahal ka ni Minerva?," pagpapatuloy niya.
'Di ako makapaniwala sa sinabi niya. Kung ganun ba't siya nakipaghiwalay sa akin?
"Magkakasama kaming tatlo ng gabing makita mo sila sa park. 'Di lang maganda ang pakiramdam ko kaya nag-CR muna ako pero pagbalik ko wala na sila sa pinag-iwanan ko kanila. Tapos nalama ko na nga lang na patay na pala sila at ikaw pa ang pumaslang sa kanila," umiyak na sabi ni Lynn.
Kaya naman daw laging nakadikit si Jojo kay Minerva ay dahil nagpapalakad ito sa kanya. At nanng gabing isinama lang nila si Minerva para mapasalamatan ito dahil sinagot na raw ni Lynn si Jojo. Tinanong ko na rin sa kanya kung bakit ito nakipaghiwalay sa akin...
"Kaya naman siya nakipag-break sa 'yo dahil lumabas sa pregnancy test na buntis siya. Gulung-gulo ang isip niya, natatakot kasi siya na baka mapatay siya ng tatay niya 'pag nalaman ang kalagayan niya. Alam mo namang sobrang bagsik ng tatay nun. Pero sasabihin din daw niya sa iyo kailangan lang niya munang makapag-isip-isip."
Kaya pala may batang babae na nagpapakita sa panaginip ko na kamukhang-kamukha ni Minerva. 'Yun sana ang magiging anak namin. Kung sinabi lang sana ni Minerva ang katotohanan, 'di sana nangyari sa amin ang ganun dahil mahal namin ang isa't isa. Pero walang dapat sisihin kundi ako dahil hinusgahan ko agad siya.
Gabi-gabi na lang binabangungot ako, paulit-ulit kong nakikita ang eksena kung paano ko patayin sina Minerva at Jojo. Ang nagagawa nga naman ng panibugho sa buhay ng tao, minsan ay nagdudulot ng panibugho. Kailan kaya titigil si Minerva sa kamumulto sa akin? 'Di ko na makakayanan ito, masisiraan na yata ako ng ulo...AAAAAHHHHH!!!!
-Wakas

Friday, February 22, 2008

Graffiti sa Pader

Nagsisentiyemento't nag-aalburuto ang pader
Sa mga bandalismong nagmistulang sticker,
Sa mga graffiti na dumungis sa mukha't dibdib
Nababoy tuloy ang maputi niyang katawan
Na dati-rati'y kay linis na kabuuan
Sa puro at napakapurong pintura
Ngunit ngayo'uy tila natapunan ng grasa
At kulay pulang kasing tingkad ng dugo
ni Dracula
Parang damit na natadtad ng mantsa
Parang batik ng tatttoo na ibinurda
Kaanyuang nilagyan ng lantad na maskara.
Samu't saring drawing ang ibinabando
Mga kengkoy at kangkarot na tao
Mga bastos na larawang-anino't
Replika ng sungayang mukha ng diablo;
Sa mga babalaang bawal magtapon
ng basura't bawal umihi dito
Paalala sa mahihilig magkalat
Ngunit katawan mo ang unang binylatlat;
Mga nagmumurang wika ng pagkamuhi
Na 'di mo maugat ang sanhi
Tulad ng mga sulaat sa banyong marurumi
Sagutang tirahan ng mga salitang umaatake
Nakabuburat ang mga salitang nagpapapansin
Sa bawal at libreng adbertisment'
"Ang pader ay 'di nilikha para sa laya
May tamang lugar para sa guhit at kataga."
Ito ang sabi ng pader sa umid niyang dila.
May pintura rin ng mabibigat na perpektiba
Ibagsak! Ibagsak ang mga Imperyalista!
Kung minsa'y nangangampanya sa pulitika
'Di malaman kung nakakapagpasmulat
o nakabibigat sa kinukulabang mga mata
Tanghalan ng iba't ibang paniniwala
Sa lipunang atubili sa pagkaaligagaa.
Pader, narinig ang hibik mo ng MMDA
Kaya't ginuhitan ka ng ssamu'tt saring kulerete
May adorno ka ngayon ng maayos na sining
Pinupunasan ang mukhang tigmak ng uling
Ngunit mga graffitti man ay pinuksa
Mayroon at mayroon pa ringg magsasalaula
Sana nakasulat sa iyo'y panay tula
Tulad ng buhay na nasa dulo ng dila
Tulad ng graffitti na kumakawala.

Makatang Ina Mo

Anak ng dagat,
Anak ng lupa,
Anak ng kalawakan
Mga anak ng kalikasang
Isinupling ng panahon
Mula sa puso ng anino
ng dilim sa kawalang-turing
ng dagidig
Inihele sa daluyong ng
kaligtasan at panganib
sa pagbalong ng bukal
na 'di masayod, maging
ng martang-tubig.
Ang ina mo ay makatang
nag-aaruga sa sumisibol
na binhing ipinunla
sa kanyang dalisay
na puso't budhi
tungo sa maalab na tunggali,
Pinalayaw sa kanyang
kandungan ang bawat
bigkis ng salitang hinabi
ng kanyang isipan
Babaeng makata ng kalayaan
at pagkapantay-pantay
sa sumasalungang agos
ng buhay.
Makata ang ino mo
sa lupang ina na kanyang
kauri't kaurali
Ang ina ay ina
sa walang hanggang pagiging ina,
Ang parang aat bukirin
ay kaputol ng kaanyang dilang
dinilig sa ulan
sa himagsik ng pag-ibig,
Nawisikang diwa ng
makabagong talinghaga
itinarak sa pagitan
ng kanyang hita't dibdib
Ng makatang ama mong
sakdal-tigas-bakal
sa kanyang kabuuan
Ngunit makata ang ina mong
'di palulupig
sa latay at hagupit
ng huklubang pananalig.

Laro

Tayo ng maglaro sa bakod ng salita
Na pinamumugaran ng mga himala
Dito'y naggiging tutubi ang elepante,
Nagiging bulate panssit at ispaghetti.
ng puno ay nagsasanga ng tuyong dahon
Bunga'y sariwang prutas na amoy-bagoong
Ugat at katawan ng halaman ay bubog
Mga sunog na damo'y tigib ng aalindog.
Nangalira sa bakod mapurol na tinik
Sarili'y mababalutan ng puting putik
Kay sarap maglaro 'pag habol ka ng itak
'Pagkat dila mo ay lalong namumulaklak.
Kaibigan, sumabay ka sa paglalaro
Habang diwa'y ginigisa sa pagluluto
Dito'y isasalang sa init ang bibig
Upang lagyan ng rekado na pampalamig.
Sa laro natin, sungkutin mo ang bituin
At sa buwan naman tayo maglalambitin
'Di ba't masayang kalaro ang kalikasan?
Mga bata tayo sa puso't pakiramdam.
Sadyang ganyan lang kung paglaruan ang wika
Para tayog nakainom ng tuyo at suka
Ah, 'di tayo naglalaro upang magbiro
Ito'y likhang sining sa pagkukuro-kuro.

Ako at Ang tula ay IIsa

'Pagkat siya ay ako
At ako ay siya
Siya ang aking budhi,
puso't kaluluwa
Salamin ng pagkataong
maraming nadarama't nakikita
'Di tulad nilang minanhid
at binulag ng pangangamba.
Ngunit malaon na siyang
iniluwal ng panahon
At waring ako'y kanya
lamang kampon
Gayunpaman itinuring ko
siyang aking sarili
Na minamahal at laging
iniintindi.
Ako at ang tula ay iisa
Ngunit siya rin ay pag-aari
ng iba
'Pagkat marami kaming
nag-alay ng diwa sa kanya
Oo, 'di lang iisa o dadalawa
May laksa-laksang
persona.
Singlawak ng mundo
ang sakop ng berso
Inaaari maging mikromoso
Isinisilid sa utak ng
maraming ako
Upang tapakan ang mga
sugatang ismo.
Ngayon ako ay hindi na ako
At ang tula ay 'di na rin ako
Dahil ako at ang tula ko
ay nakipag-isa na sa iyo…

Sunday, February 17, 2008

Oda kay Osama Bin Laden


What the United States tastes today is very small thing compared to what we have tasted for ten years.
Our nation has been tasting this humiliation and contempt for more than 80 years.
Its sons are being killed, its blood is being attacked, and it is not being ruled to what God has decreed.
Despite this, nobody cares.
-Osama Bin Laden

Osama, Osama sa kaitaas-taasan
Papaga-pagaspas sa kalawakan
Ngalan moy bantog sa sandaigdigan
Puwersa ay sadyang nararamdaman.

Para kang produktong mabenta sa market
Nanduon ka pag magla-log sa internet
Well, fly to the moon by rocketT
hen your name will not be written in any gazette.

Ikaw ay bayani sa mga taga-Agfhan
Pagkat ipinaglaban mo sila sa mga Russian
Nang manakop ang mga tampalasan
Hindi ka naigupo ng mga kalaban
Bagkus itinaboy sa kanilang pinagmulan.

Di ka naniniwala sa alamat ng Super Power
Napapatakbo sila kahit ng paper tiger
You always subjugate all the stupid invaders
To bring back in the womb of their mother fucker!

Palaban ang mga kasama mong Mujaheden
Nahasa nang husto dahil sa puspusang training
Ultimo Abu Sayyaf naging big problem
Your followers have self-esteem
Kahit pa mag-suicide bomber sa airplane
In their belief, when they die they will go in heaven
So, to kill their enemies is not forbidden
Like what they have done in September 11 bombing
All of you are not considering this as evil-doing.

Dati-rati ay bata-bata pa ng CIA
Because you helped them to fight the Communist Party
They gave you weapon and a lot of money
But now and then, youre their greatest enemy
You put them on shame and devastated their strong economy
The symbol of power and abundance was wrecked clearly.

Ang lupit ng kautusan ng iyong FATWA
Militar o sibilyan maaaring itumba
Pagkat wala ring pakialam ang AmerikaS
a mga inosenteng biktima nila noon sa Hiroshima
Kayat walang dapat ipagtaka
Dahil sadyang ganito ang giyera.

Ikaw ay naging isang ekstrimista
Dahil sa labis na pananalig kay Allah
Kay Hitler ka pa nga ikinukumpara
Malupit at tila wala ng konsensya,
Galit na galit ka sa mga Israileta
Dahil nagmumukhang api ang mga taga-Palestina
Kayat nais mong bigyan sila ng independencia
Kaso nanghimasok pa ang mga puti sa away nila
Nagawa na ngang magtayo ng base militar sa Saudi Arabia
Kayat galit mo ay nag-aalab na gasolina.

Ikaw ba ang katuparan ng hula ni Nostradamos?
Ikatlong anti-Cristo na bumabaluktot sa krus
In this world, why you sing a lonely blues?In everywhere, your bearded picture ay naka- post
Like Beatles, mas sikat pa raw kay Kristo Hesus.

Ikaw nga ba ang magpapasiklab ng World War III
To anhilate again the people in this angry society
Oh, its hard to think that you will see human mutiny
Victims of nuclear weapon in every country.

Dinurog man ng mga Amnerikano ang Cabul
Sa kaaway, hinding-hindi ka pasusukol
Matagal-tagal ka rin nilang hinahabol
They cant see you because youre like an invisible
Pahuhuli ka lang siguro kapag ikaw ay nadedbol.

Bilang ganti, you mailed letter with anthrax
And package time bomb in the box
The azure and white sky became black
In that incident youre the mastermind
Alqueda Network was shocked to all human kind.
Now, who are the true terrorist?The extremist or the Imperialist?
Who are the people that not worthy to exist?
Is there any Schinder List?
Ask Osama Bin Laden, the man who came from Middle East!

Nakatapak Ako ng Tae

Itoy di dumi ng papawirin
Na inihulog ng bituin
Sa gabing pusikit ang dilim
Walang luwalhati ang ningning,
Walang nabuksang lihim.

Itoy di pagdaragis ng bolpen
Habang nagtatalik sa pagsisilim
O paghahagis ng batot buhangin
Sa puyo ng mahahangin
O sabuyan ng putik at mga pasaring.

Hindi babolgam ang kumapit
sa aking sapatos
Habang sa kalsaday bumubulaos
Sino kayang nagkalat na bastos?
Ng kung anong malatang
di ko kita halos
Ni walang tubig na nagtataboy
at nagbubuhos.

Bulag ang kalawakan
At may piring ang mga matang
sulipat ng karimlan
Na nagpapabuhol sa isipan
Pinasasangsang ang hanging amihan.

Tutunguhan koy masisinsing damo
Kahit ang tubig-bahang nagdideliryo
Nakatapak ako ng tae ng manok,
pusa, aso o tao?
Nagpipista ang samut saring mikrobyo
Sa gabi ng mga peligro!
Report this post to a moderator

Todos Losantos ng Lumang Sapatos

Paalam, lumang sapatos ng panahon
Ilang taon ding paa ko'y inampon
Nagunita ko nang una kang nabili
Hanggang sa huling swelas nagsilbi.

'Di ka man gawa't tatak Marikina
Naiskor lang kung saang bangketa
Nakipagtawaran sa chakang tindera
Mahal kita kahit presyo mo'y mura.

Saksi ka sa marami kong lakad
Naroon ka nang may asong nanghagad,
Naroon nang habulin ng alat sa kalye't
Pagtripan ng mga saragate.

Ilang ulit na ring naiapak sa putik
At sa taeng tumpok na namumutiktik
Muntik ng madisgrasya at mawala
Nang malasing ako't nagpakaburara.

Naalala ko nang una kang dumila
Para kang taong malaki ang dyunganga
Ngunit sa paulit-ulit na kadirikit
Bumigay din parang yumaong sumalangit.

'Di ka na mababalik sa dati kahit ipaayos
Gasgas ka na't nauubos na upos
Ngunit kailanman ay hinding-hindi malalaos
Inamag ka man at nabulok pagkatapos.

Para kang patay na kukong 'di maipalibing
Kaya't 'di ko alam kung saan ka pupulutin
Aalalahanin din kita sa araw ng mga patay
Tulad nila 'di ka na rin magbabanyuhay!

Tanaga sa Sangkahayupan

1. Pusa
Huwag kang padadaya
Sa iyong nakikita
Dahil nagsasapusa
Ang taong walang awa.

2. Aso
Ingat sa asong kalye
Nangangagat 'yan p're
Marami ang salbahe
Hilig manabotahe.

3. Unggoy
Ulo ay kinakamot
Ang kuko'y kinukutkot
Talagang nakayayamot
Nagmumukha ng engot.

4. Baboy
Yak, napakaburara
Masasagwa ang gawa
Matapang na sikmuraKumakain ng suka.

5. Ahas
Mabagsik ang kamandag
Huwag paduwag-duwag
Durugin pa ang bayag
'Pag nag-ahas ang kumag.

6. Buwaya
Parating nakanganga
Gustong makabiktima
Huwag tatanga-tanga
May b'waya sa kalsada.

Haiku-langot (Tulang Balu-baluktot)

1. Di makangiti
Ang suklay ay nabungi
Buhok nagbigti.

2. Kinis ng ulo
Bago pa ang pustiso
Dyaporms si lolo.

3. Bangkay nabuhay
Sa kawalan ng malay
Naghahayahay.

4. Awit-amihan
Alay kay habagatan
Buhawing ewan.

5. Balat ng saging
Naapakan ng lasing
Wanted si Matsing.

6. Gulong ng gulong
Nadagananan ang pagong
Di makasumbong.

7. Nagbalat-ahas
Hawak supot ni Hudas
Ng talipandas.

8. Oi! Haiku-langot
Binalu-baluktot
Daliring pingkok!

Gutom na Makata

Ba't kailangan pang magsulat ng tula?
Gayung hindi mailaman sa sikmura
Tangi lang nabubusog ay ang diwa
Samantalang ikaw'y pinagiging dukha
Ang tula nga ba ay para lang sa wala?

Tula'y 'di man lang magamit bilang armas
'Pag paligid ay kubkob ng pandarahas
Mga kataga lang kayang ipangahas
Habang nililingkis ka ng mga ahas.

Akda'y 'di mailimbag sa peryodiko
Kung malimbag man kapalit lang ay 'tenk yu'
Sa dami ng tula 'di mo maipalibro
'Pagkat ayun sa kanila'y 'di na uso
Makata'y biktima ng komersyalismo
Kaya't wika'y itaga na lang sa bato?

Tunutula ba para sa sarili
O kinatawan lang ng nakararami?
Ngunit bakit nga ba 'di na raw mabili?
Tila produktong inaamag sa tabi.

Ngunit walang kuwenta ang pagsasalat
'Pagkat lahat ay sa ngalan ng panulat
Laman ng dibdib ibig lang isiwalat
Sa mundo ay makapag-iwan ng bakat!

Kung Ibig Mong Mawaglit sa Kasalukuyan

Kung ibig mong mawaglit sa kasalukuyan
Ang pagtakas ay isipin na karuwagan
Harapin nakapikit na katotohanan
Malupit niyang kaanyuan ay titigan.

Kapain mo, kaibuturan ng 'yong dibdib
Hanggang ang sarili ay tuluyang malupig
Sige, magpakalunod sa 'sang timbang tubig
Habang nabubulunan sa munting pinipig.

Tulugan ang bulaang pantasya't alamat
Umasa ka lamang sa iyong pandalumat
Isiping may taglay kang birtud o agimat
'Di kakapitan ng naknanaknak na sugat.

H'wag magtangkang tumanaw sa lumipas
'Pagkat lahat ng ito ay pawang napilas
H'wag maging propetang nanghuhula ng bukas
Kasalukuyan ay puno ng pandarahas.

Maglulunoy ka ba sa lagablab ng apoy
Hanggang matuklasan hiwaga ng kumunoy?
Bakit?Bakit nanasain mong maparool?
Sa kasalukuyang maraming humahatol.

Hindi katunggakan saglit na pagkawaglit
Ito'y pagbalikwas upang magbigay-init
Paglikha ng sariling paraiso't langit
Sa deliryo ng habagat na humahagupit.


Tula kay Mariannet Amper (12 anyos na nagpakatiwakal dahil sa matinding kahirapan)


Natabunan na ng makapal na ulap ang 'yong pag-asa
'Pagkat 'di mo na makaya pa matinding pagdurusa
Ang naghihintay na kinabukasan ay 'di na mabasa
Musmos ka pa lang ngunit inalipin na ng problema.

'Di ba dapat ang buhay para sa iyo'y puno ng kulay?
'Pagkat Nene ka pa lang na wala pang kamalay-malay
Ngunit sadya yatang kahirapan ay isang halimaw
Kaligayan sa puso mo ay tuluyan na nitong inagaw.

Marahil pakiramdam mo isa kang batang lagalag
Walang patutunguhan at hindi mapana-panatag
Kung kaya't sa mundo'y nagpasya ng tumiwalag
Baka sa kabilang buhay nandun hanap na liwanag!

Ninais mo lang namang magtamo ng edukasyon
Ngunit 'di makapasok dahil laging walang baon
Kahirapan ay mistulang sumpa na 'yong susun-suson
Sa araw-araw, kayo ng pamilya mo'y nagtitiis ng gutom.

Mga karaingan sa buhay ay 'di mo maihibik
Kaya't sa kapirasong papel na lang itinitik
Makaahon sa hirap, lagi mong pinapanaginip
Pag-ibig sa magulang at mga kapatid ang kalakip.

Sa iyong pagpapatiwakal sino bang dapat na sisihin?
Ikaw ba na musmos, marupok lang ang damdamin
O ang lipunang pabaya na sa kahirapan ay nagsusupling?
Mga pinuno'y pawang inutil bagama't nagmamagaling!

Ba't ngayon marami ang sa iyo'y nakikisimpatya?
Gayung huli na't hinanap mo na ang sariling laya
Ah, mapalad silang mayayamang kunwari ay pinagpala
Ilan pang batang tulad mo, sa hirap ay nakatanikala?


Samahan N'yo Akong Mangarap

Samahan n'yo akong mangarap sa gitna ng namumurok na araw
O sa pusod ng kadilimang sakbibi ng matinding ginaw
Marahil tulad n'yo rin akong kaluluwa'y nauuhaw
Gutom sa maraming bagay at pag-asa'y 'di maaninaw.

Samahan n'yo akong mangarap ng isang lipunang malaya
Malaya sa kahirapan at mga pagsasamantala
'Di tulad ngayon, kaapihan ay kapiling maya't maya
Kawalang katarungan sa lipunan ay 'di masansala.

Samahan n'yo akong mnagarap ng isang magandang bukas
Kung saan ay 'di na maghahari ang pandarahas
At wala na ring kinikilingan itong ating batas
Mayroong hustisya sa bawat puri't buhay na mauutas.

Samahan n'yo akong mangarap na maabot ang langit
Kung saan ang langit at lupa'y tuluyang magkakalapit
Upang magkaroon ng pagmamahalan at tunay na malasakit
Impiernong likha ng iilan ay mawawalan ng init!

Samahan n'yo akong mangarap nang ang mata'y nakadilat
Sa mapait na katotohanan ay sabay-sabay tayong mamulat
Hanapan ng lunas ang Inang Bayang puno ng dalamhati't sugat
Dulot ng ilang siglong paghahari ng mga sakim at mangungulimbat!


Tula kay Marc Logan


Itong si Mark Logan masyadong mak'wela
May halong kalokohan ang kanyang istorya
Lalawit ang ngala-ngala sa katatawa
Malalaglag pati pustiso ni lola.

Siguro tinatapatan niya si Dolphy
Kaya medyo kengkoy kung magkomedi
Lahat ng pipol ay haping-hapi
Nakabungisngis parang si beybi.

Sa mga makata si Mark Logan ang paborito
Kasi nakakatuwa ang kanyang tono
Kung tumula ay paloko-loko
Para kang magkakatoyo sa ulo.

Sa Dos dapat s'yang tawaging the Big Man
Pareho ni Drilon, malusog ang katawan
Sabi ng iba, hawig kay Kiko Pangilinan
Hi, Ate Shawi, walang pikunan!

Si Mark Logan parang si Hulk Hogan
Ang lakas ng dating sa karamihan
Mga tsong, walang mangangahas lumaban
Baka mangunsime at maging hukluban.

'Pag siya'y nang-alaska lasang condensada
Sobrang sarap, tamang-tama ang timpla
Masasabi ng bawat isa, isa pa, isa pa
Parang chicken joy na pampagana!

Buti pa si Mark 'di madaling mapikon
Kahit ibinibida'y mga mukhang tsupon
Huwag lang ipokus ang pakyut na miron
At nakakasira ito ng konsentrasyon.

Kahit saan pumunta siya ang idol
Pati ng mga dedbol na nakaburol
Halos gabi-gabi nanggugulo sa haybol
Habang nanunuod ng TV Patrol!

Para sa iba pang babasahin.

Dapat Nga Bang Ibigin Kita ng Labis?

Sinta, dapat nga ba kitang ibigin ng labis?
Kung nadudurog ang dibdib sa paghihinagpis
Magagawa ko kaya ang lubusang magtiis?
Kung may panibugho na sa aki'y lumiligkis.

Nais kong humigpit ang ating pagkakabigkis
Maging matibay lalo sa sandaling may krisis
Kung may nais pumustura h'wag magbagong-bihis
Ibalabal lang pag-ibig kong 'di magmimintis.

Nababatid mong ang pag-ibig ko ay masidhi
Na 'di matitinag may magtangka mang bumali
Ikaw ang laman ng isip sa t'wing nagmumuni
Tunay ngang ang puso ko sa iyo'y nabighani.

Sana'y pag-ingatan ang aking nararamdaman
Tulad ng pag-iingat ko sa ating samahan
Yamang sa buhay ko ay ikaw ang kahulugan
Ikaw ang aking lakas at maging kahinaan.

H'wag hayaang sa gitna'y magkaroon ng patlang
Kung saka-sakaling ako man ay nagkukulang
'Di ba't tayong dalawa ay parehong nilalang
Upang ang ibigin ay ang isa't isa lamang?

Lahat ay dudulog sa hukuman ng pag-ibig
Upang hatulan ang mga pusong magkaniig
Sa bawat pagsuyo masy mainit at malamig
Sa munting pagsubok tayo ba ay palulupig?

Mahal, h'wag iisiping ako ay nanghihinawa
Ang pagtitiwala ko sa iyo'y 'di nasisira
Natatakot lang ako na ikaw ay mawala I
kaw na sanang katalagahan ng tadhana.

Sabi nila lahat daw ng labis ay masama
Ano'ng masama kung iniibig kita ng lubha
Sa buhay ko ikaw ang nagbibigay tuwa
Mahal na mahal kitam ang tanging minumutya!

Pag-ibig ni Batman

Hindi ako kasing tapang ng bayani o Superhero
Wala akong lakas ng loob upang lumaban
Kung tutuusin duwag din ako't
walang kapangyarihan
Birtud ko lamang ay ang aking dasal
At pakikidaumpalad sa pagal kongkaluluwang
lumilipad sa kawalan,
Nanghuhuli ng pigtal na bituin
Ngunit walang ibang makita kundi lambong ng mga ulap
habang nakamasid ang pingas na buwan,
habang kinakapa sa kaibuturan ng dibdiba
ng damdaming dito ay nakasilid
Ibig mang pakawalan ay walang magawa
Ngunit bukas babangonako't magbabagong bihis
Pag-ibig ay sasambulat sa iyong harapan
Tulad ng pagsambulat ng dugo't laman
'Pagkat damdamin ay 'di maikukubli
Ng hungkag na pagkukunwaring'di kita mahal
Kung ibigin mo man ako o hindiay bahala na si Batman!

Saturday, February 16, 2008

Sumpa ng Gabi

Nagkalat kung gabi
ang mga buhay na miserable
Habang ang ilan sa atin ay panatag
Walang pakialaam sa mga nagaganap
Habang tayo ay namamahinga't
kapiling ng sinissinta
Walang tigil ang gabi sa paggawa
ng samu't saring sumpang
nakikintal sa ating diwa't
nagpaparumi ng kaluluwa.

Nagkalat ang mga bugaw sa Luneta,
Patay-sindi ang mga klab sa Ermita
(Ilang hita na naman ang nakabukaka?
Ilang babae na naman ang ginagahasa?)
Naglipana ang mga pick up girl sa kalye
at mga call boy sa tabi-tabi
Ginagamit ng may mga makamundong pagnanasa
Mga manyakis, bakla't matronang masasagwa
Habang nagtutuwad, nagtitihaya't kumukubabaw
Habol-hiningang dumadagok ang kahirapan
sa buhay at nanghuhusga ang lipunan
Inuusig sila ng mga taong nagmamalinis
Habang nakalublob sila sa may putik.

Nariyan na rin ang mga akyat-bahay
Maging pusakal na mga kriminal
(Ilang dibddib na naman ang maghihinagpis?
Ilang dugo na naman ang matitigis?)
Pumikit man at magdasal
Dumaratal ang kamatayang ipinapataw,
May bahid sindak ang mga bangkay
Ng mga biktimang walang malay
At bukas magiging balita ito
Matutunghayan sa telebisyon, dyaryo at radyo.

Habang nagpaparti ang mga burgis
Nagpa-pot session ang mga adik
Habang may mga taong ginagawang araw ang gabi
Habang may mga iskolar, siyentipiko, titser
o kaya'y manunulat na nagpupuyat
'Di rin mawawala ang mga nabubuhay sa dilim
Naghahasik sa lipunan ng lagim
Kaya't habang laganap ang kadiliman
Maghahari ang libu-libong katampalasanan,
May mga taong maggagala't
maghahanap ng masisila
Manliligalig anbg mga kampon
ng diablong salot sa mundo!
(Mula sa librong Pagtatalik ng Bolpen at Papel)

Serenata sa paglaya

Lunday kong iginaod sa maunos na gabi
Lulan ay libong dusa't pighati
Makapaglakbay kaya ako ng maluwalhati?
Mga balakid sa landas ay mahawi.

Sinasayaw-sayaw ka ng hanging habagat
Inihehele ng nagaangalit na dagat
Ang iyong layag tuluyang nawawasak
Ng pusong may linggatong ang nagttulak.

Hindi makagupigiling ang diwang napapagal
Bangka ay ibinabayo ng along maala-halimaw
Ipinalalasap ang kaparusahang marawal
Sa tulad kong aba't walang malay.

Sakuna lamang ba ang tanging ibabadya?
Sa kabila ng likhang serenata sa paglaya
Walang kabuluhan ang bawat kong salita
Nananatak ang luha, dusa pa ay nababathala.

Anu't anuman ihatid ako sa kabilang ibayo
Isa nga itong peregrinasyon sa santuwaryo
Kung saan ang katahimikan ay matataamo
Na pinipthaya ng tulad mo at tulad ko.
(Mula sa librong Pagtatalik ng Bolpen at Papel)

Lakas at Isip

Lakas:
Hoy, ikaw na nag-aaring henyo
Araw at gabi ang kaharap ay libro
Matalino nga pero lulugo-lugo
Ikaw ay patpatin at mukha nang bungo
Isip ng isip na tila sira-ulo
Walang alam sa kalakaran ng mundo
Lahat na lang binabase sa nabasa mo,
Tingnan mo, ang katawan ko'y matipuno
May lakas itong handang makipagbuno
Matatakot ang kaaway at tatakbo
Ang dami pang babaeng nagkakagusto
Nais nilang humilig sa dibdib ko.

Isip:
Amigo, 'yang dila dila mo yata'y sobrang talas
Saan ba nakalagay ang iyong utak?
Hindi mo ba alam ikaw lang ay aking hawak?
Sa iyong pagod nakikinabang ay mauutak
Dahil sa isip may nallikhang batas
Kami rin ang sumusulat ng mga aklat,
Nagsunog ng kilay, laging nagpupuyat
Hindi katulad mo na nagpapasarap
Puro gud taym at babae ang hinahanap
Maporma wala namang laman ang utak.

Lakas:
Hindi ka rin patatalo, puro yabang
Matayog ang lipad ng utak, hungkag naman
Kayo'y mga tamad. sadyang batugan
Pinagsasamantalahan n'yo ang mangmang
Porke't may pinag-aralan dakila ba naman?
Ngunit numero unong salot sa lipunan,
Mga taong binigyan ng karunungan
Pati ang Maylalang ay ibig paantayan
Lahat na lamang ay nais saklawan
Ha,ha,ha! Marami ka pa ring 'di alam
Sa sama-samang lakas at panawagan
Babagsak ka sa iyong kinalalagyan.

Isip:
Bakit biglang inillihis mo ang paksa?
Walang kabuluhan ang laman ng 'yong diwa
Ang isip mo'y makitid, mali ang paniniwala
'Di ba't sa usapan natin ikaw ang nagsimula?
Nilait mo ako at tinawag na lampa
Ipaliliwanag ko sa iyo kung alin ang tama
Ang maging matalino ay 'di masama
Huwag ka sana basta-bastang maghusga
Huwag magmalaki kung ano'ng mayroon ka
Pagkat kaloob lang 'tto ng Manlilikha,
Ang lakas at isip kapag pinagsama
Ikaaw at ako titibay angg puwersa!
(Mula sa librong Pagtatalik ng Bolpen at papel)

Sa Bagong Kasal

Narito ang katawan ko na 'yong pinagnanasaan
Nakalantad sa harapan mo ang aking kahubaran
Sige, siyasatin mong maige, magsawa kang tingnan
Ito ay gamitin mo para sa iyong kasiyahan.

Mainam ba ang taglay kong kagandahan?
Alaga ko mula sa panahon ng kamusmusan
Nasisilaw ka ba sa puti nitong aking katawan?
Seksi ba ako sa beywang kong balingkinitan?

'Di ba't sa ayos kong ito ako ay kaakit-akit?
Tila isang diosa sa paraisong napakarikit
Ano't natutulala ka pa at tila nag-iisip?
Ito ang s'yang sagot sa matagal mo nang panaginip.

Yamang ipinakita mo na ikaw ay maginoo
Noong mga panahong tayo pa lamang ay magnobyo
Ngayon ay lilikha tayo ng sarili nating mundo
Nang sa madaling panahon makabuo agad tayo.

Bakit ka pinagpapawisan, relaks lang aking mahal
Naninginig ang mga kamay mo at 'di mapalagay
Sa pagkakataong ito para kang nananlo sa sugal
Handa na ako upang ang lahat-lahat ay ibigay.

Kung nais mo ng madili ay patayin ang ilaw
Tayo ay magniniig, magsasalo sa pagmamahal
Maangkin ang kabirhenan kong pagkadalisay
Ang pinakaiingatan kong puri ay iaalay.

'Pagkat tapos na ang panahon ng kainosentehan
'Di na tayo mga dalaga't binatang magkatipan
Tayo na ay mag-asawa sa mata ng santinakpan
Mahal ko, ngayong gabi ako ay iyong-iyo lamang!

Iskor

Binabasa natin ang patlang na nakapagitan
Sa ating nanlalamig na katauhan
Upang lalong mag-init ang nakalalapnos
na araw
Habang nag-uumigting na damdamin
ay nalulusaw
Namamasdan ko ang kulay rosas mong
pisngi
Puro tamis ang sa bibig ko'y namumutawi
Naghahanap ng damping mariin ang
'yong labi
Pinabubula ko ang aking laway
Nanunuot sa iyong dilang laging
sabik sa paghihintay
Naglalaro tayo na tila batang
walang malay.

Kung mababatid mo lamang ang
'di malirip na ligaya
Ang ningning na umiilaw sa
aking mga mata
Umiikot-ikot mapapilik-mata't retina,
Nababatid kong isa kang ada
Naeengkanto ako sa taglay mong
mahika
Kung umakto parang nakatira
Nakainom ng nakapagwawala
sa sarili na droga
Naninipsip tila bampira.

Naaalala ko pa noong ikaw'y
una kong hagkan
Medyo may nerbiyos na pumipitlag
sa dibdib na kinakabahan
Naaala ko pa ang madidilim
na sinehan
Buhay natin puno ng romansang
puno ng kainaman
Ngayon tayong dalawa'y muling
magkakadaumpalad
Ang iskor na kakaiba aking igagawad...

Kalye Diyes

Kumukutitap ang ningning sa 'yong klaye
Nag-aanyaya na dito'y pumarine
May kinang na dulot batong paracale
'Pagkat may sigla matututukang poste.

Nangalisaw sa kalye ang mga diwata
Namugad silang naghahanap ng laya
Pinalipad sa ulap ang kaluluwa
Habang bugso ng damdami'y umaalagwa.

Dito'y walang halaga ang mga bulaklak
Bango'y sinisimsim hanggang sa huling patak
Malilikot na kamay silang pumupulak
Sa kanilang dibdib at puson umaapak.

Mga dating kristal dito'y pawang nabasag
Iniingatang hiyas ay nagkaroon ng barag
'Pagkat ginto at salapi ang pambulag
Nilang mga nagpapaalindog ng bayag!

Saan nga ba patutungo ang 'yong daan?
Kung kinabubulusuka'y kadiliman
Bigay mong liwanag sadyang napakalamlam
Matapos mapagbigyan init ng pag-asam.

Bakit 'di mo papurukin ang matutulis?
Hiwain ng matalas na kampilan o kris
O, abala na pagsapit ng alas-sais
Lahat sila ay tinatanggap mo, Kalye Diyes!

Ako at Ang Iyong Alindog

Nais kong magtampisaw sa batis
'di sa ilog ng kamusmusan
kundi sa tubig ng kasariwaan
na kaganapan ng aking pagkatao
'Pagkat sa sandaling ito'y nagbubungkal
ng basal na lupa
Dito'y luoy ang talulot ng bulaklak
Nanginginig kong mga daliri ang pumupulak.

Pumipintig ang ritmo ng pag-asam
Inaawit ng kanaryo ang 'yong ngalan
Kay sarap kamtin ng kasarinlan
Sa mararahas na pagdaloy
ng kalungkutan.

Pikit-matang ninanamnam sa diwa
ang ganda mong sumasanib
Aalun-along buhok at malulusog
na dibdib
Matambok na laman ng
kapupuklong mais
May liwanag na iginuguhit
na likha ng silahis.

Parang sanggol na nangungulila
sa suso ng ina
Hanap ko ri'y init ng iyong pagkalinga
Maiiwan akong walang salwal
May puting talinghagang iniluluwal.

Delusyon Lamang

Nakaukit ang iyong hugis at larawan
Sa mapaglaro kong isipan
Umaalimpuyo ang alon sa aking dibdib
Nang mag-umpisa kang sumanib
Humalo ka sa aking dugo,
Tumatatak sa kailaliman ng bungo
May talinghaga kang ibinubulong
Na sa aking palad ay 'di maikuyom
'Di ko batid ang laman ng 'yong isip
Liban sa lantad kong panaginip
Ibig kong isuko itong sarili
Sa banal na pagdidili-dili
Habang umaatungal ang katahimikan
'Di ko maaninaw kanyang katiningan
Paano mo dadamhin ang libong pahiwatig?
Kung sa bawat sandali puso mo'y namamanhid
Ano'ng isusukli mo sa tamis ng kataga?
Kung ibig mong ipukol ay pait ng pagluha
Paano kata makakalaya't liligaya?
Kung sa puso't isip may nakapulupot na kadena
Sa bawat sandali'y nililingkis ng pangamba
Patuloy ka pa rin bang nahihibang?
Pilit mong hinahanap ang mutyang lumisan
Ngunit ang lahat ay delusyon lamang
Tulad ng pag-ibig kong walang katiyakan
Nababaliw ako't dinideliryo sa nararamdaman.

Surtido

Nalalagas ang pakpak
Pag-apuhap sa ulap
Kumintab yaong sahig
Sa lumang pananaalig.

Binigkis ang anino
Watak na alimpuyo
Pagbuka nitong lupa
Bulwak ng sapantaha.

Nagugutom at nauuhaw
Ang dugo naninilaw
Kumukulo ang dila
Alumpihit ng wika.

Naglaro sa bakuran
Bukas ang tarangkahan
Nakakalat ang bato
Natissod ay milagro.
Namuitng mga mata
Limot na alibata
Nag-umpisang magtaka
Ang bulag na pitaka.

Kumukunot ang noo
Kilay nag-alburuto
Nagmukhang inesko
Sadyang nakakaloko.

Paghampas ng habagat
Humagupit ang kidlat
Lumatay sa kalabaw
Nagkasaltik ang tungaw.

Latak

Mga tira-tira
Mabahong basura
Itong piping lata
Mahilig kumanta
Tila sirang plaka.

Tumutulong uhog
Kadiri ang uod
Tao'y nalulunod
Mistula ng tuod
Sa likod ng lungsod.

Maraming kalawang
Sa bakal-lipunan
May kapalaluan
Napigang isipan
Natuyot, nahibang.

Nahilo sa alak
Ulo'y nabibiyak
Hanggang sa huling patak
Agawan ng latak.

DTX 50

Parabula
Parabula sa gilid ng mga mata
Sabay sa hagalpak at nakatutuyang tawa
Sa pagbukas ng kurtinang maskarang
May larawn ng duwag na pakikibaka
Laban sa gamot ng tulog na esensya
Habang dumudungaww ang hilahod na haraya.

Bumubula, bumubulang sabon
Ito ba'y epekto ng kumukulong lason
Sa kanyang tahimik na pagdaluhong
Agawan ng ligalig at hinahon
Sa pagitan ng mga diwang naguguttom
Habang mga kataga'y bumubulong
Sa kawing ng baaluktot na daantaon.

Lisol ba o eter ng pagtuklas?
Ang magbibigay ng kalayaang-basbas
Sa yugto ng mahihirap na pagtakas
Aling mabisang gamot ang magbibigay-lunas?
Sa alimuom na sakdal-tigas na batas,
Sa makikipot at 'di mahawang landas.

Kalasag

Taga-pagtanggol sa sandal ng unos
Kung ang ulan ay walang tigil sa pagbuhos
Sapagka't ikaw ang matibay kong bangka
Habang tinutugpa malupit na sigwa.

Ilang ulit na rin akong iniligtas
Mula sa damdaming tila nang-uutas
Ikaw ang katugunan sa panalangin
Pinaglalagakan nitong suliranin.

Sa lahat ng laban ikaw ang sanggalang
Sa anumang panahon aking katuwang
Sa lalim ng sugat ikaw'y kagalingan
Pinaghihilom sakit sa kalooban.

Diwa ma'y madikit sa init ng apoy
May banal na tubig kang handang isaboy
Matunaw man ang buto sa panlalamig
Nariyan ka upang punan ng pag-ibig.

Hiwaga sa laahat ng hiwaga at buhay
Karugtong ng aking hininga at malay
Apuhap sa dilim mong taglay
Magniningning maging sa kabilang-buhay.

Musa, ikaw'y matalik kong kaibigan
Kalasag ko't karamay sa kalungkutaan
Dahil sa iyo itong tapang
Kapirasong papel ating dinungisan.

Text kowts Naman D'yan!


            Simula nang mauso ang cellphone ay kasabay na rin dito ang pagkalat ng mga forwarded messages o mga text quotations. Hindi ba’t halos araw-araw ay nakatatanggap tayo ng text kowts mula sa ating mga kakilala? Nariyan ang tungkol sa love, friendship, inspirational, jokes at iba pa. Lumaganap ito hindi dahil sa tinatamad tayong mag-isip ng isusulat kundi isa itong paraan para iparamdam natin sa isang tao na naaalala natin siya. Maari ring isa itong uri ng pagpapahiwatig yamang akma naman ang mga mensaheng ‘ready-made’ para sa mga taong pagpapadalhan. Isa pa, madali lang tayong maka-relate dahil pangkalahatan naman ang mga naturang mensahe. Higit sa lahat, talaga namang nakakalibang magbasa ng text kowts dahil lutang na lutang hindi lamang ang emosyon kundi ang sining mismo ng mga salita, kahit sabihin pa ng iba na ang tumatangkilik dito ay walang originality at gasgas na rin sa kapapasa. May mga tao kasi na hindi pinapansin kapag text kowts lang ang natatanggap, pero para sa karamihan ay in na in ito. Kahit nga wala ng pag-usapan basta magpalitan lang ng mga text kowts, ayos na!

Kaya naman ang inyong ligkod ay na-inspire na gumawa ng libro hinggil sa text kowts, na may pamagat na TXT 2D MAX. Ang librong ito ay sinulat para talaga sa mga taong mahilig sa text kowts. Batid kong likas na sa mga Pinoy ang pagiging sentimental kaya’t lahat halos ng paksa rito ay tungkol sa pag-ibig. Ang kaibahan nito sa ibang libro ng text kowts, ang TXT 2D MAX ay medyo poetic.


          Nagpapasalamat ako sa PSICOM, sa pagbibigay-daan para malimbag ang aking libro. Sana ay inyong suportahan. Maraming salamat.

Socorro Ramos: Huwarang ina ng National Bookstore


           Sino ba naman ang hindi makakakilala sa National Bookstore, ang pinakamalaki at pinakamalawak na tindahan ng libro sa bansa. Ngunit alam ba ninyong ang simula ng NBS ay napakapayak? Kasing payak din ng pinagmulan ng may-ari nitong si Socorro Cancio Ramos o mas kilala bilang Nanay Coring.

          Si Nanay Coring ay nagmula sa mahirap na pamilya kaya't nang bata pa lang ay tumutulong-tulong na siya sa kanyang ina at lola para magtinda ng suka, saging, bakya at iba pa, sa may palengke ng Sta. Cruz, Laguna. Noong nag-aaral pa siya, kapag bakasyon ay pumapasok din sa iba't ibang uri ng trabaho. Nang makatapos ng haiskul ay naging tindera siya ng Goodwill Bookstore sa may Escolta, na pagmamay-ari ng kanyang kapatid na lalaki at hipag. Dito na rin niya nakilala ang kanyang napangasawa na kanya ring naging business partner. Itinayo nilang mag-asawa ang NBS, may sukat na 4x10 square meters sa may malaking shop malapit sa Escolta bridge. Namuhunan sila ng 120 pesos at nagsimulang magtinda ng school supplies at textbooks.

         Noong masakop na ng mga Hapon ang Pilipinas ay nag-iba sila ng paninda gaya ng sabon, kendi, tsinelas at whisky bunsod ng paghihigpit ng mga Hapon laban sa mga hinihinala nilang mga subersibong libro. Naging maganda naman ang takbo ng kanilang negosyo subali't nasunog ang buong Escolta nang bombahin ito ng mga Amerikano. Ngunit hindi nasiraan ng loob sina Nanay Coring; tulad ng ibong phoenix ay nabuhay ang NBS kahit pa naabo. Itinayong muli ito sa may panulukan ng Avenida Soler.

        Ngunit sadyang mapaglaro ang kapalaran; makalipas lang ang tatlong taon ay winasak ng malakas na bagyo ang kanilang tindahan. Siyempre nabasa at nasira ang kanilang stocks. Gaya ng dati hindi sila natinag ng mga 'di magagandang pangyayari. Ang umaayaw nga naman ay hindi nagwawagi. Sa ikatlong pagkakataon ay itinayong muli ang NBS nang mas malaki pa. Dahil sa pagsisikap ni Nanay Coring at ng kanyang asawa ay nagtutuloy-tuloy sa paglago ang NBS.

       Sa ngayon, ito ay mayroon ng 85 branches sa buong kapuluan at gusto pa nila itong paabutin hanggang 100 branches o higit pa. Ang nakakabilib pa ay family owned business ang NBS dahil hindi sila nagpapa-franchise. Ang pamilya din nila ang nagmamay-ari ng POWERBOOKS. Kahit na 83 anyos na si Nanay Coring ay personal pa rin niyang pinamumunuan ang NBS. Wala siyang balak magretiro tutal nag-ienjoy naman daw siya sa kanyang ginagawa.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...