Hoy, ikaw na nag-aaring henyo
Araw at gabi ang kaharap ay libro
Matalino nga pero lulugo-lugo
Ikaw ay patpatin at mukha nang bungo
Isip ng isip na tila sira-ulo
Walang alam sa kalakaran ng mundo
Lahat na lang binabase sa nabasa mo,
Tingnan mo, ang katawan ko'y matipuno
May lakas itong handang makipagbuno
Matatakot ang kaaway at tatakbo
Ang dami pang babaeng nagkakagusto
Nais nilang humilig sa dibdib ko.
Isip:
Amigo, 'yang dila dila mo yata'y sobrang talas
Saan ba nakalagay ang iyong utak?
Hindi mo ba alam ikaw lang ay aking hawak?
Sa iyong pagod nakikinabang ay mauutak
Dahil sa isip may nallikhang batas
Kami rin ang sumusulat ng mga aklat,
Nagsunog ng kilay, laging nagpupuyat
Hindi katulad mo na nagpapasarap
Puro gud taym at babae ang hinahanap
Maporma wala namang laman ang utak.
Lakas:
Hindi ka rin patatalo, puro yabang
Matayog ang lipad ng utak, hungkag naman
Kayo'y mga tamad. sadyang batugan
Pinagsasamantalahan n'yo ang mangmang
Porke't may pinag-aralan dakila ba naman?
Ngunit numero unong salot sa lipunan,
Mga taong binigyan ng karunungan
Pati ang Maylalang ay ibig paantayan
Lahat na lamang ay nais saklawan
Ha,ha,ha! Marami ka pa ring 'di alam
Sa sama-samang lakas at panawagan
Babagsak ka sa iyong kinalalagyan.
Isip:
Bakit biglang inillihis mo ang paksa?
Walang kabuluhan ang laman ng 'yong diwa
Ang isip mo'y makitid, mali ang paniniwala
'Di ba't sa usapan natin ikaw ang nagsimula?
Nilait mo ako at tinawag na lampa
Ipaliliwanag ko sa iyo kung alin ang tama
Ang maging matalino ay 'di masama
Huwag ka sana basta-bastang maghusga
Huwag magmalaki kung ano'ng mayroon ka
Pagkat kaloob lang 'tto ng Manlilikha,
Ang lakas at isip kapag pinagsama
Ikaaw at ako titibay angg puwersa!
(Mula sa librong Pagtatalik ng Bolpen at papel)
No comments:
Post a Comment