Lulan ay libong dusa't pighati
Makapaglakbay kaya ako ng maluwalhati?
Mga balakid sa landas ay mahawi.
Sinasayaw-sayaw ka ng hanging habagat
Inihehele ng nagaangalit na dagat
Ang iyong layag tuluyang nawawasak
Ng pusong may linggatong ang nagttulak.
Hindi makagupigiling ang diwang napapagal
Bangka ay ibinabayo ng along maala-halimaw
Ipinalalasap ang kaparusahang marawal
Sa tulad kong aba't walang malay.
Sakuna lamang ba ang tanging ibabadya?
Sa kabila ng likhang serenata sa paglaya
Walang kabuluhan ang bawat kong salita
Nananatak ang luha, dusa pa ay nababathala.
Anu't anuman ihatid ako sa kabilang ibayo
Isa nga itong peregrinasyon sa santuwaryo
Kung saan ang katahimikan ay matataamo
Na pinipthaya ng tulad mo at tulad ko.
(Mula sa librong Pagtatalik ng Bolpen at Papel)
No comments:
Post a Comment