ang mga buhay na miserable
Habang ang ilan sa atin ay panatag
Walang pakialaam sa mga nagaganap
Habang tayo ay namamahinga't
kapiling ng sinissinta
Walang tigil ang gabi sa paggawa
ng samu't saring sumpang
nakikintal sa ating diwa't
nagpaparumi ng kaluluwa.
Nagkalat ang mga bugaw sa Luneta,
Patay-sindi ang mga klab sa Ermita
(Ilang hita na naman ang nakabukaka?
Ilang babae na naman ang ginagahasa?)
Naglipana ang mga pick up girl sa kalye
at mga call boy sa tabi-tabi
Ginagamit ng may mga makamundong pagnanasa
Mga manyakis, bakla't matronang masasagwa
Habang nagtutuwad, nagtitihaya't kumukubabaw
Habol-hiningang dumadagok ang kahirapan
sa buhay at nanghuhusga ang lipunan
Inuusig sila ng mga taong nagmamalinis
Habang nakalublob sila sa may putik.
Nariyan na rin ang mga akyat-bahay
Maging pusakal na mga kriminal
(Ilang dibddib na naman ang maghihinagpis?
Ilang dugo na naman ang matitigis?)
Pumikit man at magdasal
Dumaratal ang kamatayang ipinapataw,
May bahid sindak ang mga bangkay
Ng mga biktimang walang malay
At bukas magiging balita ito
Matutunghayan sa telebisyon, dyaryo at radyo.
Habang nagpaparti ang mga burgis
Nagpa-pot session ang mga adik
Habang may mga taong ginagawang araw ang gabi
Habang may mga iskolar, siyentipiko, titser
o kaya'y manunulat na nagpupuyat
'Di rin mawawala ang mga nabubuhay sa dilim
Naghahasik sa lipunan ng lagim
Kaya't habang laganap ang kadiliman
Maghahari ang libu-libong katampalasanan,
May mga taong maggagala't
maghahanap ng masisila
Manliligalig anbg mga kampon
ng diablong salot sa mundo!
(Mula sa librong Pagtatalik ng Bolpen at Papel)
No comments:
Post a Comment