Showing posts with label Psychology. Show all posts
Showing posts with label Psychology. Show all posts

Sunday, November 16, 2014

Paano Hahamunin ang Sariling Kakayahan?

Iniisip mo ba na hindi mo kaya ang isang bagay kaya atubuli kang gawin ito? Kung ganun ay paano mo nasabing mahirap ito gayung hindi mo pa naman sinusubukan? Marahil ay natatakot kang maging palpak ang kalalabasan at natatakot pa na mapulaan ng iba. Kaya’t ang ginagawa ay naghahanap ng maraming excuces para huwag lang itong gawin. Puwes, walang maitutulong ang pag-iisip ng negatibo. Dahil ito na rin ang nagiging dahilan kung bakit maraming tao ang kuntento na lang sa madadaling bagay. Ang katuwiran ay ayaw pahirapan ang sarili, pero kung tutuusin hindi naman talaga ito pagpapahirap kundi paraan lamang para lumabas ang potensiyal ng isang tao.

Mabuting mag-isip muna sandali at ulit-ulitin mo sa iyong sarili na kaya mo ‘yan. Isipin mo na lang kung nagagaawa ng iba bakit ikaw hindi? Ano’ng pinagkaiba mo sa kanila, mayroon ba? Tunay nga namang ang takot ay nasa isip lamang. Dahil lahat ng pagdududa ay nanggagaling lahat sa isipan. Kaya’t walang ibang gagawin kundi putulin ang pagdududang ito. Ito ay sa pamamagitan ng paglilinaw ng isipan para mawala ang mga hadlang sa utak. Simple lang ang dapat gawin, mag-isip lagi ng positibo at puspusin ang isipan ng magagandang bagay. Maaaring magbasa ng mga babasahing tumatalakay sa pagpapalakas ng loob o mga kuwentong inspirasyunal. Pagkatapos mong makakuha ng motibasyon mula sa mga nabasa ay itanim itong mabuti sa utak. Magugulat ka na lang dahil parang napakadali na para sa iyo ang kumilos. Humingi rin ng payo sa mga taong may mayroong lakas ng loob at tapang. Hangga’t maaari ay iwasan munang makipag-usap sa mga may mahihinang loob. Dahil hindi mo maaasahang himukin ka nila bagkus ay ibababa ka lang nila. Alalahaning walang mangyayari kung mahina ang loob dahil mapapag-iwanan ka lang.

Isipin mong ang bagay na mahirap gawin ay isa lamang hamon para subukin ang iyong kakayahan. Dapat nga ay matuwa ka dahil isa naman itong uri ng pakikipagsapalaran. Kung saan ay may hatid itong excitement dahil panibago na naman itong karanasan para sa iyo. Na kapag nalagpasan mo ay  maaari mo itong maituring na isang achievement dahil sa pinagsikapan mong gawin. Ngunit bago mo ito gawin ay pag-aralan mo munang mabuti para maiwasang magkamali. Pero kung sakali mang magkamali pa rin ay huwag matakot na ipagpatuloy ito. Alalahaning maraming aspeto sa ating buhay ay nagkakaroon talaga ng trial and error. Ang importante ay matuto ka sa bawat pagkakamali. Minsan ay kailangan nating magkamali para malaman natin kung alin ang tama. Tinuturuan din tayo nitong maging matatag at hindi basta-basta susumusuko sa laban.


Hindi ko alam kung ano man ang bagay na mahirap para sa iyo. Pero isa lang ang msasabi ko, kaya mo yan, kaibigan!

Paano Papawiin ang Takot ng Mga Bata?

Ang pagkatakot sa isang bagay ay karaniwan nang nananahan sa isip ng bata. Normal lang naman ang ganito sa mga bata subali’t kapag nasobrahan ay hindi na maganda ang kanilang nagiging pagtugon sa isang situwasyon. Mahalaga ang ginagampanan ng mga magulang sa paghubog ng personalidad at pag-iisip ng mga bata. Dahil kung anuman ang mga training na natatanggap nila sa kanilang murang gulang ay mayroon itong epekto sa kanilang pagtanda.

May mga batang makakita lang ng anumang hayop ay natatakot na. Ipaliwanag sa bata na hindi lahat ng hayop ay nakatatakot gaya ng kanyang iniisip. Para malabanan ang takot nito ay ilapit ito sa isang hayop at ipakitang hindi ito nananakit maliban na lang kung sasaktan. Pero dapat ring ituro sa bata ang mga hayop na dapat na iwasan para na rin sa kanilang kapakanan.

Mayroon din namang mga batang mag-aaral na natatakot sa examination. Ang nararapat lang na gawin dito ay hikayatin itong mag-aral mabuti nang sa gayun ay maging handa siya sa anumang pagsusulit. Siguradong mawiiwili pa sa pag-aaral ang bata kaysa isiping mahirap ang isang pagsusulit. Isa itong magandang paraan para maihanda ang bata sa mga hamon pang darating kapag siya ay lumaki na.

Pero may mga bata rin namang matatalino pagdating sa pag-aaral. Kaso, ang problema ay nagkakaroon ang mga ito ng problema pagdating sa pag-a-adjust sa aspetong sosyal o pakikisalamuha sa ibang mga bata. Bakit hindi ito mangyayari? Eh, ang kanyang isip ay nakatuon lang sa mga aralin sa paaralan. Ni ultimong pakikipaglaro sa ibang bata ay hindi na nila magawa. Problema ang ganito dahil magiging sobra ang kanilang pagkamahiyain. Dapat alalahanin ng mga magulang na hindi lamang ang IQ ang dapat na umunlad kundi maging ang pakikitungo ng kanilang anak sa ibang tao. Makabubuting hikayatin din ang bata na maging active hindi lang sa pag-aaral kundi sa pakikisalamuha sa mga kaeskuwela niya. Puwede rin itong isama sa mga children’s party at iba pang pagtitipon para sa mga bata.

Masama rin ang sobrang pananakot sa mga bata. Karaniwan na lang kasi sa mga magulang na kapag hindi mapaunod ang kanilang anak ay tinatakot na kuhanin ng multo, aswang at kung anu-ano pang panakot sa bata. Kapag nasobrahan kasi ay nagiging magugulatin o nerbiyoso ang bata at nananahan sa isip nito ang masamang imahen bunga ng ating pananakot.

Ilan lamang ang mga ito sa kinatatakutan ng mga bata. Bilang nakatatanda dapat nating silang alalayan para pawiin ang kanilang takot.






Monday, November 10, 2014

Masamang Alaala Bakit Nananatili sa Memorya?


          Kadalasan, ang mga hindi magandang karanasan ay mahirap kalimutan.  May paliwanag ang mga siyentipiko hinggil dito.

          Ayon sa pagsasaliksik nina Hailan Hu, PhD, at Roberto Manilow, MD, PhD, ng New York Cold Spring Harbor Laboratory at nailathala sa WebMD Medical News, sa mga nakaka-stress na sitwasyon, ang stress hormone nanorepinephrine ang nagpapasigla sa ating utak upang alalahanin ang mga hindi magagandang bagay nang sa gayon ay maiwasan na natin na mangyari uli ito. Ginagalaw ng norepinephrine ang isang bahagi ng chemical receptor sa utak na tinatawag na GluR1. Dahil dito, bumababa ang kakayahan ng utak na matuto kaya mas madali ang mag-imbak ng memorya.

        Pinag-aralan ng mga siyentipiko ang pagtatago sa utak ng masasamang alalala sa mga daga at hindi sa mga tao. Ayon kay Manilow, inaasahan nilang pareho ang molecular mechanism ng mga daga at tao. Ang mga daga ay iniksyonan ng epinephrine (na nagpapasigla sa norepinephrine sa central nervous system) o tubig-alat (na hindi nakakaapekto sa norepinephrine).

        Ang mga daga ay ikinulong sa isang bagong kulungan at hinayaan maglibot doon. Nang sumunod na araw, muling ipinasok ang mga daga sa nasabing kulungan, kung saan ay nakaranas sila ng mild electrical shock.

      Nang sumunod na araw, muling dinala ang mga daga sa nasabing kulungan na wala nang electrical shock.  Pinanood ng mga researcher kung sino ang mas tatagal sa kulungan: ang mga may epinephrine ba, o ang may tubig-alat na iniksyon.

      Lumabas na mas tumagal sa kulungan ang mga daga na iniksyonan ng epinephrine kaysa sa iniksyonan ng tubig-alat. Isa itong karanasan na batay sa takot, ayon sa mga siyentipiko.




Monday, June 2, 2014

Suportahan ang Hilig ng Mga Bata

            Ang bawat bata ay may kanya-kanyang sariling interes o hilig. Maaring nakuha niya ito dahil may nakaimpluwensiya sa kanya at maari rin namang kusa na lang itong umusbong.
Mahalagang maobserbahan ng mga magulang ang hilig ng anak para matukoy kung ano mang taglay nitong talento.

            Hindi dapat na ipinipilit ng magulang ang anak kung ano man ang gusto nitong ipagawa sa bata. Dahil lang sa ito ang nakikita sa ibang bata at gustong matulad dito ang anak. Dapat isa-isip na may kanya-kanyang kakayahan at katangian ang mga bata. Kapag ganun kasi ay maaaring mauwi lang ito sa pagkakaroon ng depresyon ng bata. Gagawin niya lang ito para mapagbigyan ang magulang. Ngunit hindi rin naman mapapagbuti ang ginagawa dahil sa kawalan na rin ng interes. Dapat tandaan ng mga magulang na ang  bata mismo ang nakaaalam kung ano ang gusto nilang pag-aralan.

            Imbes na pigilan ang bata sa hilig ay dapat itong suportahan ng magulang para madebelop nang husto ng bata ang kanyang talento. Halimbawa, kung hilig nito ang pagsasayaw, pagkanta, pagpipinta o kung ano pa man ay hikayatin pa ang bata na ituloy lang ang kanyang hilig. Lalo na’t kung nakikita naman na may angking husay ang bata sa kanyang kinahihiligan. Kung may sapat na pondo ay makabubuting i-enroll ang anak sa sa mga espesyal na paaralan na makatutulong para malinang ang kanyang talento.

            Lagi ding pupuruhin ang bata para mahikayat pa itong lalo na pagbutihin ang kanyang ginagawa. Ngunit hindi naman ‘yung tipong nang-uuto lang. Magbigay din ng suhestiyon o mga puntos para maging kapansin-pansin ang talento ng bata. Kung may napansin mang sablay sa ginagawa ng anak ay sabihin ito sa maayos na paraan para hindi ito panghinaan ng loob. Tandaang ang suporta sa anak ay dapat na magmula sa magulang at hindi sa ibang tao.


Tuesday, February 26, 2008

Fetihism ano ito?

Ang fetehilsm ay ang pagnanakaw ng isang indibidwal sa gamit ng iba para gamiti sa kanyang pagpapantasya tulad ng t-shirt, bra, panty, pabango at atbp. Sinasabing mga lalake diumano ang madalas na gumagawa nito. Ang kinuhang bagay ay ikinikiskis o idinidikit sa maselang part eng katawan, o ‘di kaya ay niyayakap-yakap , inaamoy-amoy at hinahalik-halikan. Sa pamamagitan nito ay nakakadama ng kasiyahan ang taong gumagawa nito habang nagma-masturbate. Lalo na nga kapag may gusto ito sa nagmamay-ari ng bagay na kinuha. Bunga ito ng matinding obsesyon, hindi kasi nahahawakan ng personal ang tao kaya gamit na lang nito ang nagiging instrumento.Ininiimagine na kunwari ay kaniig ang taong pinagnanasaan.

Isang halimbawa nito, isang lalake sa bansamg America ang nahulihan ng 100 pares ng mga panty na kanyang ninakaw mula sa isang lingerie shop.Hindi para ibenta o iregalo sa babae kundi para sa kanyang sexual satisfaction. Dito naman sa atin sa Pilipinas, may ilang kababayan na mahilig manungkit ng underwear sa sampayan para gamitin sa kanilang ‘di kaaya-ayang Gawain tulad ng ipinapaliwanag natin.

Kaya kayo mga girls, paki-check ang mga gamit ninyo at baka nawawala na. Akala ninyo ay nawaglit lang kung saan. Pero ‘di ninyo alam ginagamit na pala ng iba sa pagpapantasya. Enjoy daw oh! Para naman sa mga nagprapraktisa nito, baka panty ni lola ang masungkit ninyo o ‘di kaya ay baka kung may ano’ng sakit ang nagmamay-ari ng gamit na ninakaw ninyo. Pakisoli nga!
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...