(Ang artikulong ito ay kontribusyon ng inyong lingkod para sa librong Bio-Eulogy ni Tado Jimenez)
Una kong nakilala si Tado nang makapanayam ko siya tungkol sa Limitado, 2008 'yun. Kahit seryoso ang usapan ay ginagawa pa ring biro. Kaya naman magaan siyang kausap. Natanong ko pa nun kung purong rakista ba siya dahil nga madalas maimbitahan mag-host sa mga rock concert. Hindi naman daw dahil kahit ano pinakikinggan niya. Obvious nga dahil ang background music nun ay love song na parang tipong Careless Whisper. Pero isa lang ang sigurado isa rin siyang musikero. Pamatay 'yung kanta sa banda niya dati na Live Tilapia, na wala kang ibang maririnig kundi blah blah blah. 'Pag napakinggan mo ay mapapamura ka at parang gusto mong magwala.
Bumalik ako sa store ni Tado year 2010 na, para magpalagay ng isang kong libro. Pumayag naman siya. Doon ko nakita na suportado niya ang mga manunulat na kagaya ko. Kaya pala dahil isa rin siyang manunulat at publisher pa ng diyaryo. Nalaman ko rin na makata pala siya nang imbitahan niya ako sa poetry reading sa Kapitan Moy, Marikina City. Matalinghaga pala si Tado sa likod ng kamera. Kahit ang mga anak niya bata pa lang ay iminumulat na niya sa sining. Paborito niya sina Pablo Neruda at Rio Alma. Pero ang maganda ‘pag may poetry reading, nanlilibre siya ng fishball, hehe.
Nakatutuwa dahil nagpaunlak pa na magbigay ng blurb si Tado sa libro kong Adik sa Facebook. Pagkalathala ng libro agad ko siyang pinuntahan para bigyan ng kopya. Nagtanong siya baka puwede ba siyang magkalibro sa Psicom. Eksakto, interesado rin ang publisher na pagawin siya ng libro. Ayos si Tado dahil inimbitahan pa niya akong mag-promote ng libro sa programa niya nung andun pa siya sa Dig.com, isang internet radio. Kahit biglaan ang pagpunta ay welcome sa kanya.
Akala ng mga tao nagpapatawa lang si Tado at naalala lang ng iba na minsan ay nakasagutan ni Vice Ganda. Pero marami pa palang alam gawin ang taong ito. Mula sa pagiging artista at DJ, isa ring negosyante, event organizer at kung anu-ano pa. Aba daig pa niya ang kape na three in one sa dami ng kakayahan. Pero ang maganda kay Tado kahit isang celebrity ay kayang abutin ng kahit na sino. Masang-masa kasi ang dating niya. Kaya dapat maging pulitiko na siya sa kanyang bayan.Dala-dala nga niya ang imahe ni Ninoy sa kanyang t-shirt at sa unang libro. Kung kay Ninoy ay Di Ka Nag-iisa, sa kanya naman ay Nag-iisa Lang Ako. Pero napansin ko sa kanya na 'pag pulitika ang pinag-uusapan ay seryoso siya. Interes na kasi ng mga tao ang pinag-uusapan kaya't di na ito biro sa kanya. Katunayan ay isa rin siyang aktibista at bahagi ng NGO na aktibong nakikilahok sa mga napapanahong isyu. Di ko malilimutan nang tumugtog kami sa rally ng PALEA sa may NAIA Terminal courtesy of Tado. Walandyo naka-motor lang kami ng ka-duo ko , umikot kami sa Taguig at puro lubak at tubig pa ang nadaanan namin. Pero ayos lang naniniwala naman kami sa ipinaglalaban ng grupo.
Sana ay mabuhay pa nang matagal si Tado para marami pa siyang mapasaya at maipagpatuloy pa kung anuman ang kanyang inoorganisa. Kahit maaga pa lang ay gumawa na ng libro na tribute para sa kanyang sarili. Advance lang talaga siyang mag-isip
Showing posts with label Books. Show all posts
Showing posts with label Books. Show all posts
Wednesday, January 7, 2015
Saturday, September 14, 2013
Septic Tank Ingredients: Ang librong totoong pang-toilet humor!

Taong 2008 ko pa naisulat ang manuscript nito. Mas nauna ko pang naisulat kaysa Kuwentong Lasing na nailathala noong 2009. Gusto sana itong ilabas ng Psicom, pero nag-alangan dahil 'di raw uubra sa mainstream dahil na rin sa tema ng libro. Ibig sabihin matagal na naburo ang manuscript. Pero nakakapanghinayang naman na 'di ito makakarating sa mga mambabasa. Kaya't naisipan ko itong isa-libro dahil tiwala ako na open-minded na ang mga mambabasa sa kasalukuyan. Lumabas ito bilang isang indie book sa ilalim ng Lagalag Publishing. Wala naman sigurong masama kung ang libro ay tungkol sa ebak? Nakakadiri man ay marami kang mapupulot na kuwento hinggil dito. At ito ang layunin ng librong ito, na mailabas ang samu't saring kuwento at kaisipan tungkol sa nasabing paksa.
Bakit kailangan kang magkaroon ng kopya ng librong ito? Una, dahil ito pa lang ang kauna-unahang libro sa Pilipinas na tumatalakay tungkol sa ebak. Maliban sa Nardong Tae, isang indie comics na lumabas noong 2005. Pero iba naman 'yun dahil ang isang 'yun ay anti-superhero na ang bumabalot sa buong katawan ay ebak. Pero ang Septic Tank Ingredients ay totoong kuwento na ang ilan ay hango sa mismong karanasan ng may-akda at sa ibang tao. Idagdag pa ang mga obserbasyon at kaisipan na nakapaloob sa mga sanaysay dito.
Gaya nga nang isinasaad sa back cover ng libro- Babala: Bawal sa Maarte. May nakasulat din na..."Puwedeng mandiri ka, pero hindi puwedeng hindi ka matawa." Kung nais magkaroon ng kopya ng libro kontakin lang ang numerong 0948-592-0949.
Ano nga ba ang masasabi sa libro ng mga nakabasa na?
“Matapang ang paghamak na isulat ang
kategoryang ito tungkol sa tae dahil marami talagang nandidiri dito. Pero unang
kwento palang eh napahagalpak nako agad at parang nakikipaghuntahan lang sa
akin ang libro sa mga karanasan niyang malalagim. Imbis na mandiri ako sa
nilalaman eh natuwa pako at nakalikom ng impormasyon. Patuloy lang ang pagdaloy
ng tae. Swabe hanggang sa huling kwento. Sulit yung 200 ko totoo palang kahit
tae eh interesting din. Moral lesson: Maging alisto lagi, sapagkat di natin
alam ang mga nakapaligid sa'tin. Shit be with you, hehe.”- Jasmine Lutero ng Sto. Tomas, Batangas
Friday, September 13, 2013
Pagbasa sa librong Karayom: Tagos sa Puso at Utak at iba pang Kuwento ni Rey Atalia
Si Ka Rey habang pumipirma ng libro sa Manila International Bookfair 2013
Kagaya
ng isinasaad sa pamagat ng aklat ay tatagos sa iyong puso’t isipan ang mga
kuwentong nakapaloob dito. Manunuot pati ito sa iyong kalamnan at kasu-kasuan.
Makakaramdam ng pait at hapdi habang nagbabasa. Matapat ang pagkakalarawan ng
bawat eksena dahil nangyayari sa tunay na buhay. Para ka ring nanunood ng
pelikula. Dulot ito ng mahabang karanasan ni Ka Rey na dating script writer ng
pelikula. Kaya gamay niya ang mga
elementong kinakailangan para maging epektibo ang isang kuwento. ‘Yung bang
pagkatapos mong mapanood ang pelikula ay mag-iiwan ito ng marka sa iyong utak.
Hindi ‘yung bigla mong makakalimutan kung tungkol ba saan ang iyong napanood.
Ang
libro ay binubuo ng apat na kuwento, una rito ay ang Karayom na pinakapamagat ng libro. Akala ko nung una habang
binabasa ang piyesa, ito ay tungkol sa pag-ibig. Playboy kasi ang tauhan na si
Gary na nakilala ang bidang babae na si Lorena na isang progresibo o makabayan.
Nagkakakilala sila sa isang accupuncture session ng mga dating kasapi ng mga makakaliwang grupo na
kinabibilangan ni Ka Lito, isang may edad ng accupuncturist na naging
ama-amahan ni Lorena. Ang babae ay galing sa may-kayang pamilya subali’t
piniling manirahan sa piling ng masa at nakikibaka para sa kanila. Sa
pamamagitan ng pakikiisa nito sa paglaban sa nakaambang demolisyon sa
tinutulungang komunidad. Ngunit sa kasawiang-palad ay dinukot siya ng mga
sundalo at nagdalang tao ngunit ‘di malaman kung sino ang ama. Ang kanyang
naging anak ay pinangalanan niyang Kalayaan.
May
umusbong na paghanga sa binatang si Gary dahil sa magagandang katangian ni
Lorena. Bagama’t malayo ito sa kanyang mga naging kasintahan na maipagmamalaki
ang ganda. Ang katalinuhan na rin ni Lorena ang nakapukaw sa damdamin ng binata.
Ngunit bago pa man humantong sa pagliligawan ang eksena ay bigla na lang itong
napatay ng kapulisan habang nasa unahan at nakikipag-kumpronta sa nangyayaring
demolisyon. Biglang nagulantang si Gary sa pangyayari. Waring ang kamatayan ni
Lorena ang nagmulat sa kanya para makita ang tunay na nangyayari sa ating
bayan. May pahiwatig ang wakas ng kuwento, na mula sa pagiging makasarili ay
magbabago na si Gary. Waring ang mga karayom na tumutusok sa katawan ng mga tao
sa kuwento ay sumisimbolo sa lunas sa samu’t saring sakit ng lipunan. Kagaya ng
bisa ng acupuncture, ‘di ito sinusuportahan ng estado dahil kapag lumaganap nang
husto ay may mga sektor ng matatamaan gaya ng industriya ng malalaking
korporasyon ng mga gamot. Ngunit kung bubuksan lamang ng bawat isa ang isipan
ay ‘di malayong makakaalpas din tayo sa pagsasamantala ng iba.
Makirot
din ang kuwento ng Biktima. Isang
nagtatrabaho sa casa ang naging biktima ng isang drug addict na estudyante. Nang
dahil sa pagtatanggol sa sarili ay napatay niya ito. Hindi pinagtuunan ng
may-akda ang erotika bagama’t bayaran ang tauhan. Kung meron man ay hindi
pinatindi ang pagnanasa, bagkus ay may pagpipigil sa paglalarawan ng mga
eksenang nakabubuhay ng libido. Marahil mas nais ipakita ng may-akda ay ang
hirap na dinadanas nito sa kamay ng isang abusadong kostumer. Nais lang naman
ng karakter ay may maiuwi siyang karagdagang pera para sa kanyang anak na
nagsisimula nang mag-aral at magdadaos pa ng kaarawan. Kahit katatapos lang ng
trabaho sa casa ay sumadlayn pa siya sa labas. ‘Yun nga lang ay durugista ang
naka-pick up sa kanya at dinala siya sa compound ng kanilang pamilya at sa
mismong kotse siya binarubal nito dahil kung anu-ano ang pinapagawa sa kanya.
Takut-takot siyang ‘di ito sundin dahil tinututukan siya ng baril. Ngunit ang
taong naka-droga ay wala sa sarili. Imbes na masiyahan ay lalo pa itong
nag-init at babarilin pa ang babae. Naagaw nga lang nito ang baril at naiputok
nga sa estudyanteng durugista. Sino nga ba ang tunay na biktima rito? Biktima
na nga ang babae ng kahirapan ay nabiktima pa siya ng isang walanghiyang
nilalang. Pagdating sa pulisya ay biktima pa rin siya ng kawalang-katarungan
dahil wala siyang pambayad ng abogado de kampanilya, malamang ay sa kulungan
din ang bagsak niya. Walang gustong maniwala sa kanya na ipinagtanggol lang
niya ang kanyang sarili. Nilait-lait pa nga ang kanyang pagkatao nang makita
siya ng magulang ng kanyang napatay, na kesyo marumi siyang babae. Nadurog lalo
ang kanyang pagkatao at nadurog din ang pangarap na kinabukasan para sa kanyang
anak.
Trahedya
at malungkot din ang Kwento ng Kwento ni
Entong. Kuwento ito ng isang batang nagpasagasa ang ina dahil ‘di na
makayanan ang problema sa buhay. Pagkatapos magpasagasa ang ina ay dinampot
siya ng pulubi na pisak ang isang mata at iniuwi siya nito sa barung-barong.
Isinasama siya sa pamamalimos ng pulubi at pinangalanan siyang Entong, sunod sa
pangalan ng pulubi. Merong alagang aso ang pulubi at waring ito ang naging
bestfriend ng pulubi at napapaghingahan ng sama ng loob sa buhay. At kinalaunan
ay naging kala-kalaro rin ng batang si Entong. Kung masalimuot ang buhay ng
batang si Entong ay gayundin ang buhay ng matandang Entong. Biktima rin ito ng
kahirapan. Tinakasan niya ang kanilang probinsya matapos na mamatay ang kanyang
mga magulang dahil naipit sa awayan ng mga nagbabanggang pulitiko. Inilalarawan
sa kuwento na sa away ng mga makapangyarihan ay kawawa ang maliliit na mga tao.
Napunta ng Maynila ang matandang Entong at naging tricycle boy, ngunit dahil sa
may nakaaway na barumbadong tricycle driver din ay natusok ng ice pick ang
isang mata kaya’t napisak ito.
Mga
latak ng lansangan ang tingin ng iba sa katulad nina Estong. Ngunit maging sila
man ay may pangarap din sa buhay at merong natatagong talento. Gaya ng
matandang Entong na mahusay kumanta ngunit nawalan na ng kumpeyansa sa sarili.
At ‘di na rin nanligaw pa ng babae matapos paringgan na pangit ng babaeng
nakursunadahan niya habang sinusundan niya ito. Mga latak man ay meron din
silang puso gaya na lamang ng pagmamahal nila sa alagang hayop na itinuring na
kabilang sa kanilang pamilya. Ngunit sadya yatang sa lipunan natin ay ‘di
nauubusan ng mga pasaway. Minsan lang silang mamasyal at naiwan ang alagang aso
ay nawala na ito sa kanilang pagbalik. Waring gumuho ang mundo ng matandang
Entong at kinuha nito ang kalawanging itak at hinanap ang kumuha ng kanyang
aso. Mararamdaman mo ang saloobin ng isang nawalan ng alaga. Naabutan ng
dalawang Entong ang aso na nakatiwarik na at kinakatay ng mga manginginom.
Bigla na lang pinagtataga ng matanda ang isa sa mga nagkakatay ng aso. Natigilan
ang mga kasamahan nito at ‘di na nakatakbo hanggang sa sila na naman ang
pinagtataga. Nagkulay dugo tuloy ang lupa. Dahil sa nagawang krimen ay hinuli
ang matanda ng mga pulis. Naiwan ang batang Estong na nag-iisa at muling
bumabalik sa isip kung paano namatay ang kanyang ina.
Punung-puno
naman ng selos ang Parang Bangkang
Walang Katig na ayon sa kwento ay halaw sa isang kantang Bisaya. Hinango ni
Renz si Grace mula sa isang videoke bar kung saan ay ito nagtratrabaho at nagsasagawa
rin ng extra service. Ngunit kahit ganito ay wala pang nakakarelasyong lalaki
kundi si Renz lamang. Si Renz ay isang mahusay na manunulat subali’t ‘di
marunong mag-impok at maraming bisyo kaya’t nasimot ang ari-arian. Ngunit
hanggang sa kahirapan ay dinamayan siya ni Grace. Patunay lang na mahal siya ng
babae kahit hindi siya pinakasalan ni Renz. Ngunit ang mistulang naging papel
lang ni Grace sa buhay ni Renz ay serbidora, taga-timpala ng kape, tagaluto,
tagalaba etc. Isama na rin natin ang pang-kama.
Nasimot na ang ari-arian ay nagkasakit pa sa baga si Renz kaya’t
nagprisintang magtrabaho si Grace bilang yaya at labandera sa mayamang pamilya.
Subali’t palaging nagseselos si Renz sa amo ni Grace na matandang lalaki at nag-iisip
na pumapatol siya rito.
Isang
araw ay isinugod sa ospital si Renz, lingid sa kaalaman ni Renz ay nagtrabaho
uli si Grace sa isang videoke bar. Natuklasan lang ito ni Renz nang minsang
magtanong siya dahil bakit hapon kung puntahan siya ni Grace sa ospital.
Nagalit si Renz dahil sa ginawang ito ng kinakasama. Pero nangatuwiran ang
babae na kung ‘di niya ito gagawin ay paano masusuportahan ang mga gamot at
bayarin sa bahay? Dahil tamang-hinala lagi si Renz ay naisipan pa niyang
tumakas sa ospital para silipin ang kinakasama sa pinagtatrabahuang videoke
bar. Nakita siya ni Grace at nagalit ito sa kanya dahil ipinapakita lang ni
Renz na wala talaga siyang tiwala sa kanya. Nagselos din siya nang minsang
mag-text ng madaling araw ang kusinero
sa videoke bar. Marami pang pinag-awayan ang mag-partner sa kuwento dahil sa
selos. Hanggang manlamig na kay renz ang babae, hindi dahil sa may lalaki siya
kundi dahil sa walang katapusang pagseselos.
Dumating
pa nga sa punto nang muling atakehin si Renz at dalhin sa ospital ay ‘di na
siya pinuntahan pa ni Grace. Ang ginawa ng kinakasama ay itinext ang ina at
kapatid ni Renz para sila na lang ang mag-asikaso. Nang makalabas ng ospital ay
sa poder ng magulang siya umuwi. Habang nagbabakasyon ang mga kasama sa bahay
ay nanggulo ito sa videoke bar nang makita niyang tila nagkakamabutihan na ang
kusinero at si Grace. Dahil dito ay nakulong siya dahil may mga nasira siyang
gamit sa videke bar. Gusto siyang idemanda ng may-ari, pero sasandali pa lang ay pinakawalan na siya
dahil may tumulong sa kanya. Bumalik agad siya sa videoke bar at napag-alaman
niyang ang kusinero ang umareglo ng kaso niya. Nakiusap ito sa may-ari ng
videoke bar na huwag nang ituloy ang demanda alang-alang kay Grace at ito na rin
ang magbabayad ng nasirang mga gamit. Pero wala na si Grace at uuwi na ito ng
probinsya. Hindi rin tinanggap ang pag-ibig ng kusinero dahil naroon pa rin
siya sa puso ni Grace. Parang eksena sa pelikula, agad na sumunod si Renz
papunta sa pier na kinaroroonan ni Grace. Naabutan naman niya ngunit kahit ano’ng
pakiusap ay ‘di na ito nakinig sa kanya. Napundi na siya sa asal ng lalaki.
Ipinapakita
sa kuwento, may pagkakataon na kahit mahal mo pa ang isang tao pero kapag lagi
mo itong pinaghihinalaan ay tumitigas din ang puso at namamanhid na para sa
iyo. Katulad ng lalaki, ang babae may pangangailangan din ‘yan na kailangan
mong maibigay. Hindi ‘yung puro ikaw na lang ang tanggap nang tanggap. Tunay
ngang ang pag-ibig ay parang bangkang walang katig. Kapag ‘di balanse ay maaari
itong lumubog at tangayin na lamang ng kawalan.
Maraming
salamat kay Ka Rey para sa makabuluhang libro tulad nito. Salamat at napukaw mo
ang damdamin ko. Para sa mga nais magkaroon ng kopya ng librong ito, maaaring
i-text si Ka Rey sa 0915-587-4563.
Thursday, August 8, 2013
Anim na Sabado ng Beyblade at Iba Pang Sanaysay: Book Rebyu

Mahusay
magtimpla ng emosyon si Jarin, para siyang tagapagsalita sa isang 'reflective
thinking' na ang istilo ay patatawananin ka muna sa umpisa pagkatapos ay
papaiyakin ka sa bandang dulo. Ganitong-ganito ang paraan ng kanyang pagkukuwento.
Maaari itong iugnay sa kanyang pagiging miembro ng Marian Youth Movement. Puwede rin namang
sabihin na ang bawat masasayang alaala ay 'di nananatili dahil kahit gaano pa ito kasaya ay mayroon ding hangganan.
Kaya’t malulungkot ka nga naman sa huli habang ito ay iyong inaalala.
Sa
Quinabuangan ay inilarawan ng awtor ay lugar na kanyang kinamulatan. Tulad ng
ibang baryo ay napakapayak lang din dito ng pamumuhay. Ikinuwento naman sa D
Pol Pisigan Band ang buhay-combo. Nang tinuruan si Jarin ng kanyang lolo na
tumugtog ng trumpeta hanggang siya ay tanghaling pinakabatang miembro. Tulad ng
ibang grupo nagkakaroon din rito ng paksiyon. Sa umpisa ay masigla ang kanilang
grupo, pero kasabay ng pagtanda ng kanyang lolo ay humina na ito hanggang sa
ito ay mamatay. Nagbigay pa ng parangal ang mga miembro sa maestro, pero
sisingilin pala ang pamilya matapos ang kanilang serbisyo!
Sapul
na sapul ni Jarin sa Barko ang panahon ng pagrerebelde ng kabataan kung saan sa
panahong ito ay natututong bumarkada, manigarilyo at mag-inuman. At siyempre,
ang masangkot sa mga kaguluhan dulot ng mga walang kuwentang away. Pero hindi
naman laging ganito dahil nagma-matured din tayo.
Inilalarawan naman sa Pulot Boy ang pagiging madiskarte sa buhay ni Jarin. Kapag ipinangak kang mahirap ay kailangan mo talagang kumayod at naging tagapulot ng tennies ball ng palaruan ng mayayaman, na kilala na ngayon bilang The Fort.Hindi talaga maiaalis sa trabaho ang mga inggitan sa magkakasama. Pero binalewala niya ito, kanya-kanyang diskarte lang 'yan. Marami ring trivia si Jarin tungkol sa naturang lugar.
Ibabalik ka naman ni Jarin sa musmos mong
pag-ibig habang binabasa mo ang kanyang kuwento sa Niog. Exciting talaga ang puppy love na
tinatawag. Akala mo totoong umiibig ka na, pero sadyang nagbabago ang panahon
at ang naramdaman mo dati ay mabubura na lang sa isang iglap. Pero kahit paano
ay nakapag-iwan ito ng pitak sa ating mga puso.
Nagustuhan
ko rin ang Repaks, bandang binuo nina Jarin sa Cembo. Inilalarawan ng
kabanatang ito ang dekada nobeta kung saan halos lahat ng mga kabataan ng
panahon na ‘yun ay nangangarap na maging banda kabilang na ang inyong lingkod. Kasikatan ito ng LA 105 na
nagpapatugtog ng mga Pinoy Rock at naging bahagi rin ang Repaks dito. Sa panahong ding ito namayagpag ang Eraser Heads. Masaya
ang karanasan ni Jarin sa pagbabanda dahil may mga nakaka-appreciate sa ginawa
nilang kanta. Nagkaroon pa nga sila ng manager na nagdala sa kanila sa Bicol
para doon mag-tour.
Sa Kumbento, ikinuwento ni Jarin kung paano siya napasok sa kumbento at kalaunan ay kanya ring nilabasan. Ang pagiging miembro niya ng Marian Youth Movement ang naging daan para mapasok siya rito. Mula sa pagiging pakikipagbarkada ay lumago ang kanyang buhay-espiritwal. Pumasok siya sa kumbento para makakuha ng scholarship ngunit dahil sa pagiging mapagmataas sa sarili, ayon na rin sa kanya ay di na siya matutuloy. Ngunit nabigyan ng pagkakataon. Kaya lang dahil sa mga simpleng paglabag sa regulasyon ay 'di niya ito matanggap kaya't nagpasya siyang lumabas kahit walang katiyakan kung ano ang naghihintay sa kagustuhan niyang makapag-kolehiyo.
Ibinulgar
naman ni Jarin ang mga kaganapan sa likod ng buhay-service crew kung saan ay
karaniwan na lang ang pagkakaroon ng relasyon ng mga magkakasama sa trabaho
kahit na meron na silang asawa o kasintahan. Muntik na rin siyang mabiktima ng chick na may kursunada sa kanya na madalas pumunta sa pingatatrabahuan niyang fastfood kung hindi nga lang niya nilabanan ang tukso. Ikinuwento niya rin ang
panlalamang nila sa kanilang pinagtatrabahuan. Kumakain sila ng pagkain na
kanilang itintinda kahit na ito ay ipinagbabawal. Narinig ko na rin ang ganitong kuwento ng kataksilan sa hanay ng mga service crew, pero
ngayon ay pinatotohanan ito ni Jarin na nakapagtrabaho sa mga fastfood chain.
Matutuwa
ka sa naman sa kuwento sa Baclaran. Kuwento ito ng kanyang mga housemate na mga bading na tinawag ni Jarin na 'Apat na Madre sa Kumbento ng Baclaran . Nakasama niya ang mga
ito nang maghiwalay siya ng kanyang asawa. Ipinapakita niya sa kabanatang ito
na ang mga bading ay marunong din naman gumalang sa kapwa at 'di lahat ng lalaki
na kanilang nakakasama ay kanilang tinatalo. Maraming masasarap na
kuwnetuhan din ang kanilang pinagsaluhan lalo na't ang mga bading ay kilala sa kanilang pagiging masiyahin. Ang mga tauhan ay waring mga salamin
na ipinapakita ang kanilang mga katauhan. Pero sa lahat ng mga halakhak ay
meron ding mga nakatagong tampuhan at mga awayan. Isang araw ay sumabog na lang
at ito ang nagmitsa para ang dating masayang samahan ay kailangang mawasak at
magkahiwalay ng landas Sabi nga ni Jarin, sa hiwalayan siya nanggaling tapos sa hiwalayan din pala matatapos ang kabanatang ito ng kanyang buhay.
Dudurugin
naman ang puso mo habang binabasa ang kuwento ni Jarin sa mismong pinakapamagat
ng libro na nasa pinakadulo ng libro. Patungkol ito sa kanyang anak na may
sakit na leukemia. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng awtor ay ano ang mararamdaman
mo kung ang anak mo ay may malubhang karamdaman? Pilit kang umaasa na gagaling
pa ito, pero ang situwasyon na rin ang nagsasabi na wala ng pag-asa.
Punung-puno ng pagmamahal ang bawat titik na mababasa sa kabanatang ito. Ramdam mo ang hinagpis ng isang ama. Ang
beyblade na paboritong laruan ng kanyang anak ay waring sumisimbolo na lang ng
isang nawaglit na kamusmusan.
May sariling istilo ng pagkukuwento si Jarin. Magaang basahin at hindi maligoy ang paraan ng kanyang pagsulat. Hindi ka na niya pag-iisipin pa bagkus diretso agad ito sa sentido mo at sasapul sa iyong emnosyon. Sa paggamit naman ng mga salita, kahit nangyari na ang isang bagay, ginagamitan niya ang mga ito ng "magiging" na mangyayari pa lang. 'Di ko na pakakahabaan pa nang husto ang pagpapakilala sa libro. Mabuting basahin mo na lang din at namnamin ang akda ni Jarin!
Saturday, September 8, 2012
Bio-eulogy ni Tado Jimenez: Ang librong Akala Mo Pampatay Pero Pambuhay Pala
Kilala ng marami si Arvin ‘Tado’ Jimenez bilang isang mahusay na komedyante at bukod dito ay isa ring disc jockey. Isa rin siyang negosyante, siya ang nagmamay-ari ng Limitado na ang pangunahing produkto ay mga damit na may naiibang disenyo. Pero bukod dito, marahil ay di nila alam kung sino nga ba si Tado Jimenez?
Una siyang nakilala bilang makulit na karakter sa Brewrats na napapanood noon sa UNTV.
Nang una ko siyang mapanood ay napapa-tado na lang ako dahil ang kanyang mga tanong sa kanyang mga iniinterbyu ay pinagloloko lang niya. Pero yun ang nagpapaganda sa show. Buhat noon ay di na napigilan pa ang kanyang pagsikat. Sino ba naman ang di makakapansin sa kanyang naiibang hitsura? Long hair tapos makapal ang salamin na parang rockstar pero may pagka-kengkoy. Sa sobrang lakas ng dating ay maraming gumagaya.
Kung di mo pa siya nakikilala ng personal ang ikalawang niyang libro na ang magpapakilala sa iyo kung sino nga ba talaga siya? Sa tema pa lang ng libro ay mababasa mo na talagang kakaibang mag-isip si Tado. Buhay pa pero gumawa ng ‘tribute’ para sa kanyang sarili. Karaniwan kasi ang eulogy ay para lang sa patay. Pero sabi nga sa subtitle ng libro ni Tado, "all about myself, not yours". Kaya walang basagan ng trip.
Madalas nating naririnig ang iba na nagbibigay pugay sa magagandang nagawa ng isang yumao. Pero kahit anuman ang magagandang salitang ating ipukol sa yumao ay ‘di niya ito maririnig. Sa totoo lang, noong nabubuhay pa ay wala namang gaanong pumupuri sa mga nagawa niya. Ang tanong, hindi ba natin ito puwedeng gawin habang buhay pa ang isang tao? Hindi yung nakikilala lang natin nang husto ang isang tao kapag ikinukuwento na ng iba.
Kung sa una niyang libro na Nag-Iisa Lang Ako (Ang Ikatlo sa Unang Libro) ay nakilala natin siya. Sa bago niyang libro, mas makikilala pa natin siyang mabuti. Bukod sa sarili niyang kuwento, mas makikilala natin siya base sa pananaw ng mga taong kanyang nakasalamuha, mga naging kaibigan at iba pa. Maging ang inyong lingkod ay mayroon ding tribute sa kanya. Long live Tado Jimenez!
Para sa iba pang artikulo kay Tado Jimenez.
Nang una ko siyang mapanood ay napapa-tado na lang ako dahil ang kanyang mga tanong sa kanyang mga iniinterbyu ay pinagloloko lang niya. Pero yun ang nagpapaganda sa show. Buhat noon ay di na napigilan pa ang kanyang pagsikat. Sino ba naman ang di makakapansin sa kanyang naiibang hitsura? Long hair tapos makapal ang salamin na parang rockstar pero may pagka-kengkoy. Sa sobrang lakas ng dating ay maraming gumagaya.
Kung di mo pa siya nakikilala ng personal ang ikalawang niyang libro na ang magpapakilala sa iyo kung sino nga ba talaga siya? Sa tema pa lang ng libro ay mababasa mo na talagang kakaibang mag-isip si Tado. Buhay pa pero gumawa ng ‘tribute’ para sa kanyang sarili. Karaniwan kasi ang eulogy ay para lang sa patay. Pero sabi nga sa subtitle ng libro ni Tado, "all about myself, not yours". Kaya walang basagan ng trip.
Madalas nating naririnig ang iba na nagbibigay pugay sa magagandang nagawa ng isang yumao. Pero kahit anuman ang magagandang salitang ating ipukol sa yumao ay ‘di niya ito maririnig. Sa totoo lang, noong nabubuhay pa ay wala namang gaanong pumupuri sa mga nagawa niya. Ang tanong, hindi ba natin ito puwedeng gawin habang buhay pa ang isang tao? Hindi yung nakikilala lang natin nang husto ang isang tao kapag ikinukuwento na ng iba.
Kung sa una niyang libro na Nag-Iisa Lang Ako (Ang Ikatlo sa Unang Libro) ay nakilala natin siya. Sa bago niyang libro, mas makikilala pa natin siyang mabuti. Bukod sa sarili niyang kuwento, mas makikilala natin siya base sa pananaw ng mga taong kanyang nakasalamuha, mga naging kaibigan at iba pa. Maging ang inyong lingkod ay mayroon ding tribute sa kanya. Long live Tado Jimenez!
Para sa iba pang artikulo kay Tado Jimenez.
Saturday, August 25, 2012
Wakapak (Ang Astig at Epal na Superhero)
Marami na ang mga superhero ang naglitawan mula kina Super Man, Batman, Wonder Woman at iba pa. Pagdating sa atin, and'yan sina Darna, Captain Barbell, Panday at marami pang iba. Dumadagdag na lamang si Wakapak sa kanila na isinulat ni Boy T.
Lahat ng mga nabanggit na superhero ay may taglay na espesyal na kapangyarihan pero pagdating kay Wakapak ay wala. Kaya't paano niya magagawang magligtas?
Sumisimbolo lamang si Wakapak sa atin na isa lamang ordinaryong tao. Marami ring kahinaan at kung minsan ay pumapalpak pa. Lakasan lang ng loob ang kailangan. Pero hindi hadlang ang mga ito kung gusto talagang makatulong sa kapwa. Dahil lahat tayo ay may kakayahang tumulong sa anumang paraan kung gugustuhin lang natin. Pero sa lipunan natin bagama't tumutulong ka na ay lagi pa ring may nasasabi ang iba. Ito ang pilit na nilalabanan ng ating bida. Wala siyang pakialam kahit pagtawanan man siya ng ibang tao. Higit na mabuti ang kanyang ginagawa kaysa mga taong walang pakialam sa kanilang kapwa.
Sa librong ito ay matutunghayan din ang kuwento ng pag-ibig ng ating bida sa kanyang ultimate crush na si Pepay. Pero paano siya mapapansin ng dalaga kung hindi siya ang tipo nito? Magagamit ba ni Wakapak ang kanyang pagiging superhero o baka naman makagulo lamang ito? Lalo na't may isang Ms.Aquarius na umeksena na malakas ang sex appeal. Basahin at namnamin ang nilalaman ng librong ito na tiyak na inyong mamahalin.
Sumisimbolo lamang si Wakapak sa atin na isa lamang ordinaryong tao. Marami ring kahinaan at kung minsan ay pumapalpak pa. Lakasan lang ng loob ang kailangan. Pero hindi hadlang ang mga ito kung gusto talagang makatulong sa kapwa. Dahil lahat tayo ay may kakayahang tumulong sa anumang paraan kung gugustuhin lang natin. Pero sa lipunan natin bagama't tumutulong ka na ay lagi pa ring may nasasabi ang iba. Ito ang pilit na nilalabanan ng ating bida. Wala siyang pakialam kahit pagtawanan man siya ng ibang tao. Higit na mabuti ang kanyang ginagawa kaysa mga taong walang pakialam sa kanilang kapwa.
Sa librong ito ay matutunghayan din ang kuwento ng pag-ibig ng ating bida sa kanyang ultimate crush na si Pepay. Pero paano siya mapapansin ng dalaga kung hindi siya ang tipo nito? Magagamit ba ni Wakapak ang kanyang pagiging superhero o baka naman makagulo lamang ito? Lalo na't may isang Ms.Aquarius na umeksena na malakas ang sex appeal. Basahin at namnamin ang nilalaman ng librong ito na tiyak na inyong mamahalin.
Sunday, December 4, 2011
Mga Kuwentong Dagli sa Nagmamadaling Panahon
Sa panahon ngayon kung saan ay napakaraming pinagkakaabalahan ang mga tao ay napapanahon din ang mga kuwentong dagli o flash fiction. Napakaiksi na kasi ngayon ng attention span ng mga tao at tinatamad nang magbasa ng mahahabang mga salaysayin. Maliban na lang kung talagang malaki ang interes sa paksang inilalako ng isang manunulat.
Mas maiksi pa ang dagli sa maikling kuwento. Sadyang magkaiba ang dalawang ito pagdating sa istraktura. Dahil ang maikling kuwento ay nangangahulugan na buo ang istorya. May introduksiyon, gitna at wakas. Samantalang sa dagli ay pupuwedeng isang situwasyon o pangyayari lang ang iniikutan ng istorya. Madalas ang iba ay gumagamit ng first point o view na waring sarili nilang karanasan ang kanilang ikinukuwento. Ibig sabihin, hindi mo na kinakailangan pang ipaliwanag kung sino ba talaga ang iyong karakter.
Ang dagli ay nasa hanggang isang libong salita pababa. Mayroon pa ngang ibang manunulat na sumusunod sa pagbibilang ng salita sa flash fiction. Katulad na lamang ni Abdon Balde Jr. na may akda ng 100 Kislap. Ang koleksyon ng mga akda niya rito ay binubuo ng hindi aabot ng mahigit isang daan at limanpung mga salita.
Samantala ang maikling kuwento ay nasa isang libo hanggang limang libo salita.
Kung tutuusin ay matagal nang mayroong ganitong uri ng kuwento sa Pilipinas man o sa ibang bansa. Ngunit wala pa itong katawagan noon. Kaya’t maaaring sabihin na bagu-bago pa lang ang ganitong uri ng literatura. Noong taong 2007 ay lumabas ang aklat na “Mga Kuwentong Paspasan,” na inilathala ng Milflores Publishing kung saan ay napabilang ang akda ng dating Pinas editor na si Hilda Nartea at ang namayapa ng si Vincent John Rubio.
At ngayon naman ay lumabas ang libro ni Eros Atalia na inilathala ng Visual Print, ang Wag Lang Di Makaraos (100 Dagli Mga Kuwentong Pasaway, Paaway at Pamatay). Ayon kay Atalia, tatlong taon ang kanyang binuno sa pagsusulat ng aklat na ito. Ang Wag Lang Di Makaraos ay moderno sa paraan ng paglalahad at sinasalamin ang samu’t saring pangyayari sa ating lipunan sa paraang madaling unawain dahil simple lang ang paggamit ng wika.
Bagama’t maiksi lang ang dagli ay nag-iiwan naman ito ng tatak sa isipan ng mambabasa. Sabi pa nga ng ilan ay masyadong bitin. Pero kung minsan kung alin ang bitin ay ‘yun ang kinakailangang namnaming mabuti at pag-isipan nang husto. Maaari kasing ang dagli ay hindi lamang naglalarawan sa iisang bagay o situwasyon lamang. Bagkus sa maikling salita ay mas marami pa pala ang sinasabi. Ang maganda pa, kahit yaong mga walang hilig o tamad magbasa ay maaaring maengganyo dahil sa ito ay maiksi nga lamang. Angkop na angkop sa mabilis na daloy ng panahon kung saan karamihan sa atin ay mahilig sa instant.
Para sa iba pang babasahin.
Mas maiksi pa ang dagli sa maikling kuwento. Sadyang magkaiba ang dalawang ito pagdating sa istraktura. Dahil ang maikling kuwento ay nangangahulugan na buo ang istorya. May introduksiyon, gitna at wakas. Samantalang sa dagli ay pupuwedeng isang situwasyon o pangyayari lang ang iniikutan ng istorya. Madalas ang iba ay gumagamit ng first point o view na waring sarili nilang karanasan ang kanilang ikinukuwento. Ibig sabihin, hindi mo na kinakailangan pang ipaliwanag kung sino ba talaga ang iyong karakter.
Ang dagli ay nasa hanggang isang libong salita pababa. Mayroon pa ngang ibang manunulat na sumusunod sa pagbibilang ng salita sa flash fiction. Katulad na lamang ni Abdon Balde Jr. na may akda ng 100 Kislap. Ang koleksyon ng mga akda niya rito ay binubuo ng hindi aabot ng mahigit isang daan at limanpung mga salita.
Samantala ang maikling kuwento ay nasa isang libo hanggang limang libo salita.
Kung tutuusin ay matagal nang mayroong ganitong uri ng kuwento sa Pilipinas man o sa ibang bansa. Ngunit wala pa itong katawagan noon. Kaya’t maaaring sabihin na bagu-bago pa lang ang ganitong uri ng literatura. Noong taong 2007 ay lumabas ang aklat na “Mga Kuwentong Paspasan,” na inilathala ng Milflores Publishing kung saan ay napabilang ang akda ng dating Pinas editor na si Hilda Nartea at ang namayapa ng si Vincent John Rubio.
At ngayon naman ay lumabas ang libro ni Eros Atalia na inilathala ng Visual Print, ang Wag Lang Di Makaraos (100 Dagli Mga Kuwentong Pasaway, Paaway at Pamatay). Ayon kay Atalia, tatlong taon ang kanyang binuno sa pagsusulat ng aklat na ito. Ang Wag Lang Di Makaraos ay moderno sa paraan ng paglalahad at sinasalamin ang samu’t saring pangyayari sa ating lipunan sa paraang madaling unawain dahil simple lang ang paggamit ng wika.
Bagama’t maiksi lang ang dagli ay nag-iiwan naman ito ng tatak sa isipan ng mambabasa. Sabi pa nga ng ilan ay masyadong bitin. Pero kung minsan kung alin ang bitin ay ‘yun ang kinakailangang namnaming mabuti at pag-isipan nang husto. Maaari kasing ang dagli ay hindi lamang naglalarawan sa iisang bagay o situwasyon lamang. Bagkus sa maikling salita ay mas marami pa pala ang sinasabi. Ang maganda pa, kahit yaong mga walang hilig o tamad magbasa ay maaaring maengganyo dahil sa ito ay maiksi nga lamang. Angkop na angkop sa mabilis na daloy ng panahon kung saan karamihan sa atin ay mahilig sa instant.
Para sa iba pang babasahin.
Sunday, July 3, 2011
Maaliw at Mabaliw sa This is a Crazy Planets ni Ernest Lourd de Verya

Hindi nauubusan ng angas at talento itong si Ernest Lourd H. de Veyra. Kasabay ng kanyang pagiging bokalista ng bandang Radio Active Sago Project ay bigla na lang siyang naging TV Personality sa isa sa mga higanteng istasyon ng telebisyon sa bansa. At ngayon nga ay nakapaglathala rin ng libro- The Best of This is a Crazy Planets.
Ang nasabing libro ay binubuo ng tatlumpu’t isang sanaysay. Ang dalawumpu’t walo rito ay unang nailathala sa Spot.ph blog habang ang tatlong natitira naman ay sa mismong libro pa lang nailathala. Ngunit bago mailathala ang librong ito ay nakapaglathala na siya ng tatlo pang libro na puro patungkol sa tula. Ang mga ito ay ang Subtererranean Thought Parade, Shadowboxing in Headphones at Incestissimo. Ang huling libro ng tula ay nailathala ngayong taon lang din.
Naisip na rin naman dati ng manunulat na ito na mailalathala ang mga kalipunan ng sanaysay sa blog ni Lourd. ‘Di na rin ito nakapagtataka dahil maraming tumatangkilik sa kanyang blog. Isa pa, si Lourd ay isang mamamahayag hindi lamang sa telebisyon kundi nagsusulat din siya sa broodsheet. Kung kaya’t bihasa na siya sa pagbibigay ng opinyon sa publiko. Matalas ang pihit ng isip at dila ni Lourd sa mga isyung panlipunan.
Ngunit ‘di sa paraang maapoy na komentaryo ngunit sa paraang nakaaaliw. Dahil may kasama itong pagpapatawa. Sino’ng may sabing ang mga makata katulad ni Lourd ay mahirap arukin? Ngunit ‘di lamang ito ordinaryong pagpapatawa ang istilong ‘mockery.’
Layon din nitong makapagpamulat ng mga tao lalung-lalo na ng mga nasa poder ng kapangyarihan.
Sa libro ay tinalakay ang isyu mula sa mga kilalang personalidad gaya nina Kris Aquino, Manny Pacquiao, Hidden Kho, Katrina Halili at marami iba pa. Bakit tayo interesado sa kanila at ano ang epekto nila sa buhay natin? Bakit ultimo kaliit-liitang detalye tungkol sa kanila ay pinag-uusapan? Hay, iba talaga ang sikat!
Napagtuunan din ng pansin ni Lourd ang mga pasaway na mga killer buses na nagkalat sa Kamaynilaan. Pati na rin ang mga taxi drayber na namimili ng pasahero at nandaraya sa metro. Para kay Lourd, bunga ito ‘di lamang ng kawalang-disiplina kundi pati na rin ng mismong kawalan ng kaalaman sa batas trapiko. Marami kasing nakalulusot, kahit sino na lang ay akakakuha ng lisensya kahit yaong mga bulag pa!
Sinapul din sa libro ang kulturang popular katulad ng fashion, pelikulang Pinoy, AM Radio, Jejemon, musika ni Rico J. Puno at iba pang mang-aawit. Naipapaalala sa atin ni Lourd ang ilang mga kaganapan noon at inihambing niya ang mga ito sa kasalukuyan. Maging ang kinabukasan ay kanya na ring hinagip, ito ay sa “Inventions We’d Like to See in 2012.
May payo rin si Lourd sa mga kababayan natin na masyadong mataaas ang pagtingin sa sarili o sabihin nating yaong mga nagmamaganda! Ito ay mababasa sa sanaysay na “Umasal Lamang Ayon sa Ganda.” Samantala, sa “Sa Ikaaayos ng Mundo, ‘Wag Magsando.” Hindi sa ayaw ng sando ni Lourd kundi dapat na nasa tamang lugar ang pagsusuot nito. Nakakaalibadbad nga namang makakita ng mga nakasando na mahahaba ang buhok sa kili-kili at pawisan pa lalo na kapag kumakain ka sa restawran. O ‘yun bang biglang magtataas ng kamay habang nakasakay ka sa MRT o ‘di-kaya’y sa dyip.
Ayos lang kay Lourd kahit may mga tao na hindi natutuwa sa kanyang panulat at magkomento pa ang mga ito ng negatibo. Basta ayon sa kanya, huwag mo lang pakikialaman ang kanyang ilong at hairline. Tiyak d’yan na kayo magkakatalo. Mas maganda kung wala na lang personalan, sa isyu lang dapat pomukos.
Kung gustong maaliw at mapaisip ay dapat lamang na basahin ang librong ito ni Lourd. Sa huli ay masasabi mong pambihira talaga ang mga analisasyong ginawa ni Lourd sa iba’t ibang paksa. ‘Ika nga ng mga paboritong ekspresyon ng marami sa atin ngayon, “Wasak!”
Friday, June 3, 2011
Librong Alay sa Pinoy FB Users

SADYANG matindi ang epekto ng Facebook (FB) dahil naging bahagi na ito ng pang-araw-araw na buhay. Hindi lamang nating mga Pinoy, kundi pati na rin ng iba’t ibang lahi sa mundo. Hindi lamang ito basta daluyan ng komunikasyon kundi sa pamamagitan din nito ay nailalabas ng indibidwal ang kanyang saloobin o naibabahagi sa mga ka-FB ang kung anuman ang nangyayari sa kanyang buhay sa kasalukuyan. Kumbaga, nagmimistula itong salamin ng ating pagkatao.
Kung tutuusin ay magkasabay lang na pumasok ang Facebook at Friendster noong taong 2004. Pero mas naunang pumatok sa atin ang Friendster. Taong 2008 lang nang unti-unting naengganyo rito ang mga Pinoy. Hanggang sa mapangibabawan nito ang Friendster at kamakailan lang ay nagpasya ang pamunuan ng Friendster na magpalit ng format. Mula sa pagiging social networking site ay ninais nilang sa pagiging entertainment site na lang malinya. Tinanggap na nila na ang mundo ngayon ay pinaghaharian na ng Facebook.
Bakit hindi? Eh, mas ginawang kapana-panabik ng FB ang social networking site dahil sa paglalagay ng maraming features kaya naman mas maraming nagagawa rito ang users.
Kung may isa mang naapektuhan nang matindi ng FB ay ako na ‘yun dahil nakapagsulat ako ng libro tungkol dito. Oktubre lang noong nakaraang taon nang umpisahan ng inyong lingkod ang manuscript nito. Pagkatapos mabuo ang draft ay ipinasa ko agad ito sa aking publisher—ang Psicom. Malaki ang aking tiwala na lulusot ito dahil sa napapanahon ang tema at mukhang magtatagal pa ang adiksiyon ng mga tao sa FB. Wala naman kasi itong matinding kakumpetensiya. Enero na nang maaprubahan ang manuscript at pagkatapos lang ng ilang buwang paghihintay ay lumabas na ito sa malalaking tindahan ng libro sa Pilipinas.
Nakatutuwang malaman na nakasabay pa ito ng paglabas ng libro ni David Pogue ng New York Times. Ang kanyang libro ay pinamagatang “The Facebook Effect.” Si David Pogue rin ang nagsulat ng librong “The World According to Twitter.” Habang isinusulat ko ang aking libro ay ‘di ko pa alam na may gumagawa na rin pala ng libro tungkol sa networking site. Hindi naman ito nakapagtataka dahil ‘in’ na ‘in’ ang FB sa kasalukuyan.
Siyempre, ang “Adik sa Facebook” ay nakabase sa istilo ng mga Pinoy kung paano natin gamitin ang FB. Isinulat sa paraang kaiga-igaya o kuwela para hindi nakaiinip basahin. Mababasa ang maraming obserbasyon mula sa paggamit ng pangalan, pagsusulat sa status, pagpapaskil ng mga litrato at marami pang iba. Lumikha rin ang FB ng sariling karanasan at naiugnay rin sa mga dati pang karanasan. Masasabing lumalabas din ang pagiging masayahin natin sa FB dahil sa paglalagay ng samu’t saring bagay na nagpapangiti sa bawat nakakikita rito.
Isang malaking karangalan para sa akin na makakuha ng komento mula sa komedyanteng si Tado Jimenez at sa astig na manunulat na si Eros Atalia. Kung may Facebook ka ay siguradong makare-relate sa librong ito.
R
Monday, April 25, 2011
Isang pagsipat sa Ang Huling Dalagang Bukid at ang Authobiography na Mali, Isang Imbestigasyon ni Jun Cruz Reyes

Si Jun Cruz Reyes ay maituturing na hari ng post-modernong Panitikan sa Pilipinas pagdating sa pagsusulat ng kuwento. Mas kilala siya bilang ‘Amang Jun’ sa mga batang manunulat. Ang kanyang istilo ay hindi umaayon sa tradisyon. Mula nang unang gawin niya ang kanyang unang kuwento (Isang Lumang Kuwento) noong taong 1973 at makilala siya sa kuwento niyang ‘Utos ng Hari’ ay hindi pa rin siya lumalayo sa pagwasak sa kumbensyon na paraan ng pagkukuwento. Bago pa man dumating si Bob Ong ay nand’yan na siya.
Mabuting basahin ang bagong nobela ni Amang Jun na pinamagatang ‘Ang Huling Dalagang Bukid at Ang Autobiography na Mali, Isang Imbestigasyon.’ Alamin ang kuwento sa likod ng kuwento sa pagsusulat ng isang nobelang hindi tapos at kung paano naipasok ang autobiography ng manunulat.
Maaari bang magsama ang piksyon at ‘di-piksyon kung nobela ang pag-uusapan? Bakit hindi, yamang ang piksyon naman ay hinugot sa realidad. Katunayan, ang bago niyang libro ay nagkukuwento tungkol sa proseso ng paggawa ng kanyang nobelang binalak sulatin. Gagawin pa nga itong gawing documentary film kaso ay nabitin din. Hindi matahimik si Amang Jun kung kaya’t hindi niya hinayaang mabaon na lamang ito sa limot. Ngunit imbes na tapusin ang nobela ay binigyan niya ito ng bagong anyo at ito nga ang naging resulta.
Nakasentro ang ‘Ang Huling Dalagang Bukid’ sa bayan ng Wakas kung saan ay napabayaan na ang mga bukid dahil wala nang gustong maging magsasaka. Sa halip ay ang pangingibang-bayan ang solusyon para makatikim ng asenso sa buhay. Ang bukid ay nakunberte sa subdibsiyon, golf course at iba. Dati-rati ay ang mga lalaking may matitipunong katawan lang ang umaalis na karamihan ay nagiging construction worker sa Saudi. ‘Di naglaon ay ang batang kababaihan naman ang sumunod, na pumasok sa pagiging entertainer sa Japan.
Hindi natapos gawin ni Amang Jun noon ang nobela dahil may banta sa kanyang buhay kapag umuuwi siya sa kanyang bayan sa may Hagunoy, Bulacan. Sa bayan niya kasi siya kumuha ng mga karakter sa kanyang kuwento. Nag-interbyu pa nga siya ng isang entertainer sa Japan. Napag-iinitan siya ng ilang nasa kapangyarihan dahil sa pagiging makamasa ng kanyang panulat. Palibhasa ay may nasasagasaan ang kanilang ego kung kaya’t ganoon na lamang ang kanilang reaksyon. Dahil sa nailahad naman sa ‘Ang Huling Dalagang Bukid’ ang kanyang mga nais talakayin ay mistulang tapos na rin ang nobela. Ang kuwento ng bayan ng Wakas ay kumakatawan sa kabuuang-anyo ng Pilipinas kung saan ang pangingibang-bayan ang solusyon n gating mga kababayan para matakasan ang hirap ng buhay.
Gaya nang nasabi, tinalakay ni Amang Jun ang kanyang autobiography. Nailaysay niya nang malinaw at buhay na buhay ang iba’t ibang totoong karakter sa kanyang bayan sa Bulacan. Mula sa kanyang mga kamag-anak, kapitbahay, barkada at iba pa. Mula pagkapaslit hanggang sa maging magturo siya sa U.P. ay kanya ring naikuwento. Waring ikinuwento niya rin ang mga ito para maunawaan ng mga mambabasa kung paano ba siya nahubog bilang manunulat at kung bakit ayaw niya sa mga bagay na dogmatic o tradisyunal.
Dahil sa pagiging post-modernong manunulat ay itinuturing ng ilang kritiko lalo na ‘yung nakaangkla pa rin sa tradisyon na mali ang kanyang paraan ng pagsusulat. Mahilig kasing gumamit si Amang Jun ng mga salitang balbal na inaayawan nila. Para kasi sa kanila ay mayroong pamantayang dapat na sinusunod sa pagkukuwento. Hanggang pati ang tamang pagkilala sa kung ano ang katangiang dapat na taglayin ng isang manunulat ay pinakialaman na rin nila.
Kapag sinabi kasing nobela, ang alam lang ng marami ay isa itong buong kuwento na nakasentro lamang sa isang paksa. May malinaw na simula at wakas. At hindi puwedeng magsanib ang kuwento at sanaysay. Ngunit sa ginawa niya, pinapatunayan niya lang na puwede ang hindi puwede!
Para sa iba pang babasahin.
Tuesday, December 29, 2009
Mga kuwentong looban at iba pa ni Jun Cruz Reyes

Si Jun Cruz Reyes ay isang mahusay na guro, manunulat at isa ring pintor. Siya ay tubong Hagonoy, Bulacan, isa sa bayan sa Pilipinas kung saan nagmula ang mga kinikilalang muhon ng panitikan sa Pilipinas tulad nina Francisco Balagtas, Jose Corazon de Jesus, Virgilio S. Almario at iba pa.
Marahil ay natatandaan n’yo pa siya. Dahil ang ilan sa kanyang mga akda ay pinag-aralan natin sa subject na Filipino noong haiskul pa lang tayo. Kabilang na rito ang Utos ng Hari na tumatalakay sa pagiging dominante ng mga guro sa eskuwelahan. Ang kanyang akda ay isa ring protesta laban sa mga tradisyonal na sulatin. Ang pagiging alagad ng sining ni Amang Jun ay hindi tulad ng iba na nakasentro lang sa kalikasan. Bagkus ay mas pinagtuunan niya ang pansin ang paglalarawan o pagbibigay-buhay sa mga tao na kumikilos sa kapaligiran.
Ang kanyang mga akda ay tumatalakay sa mga isyung panlipunan. Naging aktibo siya noong panahon ng Martial Law bilang kritiko ng administrasyon ng dating Presidente na si Ferdinand Marcos. Bagama’t maraming takot noon na magsalita ay nagawa niyang magbigay puna laban, tulad sa kanyang aklat na Tutubi, Tutubi Huwag kang Pahuhuli sa Mamang Salbahe. Maging sa maikli niyang kuwento na ang pamagat ay Mga Lumang Kuwento na ang paksa ay tungkol sa mga taong nawawala na lang bigla noong panahong yaon. Nagwagi pa nga ang kuwentong ito sa Patimpalak Palanca noong taong 1973. Ang kanyang libro na Etsapuwera ay nagwagi naman ng National Book Award noong taong 2000. Marami pa siyang natamong mga parangal sa pagsusulat at ‘di na kailangang banggitin pa. Nagpapatunay lang ito ng kanyang pagiging dalubhasa sa kanyang larangan.
Marami sa kanyang mga naisulat ay naglalarawan sa buhay ng mga karaniwang tao. Tulad na lamang ng paraan ng pamumuhay ng mga taga-looban o yaong mga nakatira sa depressed area. Hindi para lamang ilarawan ang kasalatan sa buhay bagkus ay waring parang ipaalala rin na maging sila man ay may puwang din sa lipunan o ‘di-kaya’y sa mga akdang-pampanitikan.
Kung may Bob Ong ngayon na napaka-popular sa mga kabataan, mayroong Jun Cruz reyes noon. Siya ang sinasabi ng iba na kauna-unahang manunulat na Pilipino na nakilala sa kanyang istilo sa pagsusulat ng kuwento, na medyo may pagka-satirikal. Akala mo ay basta nagpapatawa o nagpapakuwela lang. ‘Yun pala ay paraan ito para talakayin ang isang mabigat na isyu sa simpleng paraan para magaang basahin. Nang sa gayun kahit ang mga karaniwang tao ay mauunawaan ang kanilang mga binabasa.Ang maganda pa sa kanya ay suportado niya ang mga manunulat na Pilipino. Ito ay pamamagitan ng pagbibigay ng blurb sa kanilang mga librong isinusulat.
Sa kasalukuyan, siya ay isa sa mga associate ng U.P. Institute of Creative Writing at nagtuturo rin ng Araling Pampanitikan at Malikhaing Pagsulat sa nasabing pamantasan. Siyempre pa, aktibo pa rin sa kanyang pagsusulat at pagpipinta.
Para sa iba pang babasahin.
Friday, September 18, 2009
Kuwentong Lasing: Ang librong malakas ang tama!
.jpg)
Mga kaibigan, narito na ang launaha-unahang libro tungkol sa alak sa 'Pinas! Siguradong lahat ng umiinom ng alak ay makaka-relate. Puwede rin itong basahin ng kahit hindi pa umiinom ng alak. Hanapin n'yo na lang sa mga bookstore. Sana ay inyong suportahan. Basahin ang introduksiyon na nakasulat sa libro bilang free taste...
Panimula
Sa wakas ay narito na ang libro tungkol sa alak. Tatagayan kita ng mga kuwentong nagbuhat kung saan-saan. Hindi sa pinapangunahan ko ang magiging reaksyon mo. Pero alam kong sa paksang aking napili ay tatamaan ka na ng hilo . Relaks lang, umayos ng upo. Kaunting warm up muna, inhale, exhale.
Exhale, inhale.
Tapos na, hindi ka na makahinga? Sige, ituloy lang ang pagbabasa. Kunwari ay seryoso ka sa ginagawa mo para umelibs sa iyo ang mga kasama mo. Wow, genius nagbabasa ng libro! Huwag lang pahalatang tungkol lang pala sa alak ang binabasa mo. Baka sabihin pa nilang bad influence ang author kahit hindi.
Hindi ka tuturuan ng librong ito kung paano ang uminom ng alak dahil baka nga marunong ka na at mapahiya pa ako. Malay ko kung malakas ka ring uminom gaya ng iba. Tamang kuwentuhan lang tayo rito at walang personal. Hindi man tayo close, puwede mo akong ituring na ka-beermate. Pag-uusapan natin ang ilang bagay-bagay na naglalaro sa isipan ng mga taong nasa impluwensiya ng alak. Makikita ito natin sa kanilang ikinikilos at pagsasalita. Ang ilan dito ay tungkol sa kabuwisitan at siyempre mawawala ba naman ang katuwaan? Kung mayroon mang mga tao na interesanteng pag-usapan aba’y ang mga manginginom na ‘yun. Para maging patas isinama ko na rin ang mga karanasan ko na tiyak na kapupulutan ninyo ng aral.
Bago ko pa ikuwento nang ikuwento ang kabuan ng libro ay ititigil ko na ang pasakalye. Huwag kang bibitaw sa pagbabasa. Tapos kung ano man ang nabasa mo puwedeng sa atin-atin na lang. Huwag mong ikukuwento sa iba. Mas mabuting pabilhin mo rin sila ng kopya para ayos ang buto-buto.
Cheers!
William M. Rodriguez II
Friday, June 5, 2009
Diskarteng Pinoy
.jpg)
Malapit na pong lumabas ang bago kong libro sa mga bookstore, ang Diskarteng Pinoy! Suportahan po natin ang mga Pinoy Writers. Para magkaroon kayo ng ideya kung tungkol saan ito narito ang Paunang Salita mula sa aking libro:
Paunang Salita
Likas na sa ating mga Pinoy ang pagiging madiskarte sa buhay. Kahit gaano man kahirap ang isang larangan ay nagagawa nating pasukin. Hindi ito kataka-taka dahil kilala tayo sa pagiging pasensyoso. Kaya naman madali na para sa atin ang mag-adjust. Mayroon pa ring kasiyahan sa puso kahit na may mga problema pang kinakaharap. Walang puwang ang salitang “pagsuko” dahil nangangahulugan lang ito ng pagkabigo.
Narito ang kalipunan ng mga kuwento hinggil sa iba’t ibang uri ng negosyo at trabaho na aking isinulat. Halos lahat dito ay bunga ng pakikinayam sa ilang mga indibiduwal na walang alinlangang nagbahagi ng kanilang mga karanasan. Kilalanin natin sila para ating malaman ang mga kuwento sa likod ng kani-kanilang mga larangan. Ang iba naman dito ay bunga ng masusing pagsasaliksik.
Ang librong ito ay hindi lang hinggil sa pagkita ng salapi bagkus ito ay hinggil sa sipag, tiyaga at dedikasyon ng mga taong napabilang dito ang kuwento. Nawa ay makapagbigay ito ng inspirasyon o motibasyon para lalo pa nating pagbutihin kung ano man ang ating ginagawa sa buhay. Walang malaki at maliit na negsoyo man o trabaho, ang mahalaga ito ay marangal at ginagampanan nang mahusay.
Maraming salamat!
William M. Rodriguez II
Ang may-akda
Wednesday, May 28, 2008
Eros Atalia: Alaskador na Kuwentista

Si Eros at ang kanyang kababata na nasa cover ng Peksman
"Kanya-kanyang kati,kanya-kanyang kamot
-Eros Atalia
Ibang klase talaga ang libro ni Eros Atalia na pinamagatang,"Peksman Mamatay Man Nagsisinungaling Ako at iba pang kuwentong kasinungalingan na 'di pa dapat Paniwalaan." Pamagat pa lang ay nakakatawag-pansin na sa mambabasa. Sa cover pa nito ay mayroong naka-dirty finger na lalake na nakausli ang ngipin. Lalo na kapag binasa mo ang librong ito na punong-puno ng dark humor. Dahil 'di lang basta nagpapatawa si Eros kundi pinagtatawanan niya ang mga bagay-bagay na mayroon sa ating lipunan. Kaya't ang lalakeng naka-dirty finger sa unahan ay tila nanunuya sa mga tao o pangyayari sa ating bansa. Ikalawang libro na niya ang Peksman,inilabas ng UST ang una niyang libro na may pamagat na Taguan-Pung at Manwal sa mga Napapagal.
Si Eros ay nagmula sa lahi ng manunulat, ang kanyang lolo at ama ay mga manunulat din. Kaya't nasa dugo na talaga niya ang pagiging manunulat. Siya ay dating nagsusulat sa mga tabloid bago makapasulat ng libro. At hindi lang siya basta karaniwang manunulat dahil marami na rin siyang napagwagiang patimpalak tulad ng Palanca para sa maikling kuwento, Gawad Balagtas,Pambansang Timpalak sa Pagsulat ng Tula ng Panday Lipi Ink. Isa diumano si Jun Cruz Reyes sa kanyang impluwnesya sa pagsusulat ng kuwento. Si Eros ay tubong Cavite at kasalukuyang nagtuturo ng journalism.
Ang maganda kay Eros ay pang-masa ang mga gawa niya. Kahit pa sabihing siya ay nagmula sa eskuwelahan ng mga elitista(DLSU). Makikita ang kanyang pagiging maka-masa sa mga gawa niya dahil kahit mga simpleng bagay ay nabibigyan niya ng pansin. Tulad ng mga eksena sa loob ng dyipni, karenderya atbp. Dahil naniiwala siyang ang panitikan ay hindi lang para sa lobo ng akademya. Bagkus ito ay dapat ibahagi sa masa. Sinabi ni Eros na ang kahalintulad ng libro niya at ang mga gawa ni Bob Ong at iba pang manunulat ay nagsisilbing protesta ng mga tao sa nakasanayang panitikan na nakakahon pa rin sa kumbensyonal na pamamaraan. Itinuturing kasi ng mga nasa akademya na hindi sila bahagi ng panatikan kundi tinatawag lamang nila itong Pop Culture. Subali't mariin itong pinasubalian ni Eros dahil nagpapakita lang ito na iba ang kagustuhan ng mga tao kaya pumatok ang ganitong uri ng babasahin. Naniniwala siyang ang Visual Print Enterprises, publisher ng kanyang libro na sila ang nagpapasimulang bumago sa anyo ng panitikan sa bansa. Bagama't sarado pa rin ang taga-akademya ay unti-unti na naman diumanong natatanggap ng mga ito na sila ay bahagi rin ng panitikan.
Ang Peksman ay nagsimula sa paggising sa umaga ng bidang si Intoy patungo sa pag-aaplay ng ng trabaho at nagtapos naman sa pag-uwi nito sa kanilang bahay. Subali't sa isang araw na iyon, dahil sa likot ng pag-iisip niya ay nagawan niya ng paraan na ikonekta ang maraming bagay-bagay. Marahil ito ang tinatawag ni VIm Nadera,propesor ng UP na kuwentong walang balangkas dahil sadyang naiiba ito sa karaniwang paraan ng pagkukuwento. Hindi mo naman masasabing nobela o sanaysay. Kumbaga kung anu-ano na lang ang kanyang ipinapasok kaya't nagkasala-salabat. 'Yan ang nagpakulay sa kuwento ni Eros habang sumasalimuot ay lalong gumaganda. Hindi siya dapat sabihing gaya-gaya lang kay Bob Ong. Kung tutuusin mas maangas siya dahil sa pagkakaroon niya ng dark humor.
Gustong makilala ni Eros sa pagkakaroon niya ng dark humor at lutang na lutang ito sa kanyang libro. Kung galit ka diumano sa mundo maaari mo naman itong isulat sa ibang paraan. Katunayan marami siyang binira sa kanyang libro katulad na lamang ng Pinoy Big Brother, mga game show sa telibisyon, ang pulitika sa Pilipinas, relihiyon at marami pang iba. Mahilig lang daw talaga siyang mang-alaska kaya niya ito naisulat. Ani ni Eros, "Kung ano 'yung ipinagbabawal 'yun ang mas gusto kong isulat. Tapos na tayo sa panahon ng inquisition kung saan lahat na lang ay ipinagbabawal. " Ngunit nang tanungin siya kung ano ba ang mensaheng gustong iparating niya sa mga mambabasa ay sinabi niyang matatalino ang mga nagbabasa at bahala na sila kung ano man ang kanilang pagkakaunawa sa kanyang libro. At para naman sa mga tinamaan niya ng kanyang mga tirada ay wala siyang pakialam sa kanila. Ika nga, "batu-bato sa langit ang tamaan huwag magagalit."
Pero ang tanong, nagsisinungaling nga ba si Eros sa pagkukuwento niya? Isa lang ang totoo hindi si Eros ang nagsisinungaling kundi ang ilang personahe na pinatutungkulan niya sa kanyang kuwento. Sabi nga ni Eros, "Paano mo sila paniniwalaan kung alam mong nagsisinungaling nga sila."
Wednesday, March 5, 2008
Showbiz at Lipunan
.jpg)
Kung mahilig ka sa showbiz o sa mga artista ay mabuting basahin mo ang libro ni Boy Villasanta na pinamagatang EXPOSE Peryodismong Pampelikula sa Pilipinas. Sa librong ito ay ibinabahagi niya ang kanyang tatlumpung taong karanasan sa mundo ng showbiz. Kaya't kabisado na niya ang bawat himaymay at pinakagulugod nito. Ang librong ito ay nagsisilbing legacy niya o pamana sa naturang industriya.
Si Villasanta o mas kilala sa tawag na Tito Boy ng mga malalapit sa kanya ay isa sa mga nagsimula ng movie reporting sa telibisyon (TV Patrol). Kasabayan siya nina Angelique Lazo, Mario Dumawal at Lhar Santiago. Bukod sa pagiging magaling na showbiz tv reporter siya rin ay isang mahusay na editor, host sa mga radio program na pang-showbiz., stage director at iba pa.
Sadyang napakainam basahin ng libro ni Villasanta dahil mayroon itong haplos ng kasaysayan sa paglilimbag ng iba't ibang uri ng babasahin sa Pilipinas. Siyempre kabilang na rin ang kasaysayan ng telibisyon, diyaryo at radyo. Hinimay din niyang mabuti ang sitwasyon ng mga artista mula noon hanggang ngayon. Para bang inililipad ka sa nakaraan tapos bigla ka niyang ibabalik sa kasalukuyan. Maging ang pinagmulan ng mga movie press organization at award giving body sa atin ay kanya ring inilahad.
Para kay Villasanta ang tsismis ay 'di lang basta sabi-sabi dahil ito ay may butil ng katotohanan. Kumbaga kapag may usok ay may apoy at hindi maituturing na intriga lamang gaya ng naging palasak na kahulugan nito. Ipinaliwanag pa nga niya na ang pinagmulan ng salitang tsimis at kung paano nagbago ang kahulugan nito sa paglipas ng panahon. Kung minsan nga ang tsismis pa ang pinagmumulan ng isang lihetimong balita. Samantalang ang mga artista para sa kanya ay hindi lang basta produktong ibinebenta bagkus ito ay tinitingnan niyang hindi iba sa atin.Marunong din silang magmahal, magalit, matuwa, malungkot atbp. Hindi sila hiwalay sa lipunan bagkus ay repliksyon lamang ng marami sa atin.Halimbawa si Bentong, isang probinsyano ay nagpaalila para matupad lang ang kanyang kinalalagyan ngayon. Halimbawa uli, si Nora Aunor, noong wala pa siya, ang mundo ng showbiz ay pinaghaharian ng mestiso at mestisa. Subali't binasag niya ang kalakarang ito. Ang masa sa kanya ang nagluklok sa pagiging superstar dahil nakikita nila ang kanilang sarili sa kanya na mayroon lamang ordinaryong hitsura.
Para kay Villasanta ang showbiz ay may bahid pulitikal at hindi ito hiwalay sa isa't isa. Totoo nga naman dahil ang mga pulitiko ay ginagamit ang showbiz para isulong ang kanilang karera sa pulitika. Gayundin naman ang mga artista ay ginagawing bentahe ang pagiging arrtista para makapasok sa pulitika. Binigyan din niya ng katuturan na ang showbiz ay hindi lang pang-aliwan kundi ito rin ay instrumento sa paghubog sa isipan ng mamamayan. Katulad noong panahon ni Lino Brocka na ang pinapaksa ng kanyang mga pelikula ay patungkol sa kung ano'ng lipunan mayroon tayo.
Isa lang ang sigurado ko sa librong ito, na kapag binasa ng iba ay pihong mag-iiba ang papanaw nila sa showbiz.
Si Villasanta o mas kilala sa tawag na Tito Boy ng mga malalapit sa kanya ay isa sa mga nagsimula ng movie reporting sa telibisyon (TV Patrol). Kasabayan siya nina Angelique Lazo, Mario Dumawal at Lhar Santiago. Bukod sa pagiging magaling na showbiz tv reporter siya rin ay isang mahusay na editor, host sa mga radio program na pang-showbiz., stage director at iba pa.
Sadyang napakainam basahin ng libro ni Villasanta dahil mayroon itong haplos ng kasaysayan sa paglilimbag ng iba't ibang uri ng babasahin sa Pilipinas. Siyempre kabilang na rin ang kasaysayan ng telibisyon, diyaryo at radyo. Hinimay din niyang mabuti ang sitwasyon ng mga artista mula noon hanggang ngayon. Para bang inililipad ka sa nakaraan tapos bigla ka niyang ibabalik sa kasalukuyan. Maging ang pinagmulan ng mga movie press organization at award giving body sa atin ay kanya ring inilahad.
Para kay Villasanta ang tsismis ay 'di lang basta sabi-sabi dahil ito ay may butil ng katotohanan. Kumbaga kapag may usok ay may apoy at hindi maituturing na intriga lamang gaya ng naging palasak na kahulugan nito. Ipinaliwanag pa nga niya na ang pinagmulan ng salitang tsimis at kung paano nagbago ang kahulugan nito sa paglipas ng panahon. Kung minsan nga ang tsismis pa ang pinagmumulan ng isang lihetimong balita. Samantalang ang mga artista para sa kanya ay hindi lang basta produktong ibinebenta bagkus ito ay tinitingnan niyang hindi iba sa atin.Marunong din silang magmahal, magalit, matuwa, malungkot atbp. Hindi sila hiwalay sa lipunan bagkus ay repliksyon lamang ng marami sa atin.Halimbawa si Bentong, isang probinsyano ay nagpaalila para matupad lang ang kanyang kinalalagyan ngayon. Halimbawa uli, si Nora Aunor, noong wala pa siya, ang mundo ng showbiz ay pinaghaharian ng mestiso at mestisa. Subali't binasag niya ang kalakarang ito. Ang masa sa kanya ang nagluklok sa pagiging superstar dahil nakikita nila ang kanilang sarili sa kanya na mayroon lamang ordinaryong hitsura.
Para kay Villasanta ang showbiz ay may bahid pulitikal at hindi ito hiwalay sa isa't isa. Totoo nga naman dahil ang mga pulitiko ay ginagamit ang showbiz para isulong ang kanilang karera sa pulitika. Gayundin naman ang mga artista ay ginagawing bentahe ang pagiging arrtista para makapasok sa pulitika. Binigyan din niya ng katuturan na ang showbiz ay hindi lang pang-aliwan kundi ito rin ay instrumento sa paghubog sa isipan ng mamamayan. Katulad noong panahon ni Lino Brocka na ang pinapaksa ng kanyang mga pelikula ay patungkol sa kung ano'ng lipunan mayroon tayo.
Isa lang ang sigurado ko sa librong ito, na kapag binasa ng iba ay pihong mag-iiba ang papanaw nila sa showbiz.
Saturday, February 16, 2008
Text kowts Naman D'yan!

Simula nang mauso ang cellphone ay kasabay na rin dito ang pagkalat ng mga forwarded messages o mga text quotations. Hindi ba’t halos araw-araw ay nakatatanggap tayo ng text kowts mula sa ating mga kakilala? Nariyan ang tungkol sa love, friendship, inspirational, jokes at iba pa. Lumaganap ito hindi dahil sa tinatamad tayong mag-isip ng isusulat kundi isa itong paraan para iparamdam natin sa isang tao na naaalala natin siya. Maari ring isa itong uri ng pagpapahiwatig yamang akma naman ang mga mensaheng ‘ready-made’ para sa mga taong pagpapadalhan. Isa pa, madali lang tayong maka-relate dahil pangkalahatan naman ang mga naturang mensahe. Higit sa lahat, talaga namang nakakalibang magbasa ng text kowts dahil lutang na lutang hindi lamang ang emosyon kundi ang sining mismo ng mga salita, kahit sabihin pa ng iba na ang tumatangkilik dito ay walang originality at gasgas na rin sa kapapasa. May mga tao kasi na hindi pinapansin kapag text kowts lang ang natatanggap, pero para sa karamihan ay in na in ito. Kahit nga wala ng pag-usapan basta magpalitan lang ng mga text kowts, ayos na!
Kaya naman ang inyong ligkod ay na-inspire na gumawa ng libro hinggil sa text kowts, na may pamagat na TXT 2D MAX. Ang librong ito ay sinulat para talaga sa mga taong mahilig sa text kowts. Batid kong likas na sa mga Pinoy ang pagiging sentimental kaya’t lahat halos ng paksa rito ay tungkol sa pag-ibig. Ang kaibahan nito sa ibang libro ng text kowts, ang TXT 2D MAX ay medyo poetic.
Kaya naman ang inyong ligkod ay na-inspire na gumawa ng libro hinggil sa text kowts, na may pamagat na TXT 2D MAX. Ang librong ito ay sinulat para talaga sa mga taong mahilig sa text kowts. Batid kong likas na sa mga Pinoy ang pagiging sentimental kaya’t lahat halos ng paksa rito ay tungkol sa pag-ibig. Ang kaibahan nito sa ibang libro ng text kowts, ang TXT 2D MAX ay medyo poetic.
Nagpapasalamat ako sa PSICOM, sa pagbibigay-daan para malimbag ang aking libro. Sana ay inyong suportahan. Maraming salamat.
Wednesday, February 13, 2008
Bob Ong experience

Ibang klase talaga si Bob Ong, talagang sikat ang awtor na ito lalo na sa mga kabataan. Dahil kapag nagagawi ako sa National Bookstore ay bukambibig lagi ng mga tinedyer ang kanyang mga libro. Ang mga librong kanyang isinulat ay ang mga sumusunod: Bakit Baligtad Magbasa ng Libro Ang Mga Pilipino, ABNKKBSNPLAKO, Paboritong Libro ni Hudas at Stainless Langgonisa. Itong huli niyang libro ay nasa Top 3 ng Best Seller ng NBS sa Non-fiction category nito lang taong 2006.
Malakas ang kanyang karisma sa mambabasa dahil matatawa ka habang binabasa mo ang kanyang mga libro. Mahilig siya sa kuwentong barbero o mga istoryang panay kalokohan. Nasapul niya ang kiliti ng Pinoy; ang pagiging masiyahin. Sa kanya galing ang pariralang, "Bata pa lang ako ay hilig ko na ang magsulat. Katunayan kumita na ako rito at ito ang naisulat ko na kumita talaga ako- ICE FOR SALE." Ikinukuwento lang naman ni Bob Ong ang kanyang mga karanasan noong nag-aaral pa siya sa elementarya o dili kaya ang buhay niya bilang tao. Sa pamamagitan nito ay makikita natin ang ating mga sarili sa kanyang mga isinulat. Dahil ang kanyang karanasan ay maaaring maging karanasan din natin. Ang kanyang mga akda ay kalokohang may kabuluhan dahil ginamit niya ang pagiging komikero para magbigay din ng opinyon sa mga usaping panlipunan. Gaya ng takbo ng pelikulang Tagalog, ang pagkakaroon ng brain drain sa bansa at marami pang iba. Pinuna din niya ang mga negatibong ugali o kagawian nating mga Pilipino. Nangangahulugan lang na seryoso siya sa mensaheng inihahatid niya sa mga mambabasa. Marahil ay upang mapagtawanan natin ang ating mga kahinaan para kahit paano ay mamulat tayo.
Bilang manunulat ay 'di lang sa iisang genre nakakawing si Bob Ong. Sinubukan din niya ang fiction kaya nga nabuo ang Alamat ng Gubat na mala-parabula ang dating. Ito ay tungkol sa adventure ng batang talangka na si Tong
sa loob ng kagubatan para hanapin ang puso ng saging na makagagamot sa ama niyang may sakit. Pero simbolismo lang ito ng agawan ng teritoryo, ng panlilinlang, pagpapahalaga sa kapangyarihan; kung saan ang malalakas ang nakapananaig.
Siyempre, ang pinakagusto ko sa kanyang mga libro ay ang Stainless Langgonisa dahil tinalakay niya rito ang buhay ng manunulat. Mula sa pagbuo ng libro, ang hirap para ma-publish maging ang pananaw ng iba sa manunulat. Kung mayroon mang dapat matutunan ang mga manunulat sa kanya ay ang pagiging simple sa paraan ng pagsulat para maunawaan ng lahat.
Subscribe to:
Posts (Atom)