Nakaukit ng malalim sa aking dibdib
Sa pagdaloy ng ugat ay sumasanib
Talagang pag-ibig ay mistulang karayom
Sa sarili'y walang awang ibinabaon
'Pagkat napakabrutal nitong pagmamahal
Katawan ko'y tila hinihiwa ng punyal
Ikaw mismong lumilikha ng 'yong sugat
Ginuguhitan at kinakalkal ang balat
Tinitiis ang dugo habang naghahapdi
Isipin lang kita sakit ay napapawi
Katotohanang ako ay isang bilanggo
Wal;ang layang matamo't laging nakadungo
'Pagkat sa damdaming ito ay nakakulong
Dalisay na batik sa puso'y suson-suson
'Di mababagsik na hayuop ang nakaburda
Kundi maamo mong mukhang gaya sa ada
Nagdarasal sa gitna ng pananahiimik
Kay Cristo na sa ulo'y may koronang tinik
Nakatatoo sa isipan ang pananalig
Na ako sana'y magawa mo ring maibig
Kahit burahin ito ng buto ng kasoy
Tatoo ng pag-ibig 'di na maitataboy,
Tanggalin man sa pamamagitan ng gatas
Pasuin ng sigarilyo't makina'y ikaskas
Larawang-guhit ay lalo pang mag-iigting
Tatoo itong makulay kahit na maitim
Kung baga sa tatoo mahirap nang alisin.
No comments:
Post a Comment