Saturday, April 4, 2015

NeoMich Sex Scandal, Gawa-gawa nga lang ba?


                Pagkatapos pumanaw ni Jam Sebastian ay samu’t saring negatibong isyu ang nagsipaglabasan laban sa ka-love team nito na si Mich Liggayu. Nariyan na ang pakikipag-date niya diumano sa baguhang singer na si Neo Domingo. Nariyan din ang pag-iingay ni Mich sa ospital habang nakaratay si Jam. May lumabas din na isyu na may alitan sila ng ina ni Jam at ang pinakabago ay mayroon diumanong NeoMich sex scandal. Ito ay matapos na may kumalat na larawan sa internet kung saan ay makikitang hinahalikan diumano ni Neo si Mich habang ito ay tulog.

                Mariing inabaluaan ni Mich ang pagkakaroon niya ng relasyon kay Neo. Kaibigan lang diumano niya ito at hindi totoo na nanliligaw ito sa kanya o ‘di-kaya’y naging sila na. Nalulungkot ang dalaga dahil marami ang nanghuhusga sa kanya kahit wala namang katotohanan ang balita. Sinabi ng kampo ni Mich na ang nasa larawan na kumakalat sa internet na nagsasabing mayroon silang sex video ni Neo ay lalong walang katotohanan. Gawa-gawa lang ito ng mga taong gusto siyang siraan o pabagsakin.


                Ang pekeng NeoMich sex scandal video ay unang namataan sa isang website. Ang lalaki sa larawan ay hindi sina Neo at Mitch, sa halip sila ay sina Albercas Ripdos at Stace Philip Cervantes. Ang larawan ay bahagi lang ng video na may titulong ‘How to Wake Up Your Girlfriend Properly at ito ay inupload ni Cervantes. Maliwanag na peke nga ang sex scandal video at hindi rin ito video scandal ng kung sinuman.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...