ang nabilang ng matinding pagkainip
sa napakabagal at mabilis na
pagtakbo ng daigdig?
Mas marawal pa sa pagbibilang ng poste
'Pagkat kay bilis ng takbo sa kabila
ng pag-atake ng trapik
at masining na pasingit-singit
'Di mo mapigilang magpa-andar
Habang ang sarili'y tila natadtad
ng mortar sa pagkatigagal
Marahil hilo na sa dyip
at kotseng sandamukal.
Habang sila'y walang sawang nag-uunahan
sa sala-salabaat na patutunguhan
Para kang sbit na nakasalmpak
sa istribo
Habang ibililipad ng hanggin ang buhok sa ulo
Gusto mo ring magpaharurot ng kotse
Makipagkarerahan sa matataas ang ere
Gayung buhay para sa iyo'y napakabagal
Usad-pagong ang takbo subali't napapagal
Balintuna ka sa nakamulagat mong
paghimlay.
Mas mainam nga sigurong magbilang ng tupa
Habang pinipuyat ang sarili sa wala
Namumuti na ang mga mata
Lumalaki ang butas ng ilong sa pagsinghap
ng usok mula sa tambutso
Hanggang sa ang isip ay marindi
sa busina ng mga palalong drayber
Ngunit mistulang walang mawatasan
Sa maigting na buhaay-laansangan
Sige, bilang pa rin ng bilang
Hanggang sa lumagpas ng isang daan.
No comments:
Post a Comment