Ngunit may tina naman buhok na tinataglay
Ang Pilipino nga ba ay napakahusay?
Mga gawi ng dayuhan ginagayang tunay.
'Di yata't Pilipino ka lang na naturingan
'Pagkat Pilipinas ang bansa mong sinilangan
Ngunit wala kang sariling pagkakakilanlan
Maging ngalan ng bayan gagad pa sa dayuhan!
Pilipino ka nga bang hilig ay makiuso?
Mga galing sa kanluran iyong paborito
Hayan nga, nguso at dila mo ay kinakalyo
Sa kapupuri mo sa iyong mga idolo.
Tanong ko lang, sino ang tunay na Pilipino?
Ikaw bang nag-i-englis, daig pang "Merikano?"
Nunit sa sariling wika ay mistulang bobo
Ang 'di marunong sa Ingles iyong iniinsulto!
Hoy! Pilipino ka nga ba o isang banyaga?
Ba't pinanggalingan mo iyong ikinahihiya
Dahil ba marami sa atin ang salaula?
Walang disiplibna't mas mahirap pa sa daga!
Para sa 'yo mga dayuhan ang mas magaling
Sa bansa nila tayo lang ay alilang-kanin
Maging sa sariling bayan ay alipin pa rin
Impluwensya ng dayuhan kumukontrol sa 'tin.
Ito ba ang mga nais mong ipagyabang?
Ang tumalikod sa totoo mong katauhan
Tunay na Pilipino mahirap ng malaman
Sariling atin matagal nang natatabunan!
No comments:
Post a Comment