Kasing lalim ng kinakatha n'yang tula
Kapag nangusap pihong manunuot sa diwa
Pag-iisipan nang husto bago maunawa.
Ang pag-ibig ng makata ay 'di manggang hilaw
Na sa alamang at bagoong isinasawsaw
Hinog na hinog na ito at napakadilaw
Matamis sa panlasa't walang makakasapaw.
Ang pag-ibig ng makata ay abot hanggang langit
Mahirap matanaw kahit titigan mang pilit
Ngunit kasama lang pala at 'di nawawaglit
Pag-ibig niya ay walang katapusang awit.
Makata'y walang tumatagingting na salapi
'Di tulad ng iba yaman ipinamamarali
Ang kaya lang maialay ay tulang hinabi
Ngunit sa puso'y naghahatid ng luwalhati.
Ang damdamin n'ya'y dagat na nag-aalimpuyo
Tila pagsalpok ng alon na ayaw huminto
'Di ito tulad ng ambon na pabugso-bugso
Dumadaan lang sandali sabay maglalaho.
Sa pag-ibig ng makata ikaw'y makakaasa
Matapat ang pagtingin gaya sa kanyang musa
Habambuhay na nasa puso't inaalala
Walang pagkakupas, nagmamahal sa tuwina.
Kung iibig ka rin lang makata ang piliin
'Pagkat mabuti't malinis ang kanyang hangarin
Sa bawat sandali ikaw lang ang iisipin
Ang pag-ibig n'ya sa iyo ay laging papaksain...
No comments:
Post a Comment