Saturday, September 8, 2012

Bio-eulogy ni Tado Jimenez: Ang librong Akala Mo Pampatay Pero Pambuhay Pala

Kilala ng marami si Arvin ‘Tado’ Jimenez bilang isang mahusay na komedyante at bukod dito ay isa ring disc jockey. Isa rin siyang negosyante, siya ang nagmamay-ari ng Limitado na ang pangunahing produkto ay mga damit na may naiibang disenyo. Pero bukod dito, marahil ay di nila alam kung sino nga ba si Tado Jimenez? Una siyang nakilala bilang makulit na karakter sa Brewrats na napapanood noon sa UNTV.

Nang una ko siyang mapanood ay napapa-tado na lang ako dahil ang kanyang mga tanong sa kanyang mga iniinterbyu ay pinagloloko lang niya. Pero yun ang nagpapaganda sa show. Buhat noon ay di na napigilan pa ang kanyang pagsikat. Sino ba naman ang di makakapansin sa kanyang naiibang hitsura? Long hair tapos makapal ang salamin na parang rockstar pero may pagka-kengkoy. Sa sobrang lakas ng dating ay maraming gumagaya.

    Kung di mo pa siya nakikilala ng personal ang ikalawang niyang libro na ang magpapakilala sa iyo kung sino nga ba talaga siya? Sa tema pa lang ng libro ay mababasa mo na talagang kakaibang mag-isip si Tado. Buhay pa pero gumawa ng ‘tribute’ para sa kanyang sarili. Karaniwan kasi ang eulogy ay para lang sa patay. Pero sabi nga sa subtitle ng libro ni Tado, "all about myself, not yours". Kaya walang basagan ng trip.

    Madalas nating naririnig ang iba na nagbibigay pugay sa magagandang nagawa ng isang yumao. Pero kahit anuman ang magagandang salitang ating ipukol sa yumao ay ‘di niya ito maririnig. Sa totoo lang, noong nabubuhay pa ay wala namang gaanong pumupuri sa mga nagawa niya. Ang tanong, hindi ba natin ito puwedeng gawin habang buhay pa ang isang tao? Hindi yung nakikilala lang natin nang husto ang isang tao kapag ikinukuwento na ng iba.

    Kung sa una niyang libro na Nag-Iisa Lang Ako (Ang Ikatlo sa Unang Libro) ay nakilala natin siya. Sa bago niyang libro, mas makikilala pa natin siyang mabuti. Bukod sa sarili niyang kuwento, mas makikilala natin siya base sa pananaw ng mga taong kanyang nakasalamuha, mga naging kaibigan at iba pa. Maging ang inyong lingkod ay mayroon ding tribute sa kanya. Long live Tado Jimenez!

Para sa iba pang artikulo kay Tado Jimenez.

3 comments:

Anonymous said...

RIP TADO!

Anonymous said...

rip tado

Anonymous said...

Shet tado talaga si tado :-( kaya naman pala siya namatay ng maaga gumawa na sya ng eulogy nya :-( premonition baga.. rip tado.. prayers for you and your family..

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...