Saturday, August 25, 2012

Wakapak (Ang Astig at Epal na Superhero)

Marami na ang mga superhero ang naglitawan mula kina Super Man, Batman, Wonder Woman at iba pa. Pagdating sa atin, and'yan sina Darna, Captain Barbell, Panday at marami pang iba. Dumadagdag na lamang si Wakapak sa kanila na isinulat ni Boy T. Lahat ng mga nabanggit na superhero ay may taglay na espesyal na kapangyarihan pero pagdating kay Wakapak ay wala. Kaya't paano niya magagawang magligtas?

    Sumisimbolo lamang si Wakapak sa atin na isa lamang ordinaryong tao. Marami ring kahinaan at kung minsan ay pumapalpak pa. Lakasan lang ng loob ang kailangan. Pero hindi hadlang ang mga ito kung gusto talagang makatulong sa kapwa. Dahil lahat tayo ay may kakayahang tumulong sa anumang paraan kung gugustuhin lang natin. Pero sa lipunan natin bagama't tumutulong ka na ay lagi pa ring may nasasabi ang iba. Ito ang pilit na nilalabanan ng ating bida. Wala siyang pakialam kahit pagtawanan man siya ng ibang tao. Higit na mabuti ang kanyang ginagawa kaysa mga taong walang pakialam sa kanilang kapwa.

     Sa librong ito ay matutunghayan din ang kuwento ng pag-ibig ng ating bida sa kanyang ultimate crush na si Pepay. Pero paano siya mapapansin ng dalaga kung hindi siya ang tipo nito? Magagamit ba ni Wakapak ang kanyang pagiging superhero o baka naman makagulo lamang ito? Lalo na't may isang Ms.Aquarius na umeksena na malakas ang sex appeal. Basahin at namnamin ang nilalaman ng librong ito na tiyak na inyong mamahalin.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...