Mahal, kaisntaklas ka ng sundang
Na walang tetano at kalawang
Ang tulad mo ay walang pagkakupas
Lalong nahahasa sa bawat oras.
Araw-gabi kita'y baon-baon
Tulad ng kutsilyong pamproteksyon
'Pagkat ikaw ang aking kalasag
Sa bawat panganib 'di matitinag.
Mangingilag yaong sa pag-ibig nati'y
gustong humarang
Kapag nariyan ka'y walang katatakutan
Ngunit ako'y 'di na magiging handa
Sa sandali na ikaw na ay nawala
Magiging duwag na lang mistula
'Pagkat ikaw lang ang tanging sandata.
Oo, kumikislap ka sa liwanag at dilim
Na nag-aalis ng paninimdim
Pinuputol mo ang kahinaang angkin
Maging dugo kaya kong papatakin!
Paminsan-minsan ako ri'y nahihiwa
Sa dibdib ko may sugat kang nalilikha
Ngunit ito'y sadyang binabalewala
'Pagkta sundang ng pag-ibig
ay laging may dalawang mukha--
Ang katatagan at pagluha!
No comments:
Post a Comment