Saturday, February 16, 2008

Iskor

Binabasa natin ang patlang na nakapagitan
Sa ating nanlalamig na katauhan
Upang lalong mag-init ang nakalalapnos
na araw
Habang nag-uumigting na damdamin
ay nalulusaw
Namamasdan ko ang kulay rosas mong
pisngi
Puro tamis ang sa bibig ko'y namumutawi
Naghahanap ng damping mariin ang
'yong labi
Pinabubula ko ang aking laway
Nanunuot sa iyong dilang laging
sabik sa paghihintay
Naglalaro tayo na tila batang
walang malay.

Kung mababatid mo lamang ang
'di malirip na ligaya
Ang ningning na umiilaw sa
aking mga mata
Umiikot-ikot mapapilik-mata't retina,
Nababatid kong isa kang ada
Naeengkanto ako sa taglay mong
mahika
Kung umakto parang nakatira
Nakainom ng nakapagwawala
sa sarili na droga
Naninipsip tila bampira.

Naaalala ko pa noong ikaw'y
una kong hagkan
Medyo may nerbiyos na pumipitlag
sa dibdib na kinakabahan
Naaala ko pa ang madidilim
na sinehan
Buhay natin puno ng romansang
puno ng kainaman
Ngayon tayong dalawa'y muling
magkakadaumpalad
Ang iskor na kakaiba aking igagawad...

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...