Nag-aanyaya na dito'y pumarine
May kinang na dulot batong paracale
'Pagkat may sigla matututukang poste.
Nangalisaw sa kalye ang mga diwata
Namugad silang naghahanap ng laya
Pinalipad sa ulap ang kaluluwa
Habang bugso ng damdami'y umaalagwa.
Dito'y walang halaga ang mga bulaklak
Bango'y sinisimsim hanggang sa huling patak
Malilikot na kamay silang pumupulak
Sa kanilang dibdib at puson umaapak.
Mga dating kristal dito'y pawang nabasag
Iniingatang hiyas ay nagkaroon ng barag
'Pagkat ginto at salapi ang pambulag
Nilang mga nagpapaalindog ng bayag!
Saan nga ba patutungo ang 'yong daan?
Kung kinabubulusuka'y kadiliman
Bigay mong liwanag sadyang napakalamlam
Matapos mapagbigyan init ng pag-asam.
Bakit 'di mo papurukin ang matutulis?
Hiwain ng matalas na kampilan o kris
O, abala na pagsapit ng alas-sais
Lahat sila ay tinatanggap mo, Kalye Diyes!
No comments:
Post a Comment