'di sa ilog ng kamusmusan
kundi sa tubig ng kasariwaan
na kaganapan ng aking pagkatao
'Pagkat sa sandaling ito'y nagbubungkal
ng basal na lupa
Dito'y luoy ang talulot ng bulaklak
Nanginginig kong mga daliri ang pumupulak.
Pumipintig ang ritmo ng pag-asam
Inaawit ng kanaryo ang 'yong ngalan
Kay sarap kamtin ng kasarinlan
Sa mararahas na pagdaloy
ng kalungkutan.
Pikit-matang ninanamnam sa diwa
ang ganda mong sumasanib
Aalun-along buhok at malulusog
na dibdib
Matambok na laman ng
kapupuklong mais
May liwanag na iginuguhit
na likha ng silahis.
Parang sanggol na nangungulila
sa suso ng ina
Hanap ko ri'y init ng iyong pagkalinga
Maiiwan akong walang salwal
May puting talinghagang iniluluwal.
No comments:
Post a Comment