Sunday, February 17, 2008

Tanaga sa Sangkahayupan

1. Pusa
Huwag kang padadaya
Sa iyong nakikita
Dahil nagsasapusa
Ang taong walang awa.

2. Aso
Ingat sa asong kalye
Nangangagat 'yan p're
Marami ang salbahe
Hilig manabotahe.

3. Unggoy
Ulo ay kinakamot
Ang kuko'y kinukutkot
Talagang nakayayamot
Nagmumukha ng engot.

4. Baboy
Yak, napakaburara
Masasagwa ang gawa
Matapang na sikmuraKumakain ng suka.

5. Ahas
Mabagsik ang kamandag
Huwag paduwag-duwag
Durugin pa ang bayag
'Pag nag-ahas ang kumag.

6. Buwaya
Parating nakanganga
Gustong makabiktima
Huwag tatanga-tanga
May b'waya sa kalsada.

1 comment:

bunso said...

elow po! ang galing naman po ng blog mo! namiss ko na gumawa ng mga tula at tanaga! hmm..kung marami na kong time, basahin ko po mga gawa u ha...

"bj"

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...