Saturday, November 15, 2014

Paolo Bediones, Nagsalita na Hinggil sa Kanyang Sex Video Scandal

 
               Sa wakas ay nagsalita na rin si Paolo Bediones hinggil sa kanyang kinasangkutang sex video scandal kasama ang isang babae na hanggang ngayon ay di pa rin nakikilala ang pagkakakilanlan. Sa panayam ng Star Talk na umire noong Nob. 15,nagpahayag ang dating TV host ng pasasalamat sa mga kasamahan sa media dahil ‘di siya nakarinig ng mga panghuhusga mula sa kanila.
                Sinabi rin ni Paolo na hindi biro ang kanyang pinagdaanan dahil sa eskandalo. Marahil kung wala diumano siyang tiwala sa Diyos ay baka di niya kinaya ang pinagdaanang pagsubok. Kaya’t patuloy lang ang buhay at nagawa na rin niyang lumantad sa publiko matapos ang ilang buwan ng pananahimik. Sa kasalukuyang ay abala siya sa pag-aasikaso ng kanyang business na may kinalaman sa pagkain. Sinabi rin niya na natuto na talaga siya sa nangyari at kung sakali mang di siya natuto ay karapat-dapat lang na maulit sa kanya ang iskandal
                Pursigido si Paolo na panagutin kung sino man ang naglabas ng kanyang sex video sa internet. Hinihiling niya sa awtoridad na tutukang mabuti ang kanyang kaso. Bagama’t batid niyang ‘di pa ganun kapulido an gating teknolohiya para habulin ang mga gumagawa ng krimen sa internet. Ito ay para na rinmatigil ang ginagawang pambibiktima ng ilan sa mga celebrity at kilalang mga tao. Bukod kasi sa kanya ay marami na ring nabiktima gaya niya na lumabas ang video scandal sa internet.

                Naniniwala si Paolo na madali lang namang sugpuin ang ganitong klaseng krimen. Ang kailangan lang ay may masampolang isa. Kapag may nakita kasing nakulong ang iba ay magsisilbi itong babala para sa iba at posibleng ‘di na sila maglakas ng loob na magpakalat ng video scandal ng iba. 

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...