Sunday, February 17, 2008

Haiku-langot (Tulang Balu-baluktot)

1. Di makangiti
Ang suklay ay nabungi
Buhok nagbigti.

2. Kinis ng ulo
Bago pa ang pustiso
Dyaporms si lolo.

3. Bangkay nabuhay
Sa kawalan ng malay
Naghahayahay.

4. Awit-amihan
Alay kay habagatan
Buhawing ewan.

5. Balat ng saging
Naapakan ng lasing
Wanted si Matsing.

6. Gulong ng gulong
Nadagananan ang pagong
Di makasumbong.

7. Nagbalat-ahas
Hawak supot ni Hudas
Ng talipandas.

8. Oi! Haiku-langot
Binalu-baluktot
Daliring pingkok!

2 comments:

b3ll3 said...

miss ko na talaga ang haiku! matry nga hehe...

itlog na pula
pati kamay namula
alat sa dila.

whahaha!ewan! galing mo po talaga! handsdown!

Unknown said...

Thanks bunso dalaw-dalaw lang d2.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...