Saturday, February 16, 2008

DTX 50

Parabula
Parabula sa gilid ng mga mata
Sabay sa hagalpak at nakatutuyang tawa
Sa pagbukas ng kurtinang maskarang
May larawn ng duwag na pakikibaka
Laban sa gamot ng tulog na esensya
Habang dumudungaww ang hilahod na haraya.

Bumubula, bumubulang sabon
Ito ba'y epekto ng kumukulong lason
Sa kanyang tahimik na pagdaluhong
Agawan ng ligalig at hinahon
Sa pagitan ng mga diwang naguguttom
Habang mga kataga'y bumubulong
Sa kawing ng baaluktot na daantaon.

Lisol ba o eter ng pagtuklas?
Ang magbibigay ng kalayaang-basbas
Sa yugto ng mahihirap na pagtakas
Aling mabisang gamot ang magbibigay-lunas?
Sa alimuom na sakdal-tigas na batas,
Sa makikipot at 'di mahawang landas.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...