Nagsisentiyemento't nag-aalburuto ang pader
Sa mga bandalismong nagmistulang sticker,
Sa mga graffiti na dumungis sa mukha't dibdib
Nababoy tuloy ang maputi niyang katawan
Na dati-rati'y kay linis na kabuuan
Sa puro at napakapurong pintura
Ngunit ngayo'uy tila natapunan ng grasa
At kulay pulang kasing tingkad ng dugo
ni Dracula
Parang damit na natadtad ng mantsa
Parang batik ng tatttoo na ibinurda
Kaanyuang nilagyan ng lantad na maskara.
Samu't saring drawing ang ibinabando
Mga kengkoy at kangkarot na tao
Mga bastos na larawang-anino't
Replika ng sungayang mukha ng diablo;
Sa mga babalaang bawal magtapon
ng basura't bawal umihi dito
Paalala sa mahihilig magkalat
Ngunit katawan mo ang unang binylatlat;
Mga nagmumurang wika ng pagkamuhi
Na 'di mo maugat ang sanhi
Tulad ng mga sulaat sa banyong marurumi
Sagutang tirahan ng mga salitang umaatake
Nakabuburat ang mga salitang nagpapapansin
Sa bawal at libreng adbertisment'
"Ang pader ay 'di nilikha para sa laya
May tamang lugar para sa guhit at kataga."
Ito ang sabi ng pader sa umid niyang dila.
May pintura rin ng mabibigat na perpektiba
Ibagsak! Ibagsak ang mga Imperyalista!
Kung minsa'y nangangampanya sa pulitika
'Di malaman kung nakakapagpasmulat
o nakabibigat sa kinukulabang mga mata
Tanghalan ng iba't ibang paniniwala
Sa lipunang atubili sa pagkaaligagaa.
Pader, narinig ang hibik mo ng MMDA
Kaya't ginuhitan ka ng ssamu'tt saring kulerete
May adorno ka ngayon ng maayos na sining
Pinupunasan ang mukhang tigmak ng uling
Ngunit mga graffitti man ay pinuksa
Mayroon at mayroon pa ringg magsasalaula
Sana nakasulat sa iyo'y panay tula
Tulad ng buhay na nasa dulo ng dila
Tulad ng graffitti na kumakawala.
No comments:
Post a Comment