'Pagkat siya ay ako
At ako ay siya
Siya ang aking budhi,
puso't kaluluwa
Salamin ng pagkataong
maraming nadarama't nakikita
'Di tulad nilang minanhid
at binulag ng pangangamba.
Ngunit malaon na siyang
iniluwal ng panahon
At waring ako'y kanya
lamang kampon
Gayunpaman itinuring ko
siyang aking sarili
Na minamahal at laging
iniintindi.
Ako at ang tula ay iisa
Ngunit siya rin ay pag-aari
ng iba
'Pagkat marami kaming
nag-alay ng diwa sa kanya
Oo, 'di lang iisa o dadalawa
May laksa-laksang
persona.
Singlawak ng mundo
ang sakop ng berso
Inaaari maging mikromoso
Isinisilid sa utak ng
maraming ako
Upang tapakan ang mga
sugatang ismo.
Ngayon ako ay hindi na ako
At ang tula ay 'di na rin ako
Dahil ako at ang tula ko
ay nakipag-isa na sa iyo…
No comments:
Post a Comment