Tayo ng maglaro sa bakod ng salita
Na pinamumugaran ng mga himala
Dito'y naggiging tutubi ang elepante,
Nagiging bulate panssit at ispaghetti.
ng puno ay nagsasanga ng tuyong dahon
Bunga'y sariwang prutas na amoy-bagoong
Ugat at katawan ng halaman ay bubog
Mga sunog na damo'y tigib ng aalindog.
Nangalira sa bakod mapurol na tinik
Sarili'y mababalutan ng puting putik
Kay sarap maglaro 'pag habol ka ng itak
'Pagkat dila mo ay lalong namumulaklak.
Kaibigan, sumabay ka sa paglalaro
Habang diwa'y ginigisa sa pagluluto
Dito'y isasalang sa init ang bibig
Upang lagyan ng rekado na pampalamig.
Sa laro natin, sungkutin mo ang bituin
At sa buwan naman tayo maglalambitin
'Di ba't masayang kalaro ang kalikasan?
Mga bata tayo sa puso't pakiramdam.
Sadyang ganyan lang kung paglaruan ang wika
Para tayog nakainom ng tuyo at suka
Ah, 'di tayo naglalaro upang magbiro
Ito'y likhang sining sa pagkukuro-kuro.
No comments:
Post a Comment