Sunday, February 17, 2008

Nakatapak Ako ng Tae

Itoy di dumi ng papawirin
Na inihulog ng bituin
Sa gabing pusikit ang dilim
Walang luwalhati ang ningning,
Walang nabuksang lihim.

Itoy di pagdaragis ng bolpen
Habang nagtatalik sa pagsisilim
O paghahagis ng batot buhangin
Sa puyo ng mahahangin
O sabuyan ng putik at mga pasaring.

Hindi babolgam ang kumapit
sa aking sapatos
Habang sa kalsaday bumubulaos
Sino kayang nagkalat na bastos?
Ng kung anong malatang
di ko kita halos
Ni walang tubig na nagtataboy
at nagbubuhos.

Bulag ang kalawakan
At may piring ang mga matang
sulipat ng karimlan
Na nagpapabuhol sa isipan
Pinasasangsang ang hanging amihan.

Tutunguhan koy masisinsing damo
Kahit ang tubig-bahang nagdideliryo
Nakatapak ako ng tae ng manok,
pusa, aso o tao?
Nagpipista ang samut saring mikrobyo
Sa gabi ng mga peligro!
Report this post to a moderator

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...