Thursday, November 21, 2013

Pagba-blog, May Halaga ba?

                Taong 2008 pa nang umpisahan kong gawin ang blog kong Sanib-Isip at ngayon ay bihira ko na lang ma-update. Pero ‘di naman ibig sabihin na nawala na ang interes ko rito. Nagiging abala lang ako sa ibang bagay. Katunayan, ‘di ito nawawala sa isip ko kaya’t  madalas ko pa ring silipin. Nakatutuwang malaman na araw-araw ay marami pa ring bumibisita. Karamihan siguro ay mga estudyante na nagsasaliksik para sa kanilang asignatura at maaaring naligaw lang din ang ilan. Paminsan-minsan nga ay mga nagpapaalam pa kung puwede raw ba nilang magamit ang aking artikulo. Ang naisulat kong Jejemon:Bagong Wika ng Mga Kabataan ay ginawa pang monologo ng isang estudyante sa kanilang klase. Masaya na ako kapag ganitong may nakikinabang sa mga naisulat ko. Huwag lang aangkinin ang mismong akda katulad ng ginawa ng isang babae na ipinangalan sa kanya ang tula kong Pagtatalik ng Bolpen at Papel na ipinaskil pa niya sa fan page ng Facebook kung saan ay siya ang administrator.

                Marahil ay may mga nagtatanong kung ano ba naman ang napapala ko sa pagba-blog? Siyempre, bilang isang manunulat ay mahalagang maramdaman ang iyong presensya online para na rin makasabay sa agos ng panahon. Para kapag may nag-Google sa iyo ay mahahanap ka nila. Kagaya rin ng sinasabi ng maraming blogger na kaya sila nagba-blog ay para makapag-iwan ng bakas sa mundo. Kumbaga, may ebidensya na nabuhay ka at maaari pang makaimpluwensya sa iba.

                Ang isa pang tanong, ani naman ang naging impact ng Sanib-Isip sa buhay ko? Dahil dito ay naitampok ang inyong lingkod para sa manunulat episode ng Nescafee Classic  sa Kape at Balita, dating programa sa Channel 11. Napadpad kasi ang kanilang researcher matapos mag-search ng tungkol sa Pinoy crafts. Tungkol daw sa OPM music  ang keyword na kanyang tinipa. Pero ang topic nga ay nauwi tungkol sa manunulat matapos niyang mapag-alaman na nagsusulat din ako ng libro.


                 Ang isa pang achievement ay naisama ang artikulo ko na Tabloid: Isang Pagsusuri sa aklat ng panitikang Pilipino para sa Grade 8. Kay sarap isipin na pinag-aaralan ng mga estudyante ang iyong akda. Dati ay isa lamang itong ilusyon ngunit ngayon ay naging ganap na katotohanan. Sino ba naman ako para malagay sa textbook? Nataon lang siguro na naghahanap ang mga researcher ng DepEd ng artikulo tungkol sa kontemporaryong panitikan at sa blog ko sila napadpad. Sa nasabi ring aklat ay nabanggit ang pangalan ko na nagbibigay ng depenisyon sa kahulugan ng ‘dagli’ na sinasabing bagong anyo ng pagsulat ng kuwento. Ito naman ay galing sa artikulo kong Mga Kuwentong Daglisa Nagmamadaling Panahon.

                Masaya rin ako at nakasali ako sa Blogapalooza 2013 kung saan nagsama-sama ang nasa kulang-kulang 500 na most influential blogger para i-blog ang mga  negosyo na lumahok sa naturang event. Naniniwala kasi sila na mabisa ang pagba-blog dahil marami talagang nagbabasa sa Internet. Kaya nga’t ang mga advertiser ay naglalagay na rin ng ads sa mga blog. Napagpagpasyahan kong gumawa ng ibang blog para sa negosyo. Maaari rin kayong bumisita sa http://buhay-negosyo.blogspot.com.

Narito ang Top 10 na may pinakamaraming views sa Sanib-Isip:

      

                

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...