Monday, October 13, 2014

Blogapalooza 2014: Tatlong Taon ng Tagumpay!

         

 
         Noong October 12 ay ginanap ang ikatatlong-taon ng Blogapalooza sa may SMX Convention Center, SM Aura, Taguig City. Ang pagtitipong ito ay naglalayong pagsamahin ang mga business owners at bloggers. Inorganisa ito nina Vince Golangco ng wheninmanila.com at ni Anton Diaz ng ourawesomeplanet. Ang dalawang ito ay kapwa popular dahil sa kanilang mga blog. Kada-buwan ay nakakakuha sila ng million views dahil na rin sa lakas ng impact ng kanilang mga article na ipinu-post.

            Mas malaki ang Blogapalooza 2014 kumpara noong nakaraang taon. Marami kasing nagsipagsaling mga kumpanya rito na umabot sa limampu. Samantalang nasa 700 bloggers ang nag-signed up at halos karamihan sa mga ito ay nagsipagdalo kaya’t naging jumped pack ang venue. Sadyang matindi na nga ang impluwensiya ng mga blogger dahil na rin sa nasa digital age na tayo sa kasalukuyan. Marami ng mga advertiser ang bumabaling sa mga blog para magpalagay ng kanilang ads.

            Talagang nasiyahan dito ang mga bloggers dahil sa dami ng mga freebies na ipinamigay. Nagkaroon pa ng mga pa-raffle kung saan ay magagandang items ang ipinamigay tulad na lamang ng smartphones na gawa ng Acer. Nagpalaro rin sa stage ang Chooks to Go kung saan ay gopro camera ang premyong ibinigay sa nanalo. Bukod sa freebies at raffles, pinatikim din ang mga bloggers ng mga pagkain mula sa Yellow Cab, House of Lasagna, Chips Ahoy, Chef’s Noodles at Krispy Kreeme kung saan ay naranasan pa ng mga bloggers kung paano gumawa ng sarili nilang doughnut.

            Nakakaaliw naman ang naging palaro ng Cooks to Go sa kanilang booth na tinawag nilang Kwela Van. Ang mga kalahok dito ay kailangang gayahin ang kilos ng manok na nasa TV. Ang matataas ang score ay nakapag-uwi ng isang buong roasted chicken. Kung may pagkain ay meron din namang inumin. Ipinatikim sa mga blogger ang beer na ang pangalan ay El Diablo galing sa Indonesia. Ayos ang lasa nito dahil ‘di mapait at ‘di rin naman matamis. Tamang-tama lang ang lasa. Nang tanungin ang promo girl kung bakit tinawag itong El Diablo ay dahil na rin sa mataas ang alcohol content na ito.

            Naging star studded din ang Blopalooza dahil may celebreties na nagsipadalo. Naroon si Bogart da Explorer ng Davao na dumalo rin noong nakaraang taon. Dumalo rin sina Nicolehiyala at Kris Tsuper na nag-promote ng bagong produkto ng Fukuda na CCTV; Bobby Yan na nagsilbing kinatawan ng Dyson at Maxene Magalona na nag-promote ng Flawless na nagbahagi pa ng kanyang ilang karanasan kung paano maging viral sa social media. Dumalo rin si Michele Gumabao ng PBB: All in na nagbigay ng kanyang inspirational talk sa mga blogger. Nagsalita rin si Karen Bordador na isang DJ at modelo at nag-promote ng bagong site na pagmamay-ari niya at  ng kanyang kapatid. Bukod sa kanila ay nabigyan din ng pagkakataon ang mga kinatawan ng iba’t ibang kumpanya na magsalita sa stage para i-promote ang kani-kanilang mga produkto.
             




No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...