Showing posts with label Humor. Show all posts
Showing posts with label Humor. Show all posts

Tuesday, February 3, 2015

Ang Sarap Mong Pisakin

“Akala mo kapag nabigo ka sa pag-ibig ‘yun na ang pinakamasakit. Pero mas masakit pa pala kapag tinubuan ka ng pigsa sa puwet.”
 
    Taena, bakit sa dami ng sakit na dadapo ay bakit pigsa pa? Tapos sa puwet pa tumutubo ang lintek na pigsa na yan? Kapag sinabi mo na meron ka nito ay pagtatawanan ka pa ng iba. Naging payaso ka ng wala sa oras. Sila kaya ang magkapigsa sa puwet, tingnan ko na lang kung matawa pa sila. Hindi naman talaga nakatatawa ang pigsa dahil ang sakit-sakit lalo na kapag umuupo ka. Pero paano kaya kung sa dalawang pisngi ng puwet mo ito tumubo? Magagawa mo pa kayang umupo? Ang pag-upo pa naman ang isa sa maituturing na relaxation. Na hindi magawa ng mga sales lady sa mall dahil bawal sa kanila ang umupo habang naka-duty. Pero mas gugustuhin ko pang magkaroon ng kalyo sa paa kaysa tubuan ng pigsa sa puwet.
 
    Siguro ang pigsa ay puwede nang ikumpara sa almoranas. Pareho kasi sila ng teritoryo, e. Pareho silang makapanginig tumbong. Parehong makati at may kirot at hapdi. Madugo nga lang ang isa. Pero iba naman itong almoranas dahil nakukuha ito sa pagkain ng maanghang. Kung papipiliin ka sa dalawa kung ano ang gusto mo malamang ay wala kang pipiliin. Pero ako pinili ko ba ang pigsa kaya nagkaroon ako nito? Ganyan talaga ang bagay may mga bagay na dumarating nang hindi mo inaasahan. Kaya wala tayong ibang maaaring gawin kundi tanggapin ito ng buo sa ating mga kalooban.
 
    Akala ko nung una simpleng kati lang ito kaya ayun kinamot ko. Meron ba namang tao na hindi magkakamot kapag nangangati. Kahit itanong mo pa sa mga taong makakati ang dila at mas makati pa sa higad. Pero nevermind ibang kati naman ang sa kanila. Pero nasobrahan yata ako sa kamot, ang sarap kasi magkamot, e. Naramdaman ko na lang isang araw na parang naging bukol na siya. Ah, iba na ito malamang pigsa na ito. Tama nga ang aking hinala. Ano pa nga ba kung hindi ito pigsa? Alangan namang tumor na ito. Pero meron ba namang nagkakanser sa puwet? E, di ampangit tingnan nu’n kapag tinapyasan.
 
    Putsa nang tingnan ko ang puwet ko mamula-mula na. Para tuloy akong napalo sa puwet. Buti pa yung palo ng nanay ko noong bata pa ako mabilis lang mawala ang pagkapula pati na rin ang sakit. E ito ilang araw din kaya ang itatagal nito? Marami pa naman akong gustong gawin pero di ko magawa. Gusto kong makipagpatentero sa kalsada. Pero mahirap mamaya ay matalo pa ako sa ganitong walang kawawaang laro.
 
    Sa aking pag-iisa, hinahanap ko ang sinasabing mata ng pigsa pero napisak na. Paano hindi mapipisak panay ang upo ko. Ang hirap nung nasa dyip ako dahil panay siksik ng katabi kong pasahero. Mahirap ring makipagsiksikan sa matataong lugar dahil di maiiwasang may makabunggan ka ng puwet. Wala talagang kalaban-laban ang isang tao kapag mayroong pigsa. Mahirap naman kung lagi kang nakatayo siguradong mangangalay ang binti mo. Ganun din naman kapag lagi kang nakahiga mangangawit din ang katawan mo sa kahihiga. Pero mas mabuti na rin ang nakahiga at least di mapipisa ang pigsa. Pero siyempre pag tulog ka na mababago ang puwesto mo. Pero tulog ka naman, e. Paggising mo nga lang balik uli sa daitng sakit.
 
    Ewan ko ba kung bakit ako pa ang napagtripan ng pigsang ito. Putsa, araw-araw naman akong naliligo. Kaya hindi ko puwedeng sabihin na marumi ako sa aking katawan. Pero siguro dala na rin ito ng init ng panahon. Ang hirap talaga ng may pigsa nagmumukha kang penguine na iika-ika kung maglakad. Tapos mapapangiwi ka pa sa sakit. Paano ba naman kapag naupo ka dala ng puwet mo ang bigat ng katawan mo. Plus kung mataba ka pa. Patay kang pigsa ka. Ayaw mo nu’n pisa agad ang pigsa.
 
    Kung puwede nga sanang lumutang na lang ay ginawa ko na. Magpapanggap muna ako na si Chris Angel na mahusay pagdating sa elevation. Pero mabuti sigurong inuman ko na lang ng anti-biotic saka pain reliever kaysa kung anu-ano ang iniisip ko.

First Timer

       Unang beses pa lang niya itong gagawin. Ayaw sana niya pero may kasabihan nga ang taong gipit sa patalim kumakapit. Kung bakit kasi ang hirap maghanap ng trabaho sa Pilipinas. Pikit mata na lang niyang gagawin ang mandukot. Bahala na kung magaya man siya sa mga napapanood niya sa TV na kung hindi nakakalaboso ay mga nababaril naman. Suwerte-suwerte lang naman yan, e.

    Katanghaliang tapat nang maisipan niyang gumawa ng krimen. Wala naman kasing pinilipiing oras ang pandurukot. Mainam na rin ang ganito dahil walang gaanong naglalakad sa kalsada. Walang taumbayan na manggugulpi sa kanya. Di pa nagtatagal sa pag-aabang ay may nakita siyang babae na nag-iisa lang at may hawak-hawak na cellphone. 
Di na siya nag dalawang-isip pa at agad na hinablot ang cellphone. Mabilis naman siyang nakatakbo papalayo sa babae. 

      Natuwa siya at ni hindi man lang nagsisigaw ang babae. Dumiretso agad siya sa nagba-buy and sell ng mga cellphone.  Kahit bilhin lang sa kanya ng limang daan ang cp ay ok na sa kanya. Sa tingin niya ay mukhang maayos pa naman ito. Di kamukha ng cp niya dati na mukhang pamato sa tatsing. Iniabot niya ito sa bantay ng shop at sinipat na mabuti ang item. Binuksan ang cp pero ayaw gumana. Pinalitan pa ng battery pero di pa rin gumana. "Sira na itong cp mo, brad, ah." Di ba bumibili rin naman kayo ng sirang cp?" Desperado na talaga siyang magkapera. "Ano boss, magkano mo kukunin 'to?" "Singkuwenta." Parang gusto niyang maiyak dahil yun lang pala ang ang halaga ng pinagpaguran niya. Parang gusto niyang magwala at ihagis ang buwakang cp na nadukot niya. Masama man ang loob ay kinuha pa rin niya ang 50 pesos. May pang value meal na siya.

Smile

     Kanina ko pa napapansin ang babaeng kaharap ko sa dyip na nakatingin sa akin. Tapos medyo ngingiti ngiti pa.  Parang may gusto siyang sabihin sa akin. Di nga lang niya masabi siguro dahil nahihiya siya. Hindi naman kasi kami magkakilala, e.  Wala naman akong muta. Bago ako umalis ng bahay ay humarap muna ako sa salamin kaya't siguradong wala akong muta. Baka naman shoolmate ko siya dati. Gusto niya akong batiiin pero nag-aalangan siya. Hay, pinag-iisip tuloy ako ng babaeng ito. Baka naman may crush sa akin ang babaeng ito. Iba na talaga ang guwapo, bwahaha. Kunsabagay cute naman ang babae. Okay ang face niya at may dimples pa siya ‘pag ngumingiti. 

     Ano kaya kung ako na lang ang unang kumausap sa kanya? Para naman malaman ko kung bakit siya ngingiti-ngiti sa akin. Oo tama malapit na ako sa aking destinasyon kaya't kailangan ko na siyang kausapin. Nginitian ko rin siya. "Hi Miss". Numiti uli ang babae sa akin. “Hello. E, Kuya bukas ang ziper mo?” Pagtingin ko sa pantalon ko nakangiti nga ang zipper ko at parang dudungaw ang ibon na nakatago roon. 

Punas

            Sabik na sabik na siya na mag assist sa tropa niya na isang tattoo artist. Wala naman siyang balak na gayahin ito dahil hindi naman talaga siya marunong mag-tattoo. Kengkoy nga lang ang kanya niyang idrowing. Nawiwili siyang tingnan ang mga disenyong ibinuburda sa kliyente ng kanyang katropa.May mga pagkakataon na naiinggit siya rito lalo na't kapag chicks ang kliyente. Hindi siya naniniwalang walang malisya ang kanyang katropa dahil alam niyang malibog din ito. Ikaw ba naman ang mag-tattoo sa hita, sa tiyan, sa dibdib at sa pigi ng babae ay imposibleng 'di ka tablan? Kahit itanong mo pa sa mga pintor at litratistang ang mga model ay naka-nude. Pero kailangang magpaka-professional ang mga gaya nila at huwag magpahalatang tinitigasan din sila.  Mahirap nang masabihang manyak ng wala sa lugar at baka mawalan pa ng trabaho.
 
          Minsan habang nag-iinuman, sinabi sa kanya ng tattoo artist na isasama niya ito sa pagta-tatto  kapag ang kliyente ay chicks. Wala itong shop kundi sa mismong bahay lang ginagawa at ngayon ay tiyempong nakatambay siya sa bahay ng katropa nang may dumating na isang magandang kolehiya. Narinig niyang magpapalagay ito ng tattoo sa dibdib. 'Yung rosas na paboritong ipatattoo ng kakabaihan. Mistulang tumulo ang kanyang laway sa narinig niyang ito. Binulungan niya ang katropa at nagpresintang gawin siyang tagapunas ng bulak habang nagtatattoo ito. Hindi na importante kung mala-papaya o mala-santol ang kanyang makikita, ang importante ay maging tagapunas siya. Nangako pa siya sa katropa na hindi magiging malikot ang kanyang kamay kumbaga 'no touch' ang kanyang drama.
 
         Pumasok na sa kuwarto ang kolehiyala at ang tattoo artist. Sabik siyang naghihintay na tawagin sa labas. Handang-handa na talaga siya sa kanyang natatanging papel. Sisipul-sipol pa siya habang hawak ang bulak at ang inihanda niyang alkohol. Nai-imagine na niya ang kolehiya na walang damit pang-itaas.  Wala pang isang minuto ay lumabas na ang kanyang katropa. “Ano pare, game na ba?” buong pananabik niyang tanong sa tropa. “P're, dito ka na lang sa labas ayaw ng babae, eh.” Bitin na bitin siyang tinalikuran ng kanyang katropa at napansin niyang grabe ang kanyang pawis at kailangan niyang punasan.

A Brief Story

     Wala na siyang maisuot na brief. Kung meron man ay masyado ng luma. Yung dating puti kundi man nangingitim ay kulay brown na. Habang ang mga de kolores ay pawang kupas na. Ang diyahe ay tastas at butas butas pa ‘yung iba. Pero katuwiran niya ay hindi naman nakikita ang brief dahil nakapaloob naman. Nagtataka nga siya kung bakit ang iba ay ang mamahal pa ng underwear na kanilang isinusuot gayung hindi nakatago lang naman ito.

    Hindi naman siya katulad ng iba na ipinangangalandakan pa ang suot na brief gaya ng mga hip hop. O ng mga babaeng nakasuot nga ng pantalon nakikita naman ang kuyukot. Hindi naman uubra sa kanya ang ganito dahil malalaman pa ng iba na ang pangit ng isinusuot niyang brief. Buti sana kung bata pa siya ok lang kahit walang suot na brief. Paano kung biglang tumayo si dyunyor tapos nasa pampubliko siyang lugar? Ang masama maitutok niya ito nang ‘di sinasadya sa likod o ‘di-kaya'y sa harap ng isang babae. Kung ‘di siya mapagkamalang nangho-hold up malamang ay masampal siya ng wala sa oras dahil aakalaing nambabastos siya.

    Hindi na niya matandaan kung kailan ba siya huling naibili ng brief ng kanyang nanay. Hay, mabuti pa noong panahon ‘di problema ang brief. Nakabahag lang kasi ang kalalakihan. Panahon na siguro para siya naman ang bumili ng brief para sa kanyang sarili. Tutal magkano lang ba naman ang isang pirasong brief? Ayaw naman niyang bumili ng brief na nakita niya dati sa isang tindahan ng ukay-ukay. Isip-isip niya pati ba naman underwear itinitinda pa sa ukay? Lupet. Paano kung may tulo ang dating may-ari ng brief na ‘yun? Nagpasya siyang sa mall na lang siya bibili ng brief. Pagkakita sa isang tindahan ng mga damit ay agad siyang pumasok. Nagtanong siya sa magandang tindera ng bantay ng shop, “Miss, may tinda ba kayong brief?”  “Sir, ano po bang size?” Bigla siyang napaisip sa tanong ng babae. Hindi yata't itinatanong ng babae ang sukat ng kanyang kargada? Maging siya man ay hindi niya alam kung ilan itong pulgada. Basta't para sa kanya ay sakto lang. Sa kanyang pagkakaalam pa, ang karaniwang Pinoy ay di naman kalakihan ang sukat kung ikukumpara sa mga Amerikano. No matter what size nasa performance 'yan, 'ika nga.  Para tuloy gusto niyang manghirap ng ruler at lumabas para mag-CR at sukatin ang dapat na sukatin.

    Sa tagal mag-isip ni Kim ay namulang bigla ang tindera at parang nabasa niya kung ano ang pagkakaintindi nito sa size. “Sir, ibig kong sabihin kung small, medium o large ba ang size ng hinahanap n'yo na brief?” Tatangu-tango si Kim nang maintindihan ang paliwanag ng tindera. Napalingon siyang bigla at ang dami palang mga kostumer na ngingiti-ngiti sa kanyang likuran. Pakiramdam niya ay wala siya ni kahit ni anong saplot sa katawan dahil nahihiya siya sa kanyang kaengotan.

Putol

           “Ari ng kabit ni misis pinutol ni mister”. Punyeta! Ganito ang nakalagay sa headline ng tabloid na nabasa ko. Bigla akong nahintakutan sa nabasa kong ito. Pakiramdam ko para akong nanood ng horror movie. Nagtindigan kasi lahat ng balahibo ko sa katawan. Manginig-nginig ko pang hinawakan ang diyaryo habang binubuklat ang mga pahina para mabasa ang kabuuan ng napakahalagang balita. Hindi dahil nakalagay ito sa headline. Alam ko namang style lang ng mga dyaryo ang paglalagay ng kung anu-anong headline para makatawag ng pansin. Gaya ng babae na nanganak ng isda, bebot na ni-rape ng ka-textmate at kung anu-ano pang kahindik-hindik o kakatwang bagay. Sa dami ba namang kakumpetensiya, kailangan talagang gumimik. Ano ba namang kinalaman nito para sa nasyonal na interes?
 
         Pero sa palagay ko ay napakaimportanteng bagay nga ang headline na ito sa tabloid ngayong araw. Bakit ko naman nasabi?  Simple lang. Dahil ang pinutol ay hindi lamang basta simbolo ng pagkalalaki kundi sentro ng kaligayahan na inaasam ng Eba man o ng tinatawag na ikatlong kasarian. Common, kung ikaw ay lalaki ay gusto mo bang maputulan ng ari? Na kapag naputol ay para ka nang inutil. Oo, buhay ka pa rin naman at makakapagtrabaho pa. Pero para saan pa at natawag kang lalaki gayung putol naman pala ang iyong ari? Kahit sabihin pang mayroon pa namang kamay at dila. Buti pa ang alaga kong aso na si Putol, buntot lang ang wala.
 
    Mahirap yatang magaya sa asawa ni Lorena Bobit na pinutulan ng ari ang asawa. Uubra lang siguro ito sa mga bading na gustong magpa-sex change. Pero sa gaya kong barako, no way! Magkamatayan na kung magkamatayan huwag lang maputulan. Pero sa kabilang banda, naiisip ko rin na makabubuti ito sa mundo kung ang magiging parusa sa mga rapist ay ang pagputol ng kanilang ari. Malamang sa hindi ay bababa ang kaso ng rape saan mang dako ng mundo. Hindi ‘yung nakakabit lang sa dakilang bayani natin ang salitang ‘putol’.- “Andres Bonifacio a tapang a tapong, a putol ulo indi atakbo. A putol a titi a takbo”.
 
        Marahil dala lang ito ng sobrang galit. Pero sa pagkakataong ito ay lalaki ang namutol ng ari ng kalaguyo ng kanyang misis. Ano kaya ang nasa isip ni mister habang pinuputol ang ari ng kalaguyo ng kanyang misis?  Nasa isip niya siguro na kailangang maputulan ng ari ang lalaki para wala nang ibang sandata pang kahumalingan ang kanyang asawa. Napakahirap sigurong tanggapin kapag babae ang nagloko kaysa lalaki na proud pa kapag nambabae. Medyo hindi nga yata patas ang mundo.
 
       Habang binabasa ko ang diyaryo naalala ko ‘yung sinabi sa akin ng girlfriend ko na kapag nagloko ako ay putol daw ang akin. Biro man o totoo nakakatakot talagang isipin na maputulan ka ng ari. Bigla ko ring naalala ‘yung nabalita sa radyo dati na siya mismo ang pumutol sa sarili niyang ari dahil ito raw ang pinagmumulan ng kasalanan. Bigla kong nilamukos ang diyaryo sabay itinapon sa basurahan para ‘di na kung anu-ano ang naiisip ko. Hmm, kumusta na kaya ‘yung lalaking naputulan?
 
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...