Usap-usapan ngayon sa Facebook ang isang lalaki na nasa video na tinaguriang si Boy Kambyo dahil sa kanyang pamboboso sa isang babae sa loob ng dyipni. Bukod dito ay panay din ang kanyang kambyo at tila may kakaibang ginagawa matapos na matangay sa kanyang nakita mula sa babae.
Ang video ay mabilis a kumalat sa
internet matapos itong i-upload sa Facebook. Bago pa lang itong na-upload ay
nakakuha agad ng libu-libong views ang naturang video. Kitang-kita ang mukha ng
lalaki na nasa video na panay sulyap sa katapat niya sa dyipni. Halatang di ito
mapakali kaya’t panay ang kambyo.
Pero sa halip na makakuha ng
simpatya ang babae na nagmamay-ari ng video ay kinaasaran ito ng maraming
netizens. Alam na diumano nito na binobosohan siya pero hindi naman niya ito
sinaway. Sa halip ay vinideo pa niya ang lalaki na tumagal nang mahigit pitong minute.
Pinayuhan ng netizens ang kababaihan na maging aware sila sa kanilang
kasuotan para ‘di sila maging sentro ng
pagnanasa ng kalalakihan.
Sa kabilang banda, meron din namang
ilang netizens na nagsabi na tama lang ang ginawa ng babae para madala diumano
ang mahihilig mamboso sa mga pampublikong sasakyan. Marami kasing mga lalaki na
kung makatingin sa babae ay para nilang hinuhubaran.
Bukod kay Boy Kambyo, kamakailan
lang ay mayroon ding nakunan na video at naging viral sa video. Ang lalaki ay
hindi kumakambyo kundi nagkakamot lang ng parte ng kanyang katawan na kapag
nangati ay mahirap kamutin kapag nasa pampublikong lugar. Kaya’t binabalaan ang
kalalakihan na maging responsible sa ikinikilos dahil sa isang iglap ay
maaaring kumalat ang video mo sa Facebook na may kakaibang ginagawa.
No comments:
Post a Comment