Sangkot ngayon sa kontrobersya ang aktor na si Xian Lim matapos nitong tanggihang i-promote ang lalawigan ng Albay nang siya ay dumalo sa Fiesta Tsinoy Albay. Ayon sa ulat, hindi diumano isinuot ng aktor ang t-shirt na ibinigay sa kanya ng isang staff ng Tourism sa naturang lugar at hindi rin tinanggap ang coffee table book na iniabot sa kanya. Sinabi diumano ng aktor sa harap ng marami na hindi siya naruon para i-promote ang Albay.
Hindi nagustuhan ni Gov. Joey
Salceda ang inasal ni Xian. Sa kanyang Twitter account, ipinahayag ng
gobernador ang kanyang pagkairita sa pagtanggi ng aktor na i-promote ang Albay.
Ipinamukha nito sa aktor na noon pa mang maliit ang kanyang talent fee (75,000
pesos) ay inimbitahan na nila ito sa kanilang pagdiriwang ng Ginoo ni Madayon.
Ngayong kilala na siya ay nagbayad sila ng 350,000 para sa pag-guesting niya sa
Fiesta Tsinoy Festival.
Sinabi ni Salceda na ilan lang naman
ang posibleng dahilan kung bakit ganun ang inasal ni Xian. Una, hindi ito
napalaki ng maayos ng kanyang mga magulang. Posible rin diumanong mababa lang
ang antas ng edukasyon na naabot nito. O ‘di kaya’y ‘di maganda ang paraan ng
paghawak sa kanya ng management. Sinabi rin ng gobernador na hindi bagay sa
mukha ng aktor ang ugali na mayroon ito. Baka rin daw may kung ano na sa aktor.
Sa kabilang banda ay humingi na ng
paumanhin si Xian kay Gov. Joey Salceda at sa mamamayan ng Albay hinggil sa
isyung kanyang kinasangkutan. Ipinaabot niya ito sa pamaagitan ng pag-post sa
Twitter. Ipinaliwanag nito ang dahilan kung bakit siya tumangging isuot ang
t-shirt ng Albay. Hindi diumano totoo ang napabalitang sinabi niyang hindi siya
pumunta roon para i-promote ang Albay. Ang eksaktong sinabi niya raw ay “Sorry
po hindi ko maisuot yung t-shirt baka kasi magka-conflict sa endorsement ko.
Pasensya na po”.
Ngunit sinabi ni Salceda
na hindi niya mapapatawad ang aktor sa ginawa nito. Mataas pa naman ang
kanilang ekspektasyon kay Xiam dahil hindi siya terorista kundi isang artista.
Wala namang ipinahayag ang gobernador kung ituturing ba niyang ‘persona non
grata o ‘di na puwedeng puwedeng pumunta sa kanilang lalawigan ang aktor.
No comments:
Post a Comment