Sadyang maganda itong pagkahuan ng fiber na nakakapagpababa ng cholesterol sa katawan. Mataas din ito sa Vitamin C na nakapagpapalakas ng panlaban sa impeksiyon at mga mikrobyo na pumapasok sa ating katawan. Mayaman din ito sa potassium na nagiging sanhi ng pagbawas ng panganib sa hypertension at stroke. Mainam din itong panlaban sa pagkakaroon ng colon cancer, colitis at hemorroids. Rekomendado rin ang pagkain ng papaya kapag nakararanas ng pag-init sa loob ng katawan o heatburn.
Mainam din itong panlaban sa astma, ugaliin lamang kumain ng 250 gm ng papaya sa araw-araw. Uubra rin ito sa mga mayroong arthritis ang kinakailangan lamang gawin ay uminom ng anim na tasa ng pinakuluang papaya seed tea kada araw mula dalawa hanggang tatlong linggo. Tiyak na mawawala ang pananakit ng iyong mga kasu-kasuan. At kung nangangati naman ang iyong lalamunan dahil mayroon kang tonsillitis ay mainam din ang papaya. Ang kinakailangan lang gawin ay tanggalin ang buto ng papaya saka ito pagpira-pirasuhin sa maliliit na parte, pagkatapos ay saka ito lagyan ng kaunting asin at suka. Ang iba nga ay ginagawa pang syrup ang papaya dahil sa magandang dulot nito sa katawan at ito ay tinatawag nilang carica syrup.
Ang papaya rin ay mayaman sa folic acid, isang mahalagang bitamina para maging fertile ang babae at lalake. Bukod pa rito ay nilalabanan din nito ang pagkakaroon ng depekto ng sanggol habang ito ay nasa sinapupunan pa lang ng kanyang ina. Maliban sa benepisyo sa kalusugan ay kilala din ang papaya sa ginagawang sangkap sa paggawa ng sabon dahil mayroon itong natural na sangkap para sa pagtatamo ng makinis at maputing kutis para sa mga kababaihan. Patunay lang ito na mayaman talaga sa samu’t saring nutrients ang papaya.
No comments:
Post a Comment