Ang bigas kasi ay mababa sa fat, salt at wala itong halong cholesterol kaya naman mainam itong kainin. Mababa rin ito sa asukal, magandang pagkunan ng lakas at complex carbohydrate. Wala rin itong additives at preservatives dahil hindi naman ito ginagamit sa bigas. Bukod sa mga ito ay mayaman din ang bigas sa thiamine, niacin, iron, riboflavin, vitamin D, calcium, at fiber. Nagtataglay din ito ng tinatawag na amino acids.
Ang resistantant starch naman sa bigas ay tutumutulong sa pagdami ng good bacteria sa ating katawan na tumutulong para maging mabuti ang pagdumi. Samantalang ang insoulbe fiber ay nagbibigay tulong naman para maiwasan ang hirap sa pagdumi. Kumbaga, kahit mabigat sa tiyan ang kanin ay hindi ito nagiging sanhi ng pagiging sagabal sa pagdumi. Hindi naman ito katulad ng karne na matagal matunaw sa tiyan kaya mahirap idumi.
Sa kabilang banda naman, mayroon din mga tao na naniniwala sa tinatawag na Rice Diet Solution taliwas sa paniniwala ng iba na ang kanin ay nakakapagpataba. Siyempre, bukod sa pagkain ng kanin ay may halo rin itong prutas o gulay. Saka limitado lang ang pagkain ng kanin para ito amging epektibo.
Ngunit alin ba ang mainam na kainin ang brown rice o white rice? Sinasabing ang brown rice ay nagtataglay ng magnesium, manganese at zinc. Samantalang sa white rice naman ay nabawasan na ang naturang mga nutrients. Wala namang kaso kung brown rice o brown rice ang kinakain. Mas masustanya nga lang ang pagkain ng brown rice. Pero inalis lang naman ang kulay brown na tumatakip sa bigas kaya naging kulay puti ito para mas madaling lutuin. Sa puno’t dulo, pareho lang naman itong bigas. Magkaganun pa man ay isa lang ang sigurado, mahirap ang mabuhay ng walang bigas lalo na’t marami naman pala itong ibinibigay na nutrisyon sa ating katawan.
No comments:
Post a Comment