Puwede ba ang Google Adsense para sa Tagalog blog? Hindi ito rekomendado, pero marami rin ang naglalagay nito sa kani-kanilang mga blog at kumikita naman sila. Pero kung mag-a-apply ka pa lang sa Adsense at Tagalog blog ang gagamitin mo, malabong makapasa ka. Unsupported language kasi ang Filipino language sa kanila. Kung makapaglagay ka man nito sa blog mo ay kadalasang unrelevant ads ang lumilitaw at madalas din na pawala-wala dahil walang mahagilap na english keyword sa blog. Kaya't ang ginagawa ng iba ay ginagawa nilang taglish ang kanilang post para may mahagip na keyword at may relevant ads na lumabas. Maliit lang din ang cost per click (CPC) dito sa Pilipinas. Wala kasing gaanong advertiser na nagpapalagay ng ads sa kanila kumpara sa Western countries.
Nuffnang- puwede rin ito sa Tagalog blog dahil Asian countries ang target ng ads nila. Ang problema lang sa Nuffnang ay limitado lang ang kanilang ads. Mas naka-concentrate sila sa pagsasagawa ng mga pa-contest para sa mga bloggers na iniisporsoran ng mga kumpanya na hawak nila. Minsan din ay nag-o-organize sila ng event kabilang na rito ang Blogapolis na taunan nilang isinasagawa. Ang mahirap pa ay meron silang tinatawag na Glitirati status o 'yung ads lang nila ang dapat na makikita sa blog mo. Mas priority nila ang blog mo kapag ganito ang status mo sa kanila. Two thousand pesos ang minimum cashout sa Nuffnang.
Ambient Digital- puwede ka rin ditong mag-apply. Para maaprubahan ang blog, kung taga-Metro Manila ka lang ay kailangan mong makipagkita sa kanilang ads manager para papirmahin ka ng kontrata kapag nakapasa ang blog mo sa kanila. Kung taga-probinsya ka naman ay puwedeng through e-mail na lang ang pag-apply. Ang maganda sa Ambient ay 'di kailangan ng malaking space sa blog mo para malagay ang ads nila. Pop-up style kasi ito na pagkatapos lumitaw ay kusang gumigilid na lang. Six hundred twenty pesos lang ang minimum cashout sa kanila. Matagal nga lang ang bayaran sa Ambient dahil 90 days ang inaabot bago ka mabayaran. Saka manu-mano ang paraan ng pag-request ng payment. May invoice form ka pa na sasagutan at kailangan mong ipadala ito sa kanilang opisina para ka mabayaran.
Innity- maganda rin ito pero pahirapan ang pag-aaply sa kanila. Two hundred thousand views at forty thousand unique visitors monthly kasi ang kailangang bunuin para ka matanggap. Kapag 'di pumasa, puwede pa namang umulit pagkalipas ng isang buwan. Ang maganda sa Innity ay mayroon silang tinatawag na roll over na kapag natapatan ng mouse ay lalabas ang ad. Bukod sa rollover, meron din silang cpc at per impression. Minsan meron din silang screen take overa, ang pinakamalaking ad na mayroon ang isang ad network. Napaka-intrusive ng ganitong klaseng ad, pero mas malaki naman ang rate nito kumpara sa ibang ad. Kung sa Ambient ay 90 days, sa Innity naman ay 60 days lang. One thousan five hundred pesos ang minimum cashout nila. Dalawa lang naman ang pagpipilian kung paano ka mababayaran, through bank account o through cheque.
Oo, limitado lang talaga ang mga adnetwork para sa Tagalog blog. Pero kung kapwa mo Pinoy naman ang target readers mo ay swak sa iyo ang nasabing adnetworks dahil Philippine traffic ang target nila. Aminin man natin o hindi, mas masarap pa ring mag-blog kung may nakukuha ring pakinabang kahit paano. Kapag sumikat na nang husto ang blog mo, bukod sa adnetworks, puwedeng may lumapit sa iyo na direct advertiser na gustong magpalagay ng ad nila sa blog mo.
Paano 'yan good luck na lang sa pagsusulat mo!
No comments:
Post a Comment