Showing posts with label Social Media. Show all posts
Showing posts with label Social Media. Show all posts

Saturday, April 4, 2015

NeoMich Sex Scandal, Gawa-gawa nga lang ba?


                Pagkatapos pumanaw ni Jam Sebastian ay samu’t saring negatibong isyu ang nagsipaglabasan laban sa ka-love team nito na si Mich Liggayu. Nariyan na ang pakikipag-date niya diumano sa baguhang singer na si Neo Domingo. Nariyan din ang pag-iingay ni Mich sa ospital habang nakaratay si Jam. May lumabas din na isyu na may alitan sila ng ina ni Jam at ang pinakabago ay mayroon diumanong NeoMich sex scandal. Ito ay matapos na may kumalat na larawan sa internet kung saan ay makikitang hinahalikan diumano ni Neo si Mich habang ito ay tulog.

                Mariing inabaluaan ni Mich ang pagkakaroon niya ng relasyon kay Neo. Kaibigan lang diumano niya ito at hindi totoo na nanliligaw ito sa kanya o ‘di-kaya’y naging sila na. Nalulungkot ang dalaga dahil marami ang nanghuhusga sa kanya kahit wala namang katotohanan ang balita. Sinabi ng kampo ni Mich na ang nasa larawan na kumakalat sa internet na nagsasabing mayroon silang sex video ni Neo ay lalong walang katotohanan. Gawa-gawa lang ito ng mga taong gusto siyang siraan o pabagsakin.


                Ang pekeng NeoMich sex scandal video ay unang namataan sa isang website. Ang lalaki sa larawan ay hindi sina Neo at Mitch, sa halip sila ay sina Albercas Ripdos at Stace Philip Cervantes. Ang larawan ay bahagi lang ng video na may titulong ‘How to Wake Up Your Girlfriend Properly at ito ay inupload ni Cervantes. Maliwanag na peke nga ang sex scandal video at hindi rin ito video scandal ng kung sinuman.

Wednesday, February 18, 2015

Boy Kambyo, Huling Namboboso sa Loob ng Dyipni

  
          Usap-usapan ngayon sa Facebook ang  isang lalaki na nasa video na tinaguriang si Boy Kambyo dahil sa kanyang pamboboso sa isang babae sa loob ng dyipni. Bukod dito ay panay din ang kanyang kambyo at tila may kakaibang ginagawa matapos na matangay sa kanyang nakita mula sa babae. 

            Ang video ay mabilis a kumalat sa internet matapos itong i-upload sa Facebook. Bago pa lang itong na-upload ay nakakuha agad ng libu-libong views ang naturang video. Kitang-kita ang mukha ng lalaki na nasa video na panay sulyap sa katapat niya sa dyipni. Halatang di ito mapakali kaya’t panay ang kambyo.

            Pero sa halip na makakuha ng simpatya ang babae na nagmamay-ari ng video ay kinaasaran ito ng maraming netizens. Alam na diumano nito na binobosohan siya pero hindi naman niya ito sinaway. Sa halip ay vinideo pa niya ang lalaki na tumagal nang mahigit pitong minute. Pinayuhan ng netizens ang kababaihan na maging aware sila sa kanilang kasuotan  para ‘di sila maging sentro ng pagnanasa ng kalalakihan.

            Sa kabilang banda, meron din namang ilang netizens na nagsabi na tama lang ang ginawa ng babae para madala diumano ang mahihilig mamboso sa mga pampublikong sasakyan. Marami kasing mga lalaki na kung makatingin sa babae ay para nilang hinuhubaran.


            Bukod kay Boy Kambyo, kamakailan lang ay mayroon ding nakunan na video at naging viral sa video. Ang lalaki ay hindi kumakambyo kundi nagkakamot lang ng parte ng kanyang katawan na kapag nangati ay mahirap kamutin kapag nasa pampublikong lugar. Kaya’t binabalaan ang kalalakihan na maging responsible sa ikinikilos dahil sa isang iglap ay maaaring kumalat ang video mo sa Facebook na may kakaibang ginagawa. 
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...