Monday, November 18, 2013

Blogapalooza: Kapangyarihan ng Mga Blogista

Noong Nobyembre 16 ay ginanap ang ikalawang taon ng Blogapalooza sa may SMEX Convention Center ng SM Aura Premier sa Taguig. Ito ay inorganiza ng WheninManila.com at AwesomePlanet.com sa pangunguna nina  Vince Golangco at Anton Diaz. Nagsama-sama rito ang limang daang bloggers na may pinaka-maimpluwensyang blog sa bansa para suriin at i-blog ang iba’t ibang klase ng produkto na kanilang magugustuhan.

Ilan sa mga negosyong lumahok dito ay PLDT, Chocks to Go, Hungry Juan, Ambient Digital, Slenda, Chef’s Noodles, Viewpark Hotel, Figaro, The Coffee Beans, Guska.com at marami pang iba. Naging masaya ang naturang event dahil maraming freebies ang ipinamigay para sa mga blogger.

Ipinapakita ng naturang event na ang media ay hindi lang telebisyon, radio at print bagkus kabilang na rito ang online. Ito ang modernong paraan ngayon ng pamamahayag, pagbibigay ng impormasyon at entertainment. Kinikilala ng mga nag-organisa ng Blogapalooza na mga blooger din ang kahalagahan ng pagkakaroon ng blog sa panahong ito. Maganda rin  itong paglagyan ng patalastas ng mga kumpanya dahil maraming blogger ngayon ang maraming tagasunod o mambabasa. At ang anumang produkto na kanilang isinusulat o niri-rebyu ay nakakaimpluwensiya sa kanilang mga mambabasa. 
Bogart Da Explorer at Jako De Leon

Mikey Bustos

Nagkaroon ng iba’t ibang talakayan sa Blogaplooza. Una na rito ay ang pagtatampok ng tinatawag na Vlogging o video blogging. Ibinahagi ng mga YouTube sensation na sina Mikey Bustos at Boggart ‘D Explorer ang kanilang karanasan kung paano naging patok ang kanilang mga ginawang video sa publiko. Sinabi nila na kailangan ay i-enjoy mo lang ang iyong ginagawa at siyempre kailangan ay maganda o interesante ang nilalaman ng iyong video. Importante rin ang pagkakaroon ng trademark kagaya nila. Halimbawa, si Boggart ay nakilala sa pagkakaroon ng Australian slang at si Mikey naman ay sa pakuwelang pagtuturo ng kulturang Pinoy sa mga dayuhan. Kapag ikaw daw ay naging isang brand ambassador, kinakailangan na naniniwala ka sa produkto at talagang ito ay iyong ginagamit. Hindi lang dahil sa binabayaran ka. Sa huli ay sinabi ni Mikey na gamitin ang Vlogging para sa kabutihan at huwag abusihin kagaya diumano ng kanyang suot na mala-anghel na pakpak.

Nagsalita rin si Jayson Cruz, Director for Community Management ng MRM Worldwide Manila.Ang kumpnayang kanyang kinabibilangan ay nagsisilbing online ad agency na nagbibigay serbisyo para sa malalaking brand sa bansa. 

Nagpakitang-gilas naman sa pagpapatawa sa entablado ang mga taga-Comedy Cartel na sina Tim Tayag, Marlon Olivan, James Caraan at Derf Hebrado. Sinasabing si Tim Tayag ang nagpasimula ng observational comedy sa entablado. Sino’ng may sabing mga bakla lang ang marunong magpatawa? ‘Di na nila kinailangan pang manlait ng tao para lang makapagpatawa katulad nang ginagawa sa maraming comedy bar.

Ana Santos


Nagsalita rin ang kilalang columnist at tagapagtaguyod ng kababaihan na si Ana Santos at kanyang ibinahagi ang kanyang buhay-manunulat. Dati siyang opisyales sa isang banko hanggang sa nabagot sa kanyang trabaho at ninais gawin ang gusto niya sa buhay, ano pa ba kundi ang magsulat. Ikinukuwento niya kung paano niya unti-unting natapatan hanggang sa malagpasan ang dati niyang sinusuweldo sa banko. Kayang-kaya naman diumano itong gawin basta’t marami kang pinagsusulatan. Katulad niya na bukod sa pagsusulat sa magasin ay aktibo rin siya sa pagsusulat sa online at tagapagsalita rin sa mga seminar na may kinalaman sa pagsusulat. Importante rin diumano ang networking o pakikipagkaibigan sa mga kapwa manunulat para makakuha ng proyekto.


Karen Bordador

  Ibinahagi naman ng FHM Hottie, Dj, Host at columnist na si Karen Bordador kung paano siya napasok sa paghu-hosting. Aniya, dati lang daw siyang modelo at nagkataon na wala ang maghu-host sa isang event kaya’t hinatak siya para magsalita sa entablado. Alam naman kasi ng organizer na siya ay maboka kaya’t dito nagsimula ang kanyang hosting carrer. Hanggang maging host siya sa malaganap na nagpapalabas ng live streaming sa internet- ang Flippish.com, na ngayon ay may mahigit nang kalahating milyong likes. Sinabi ni Karen na siya ang tipo ng tao na mahilig sumubok ng bago. Kaya’t heto siya ngayon at natuklasan niya ang iba pa niyang kakayahan. Ipinapayo niya sa mga blogger na maging proud lang kung ano ang mayroon ka at pagyamanin ito. Kagaya niya diumano, ipinagmamalaki niya ang kanyang pagiging morena na kulay nating mga Pinoy.

Tony, Slick Rick at Sam YG
        
Nagsalita rin ang Dj na sina Toni Tony, Slick Rick at Sam YG. Kinilala nila ang mabuting dulot ng internet sa buhay natin ngayon partikular na sa tulad nilang mga Dj. Dati-rati diumano ay boses lang nila ang pamilyar sa tao. Pero ngayon sa pamamagitan ng social media ay bigla silang naging parang mga rockstar. Ang dati-rating naririnig lang sa radyo, ngayon pati ang kanilang mga mukha ay nakikilala na rin. Napagpasyahan nilang gumawa ng podcast sa internet- ang Boys Night Out kung saan makakasama nila ang internet action star na si Ramon Bautista. Dapat daw itong subaybayan ng mga tao dahil lahat ay puwedeng pag-usapan. Walang scensorship na mangyayari kagaya sa radyo at telebisyon. Positibo ang pananaw ng tatlo na darating ang panahon sa Pilipinas na magmumura rin ang paggamit ng internet kaya’t mas dadami pa lalo ang mga Pinoy na tatangkilik dito. Dahil diumano sa internet ay nabigyan ng pantay na opurtinidad para makilala. Sa huli ay nagbigay sila ng payo sa mga blogger na huwag daw mahihiyang mag-interbyu ng mga sikat na personalidad sa kanilang mga blog. Dahil gusto rin naman ng mga ito na maisulat online. Nagpapanyaya pa sila na makipag-ugnayan lang sa kanilang grupo kung nais mag-promote ng mga blogger sa bago nilang programa.

Pagkatapos ng mga talakayan ay nag-presinta naman sa entablado ang iba’t ibang kinatawan ng mga kumpanya para ipakilala ang kalidad at kagandahan ng kanilang mga produkto. Sinabayan din ito ng mga pa-raffle at ang mga nanalo ay tumanggap ng mga premyo sa mga kumpanya. Kabilang sa magagandang pa-papremyo na ipinamigay ay ang mamahaling alak mula sa Guska.com, Hotel accommodation sa View Park Hotel at GC mula sa SM Aura.


                                   Kinatawan ng Wheat Grass            

   

Joel Cruz ng Chef's Noodles habang nagdi-demo





                    Brownbag Coffee Solutions

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...