Tamang personalidad -Pagkatapos mong makilala ang iyong sarili dapat ay alam mo na kung saan ka lulugar o ano'ng uri ng negosyo ang papasukin batay na rin sa iyong personalidad. Kung mahilig kang manggupit ng buhok, barber shop o beauty parlor ang bagay sa iyo. Kung mahilig ka sa alahas, maaari mong pasukin ang pagtitinda ng alahas. Kumikita ka na nag-ienjoy ka pa. Hindi kasi tama ang ginagawa ng iba na porke't uso ay makikisabay na rin kahit wala namang kaalaman hinggil doon. Halimbawa, sinasabing patok ang food business dahil lahat nga naman ng tao ay kumakain. Oo, tama ito pero ang tanong masarap ka bang magluto? Marahil naranasan mo na ring kumain sa mga karenderya o fast food na 'di naman masarap ang pagkakaluto ng ulam. Siyempre, 'di ka na babalik pa roon. Ibig sabihin magreresulta lang ito sa posibleng pagkalugi dahil pabawas ng pabawas ang mga kostumer. Maliban na lang kung aarkila ka ng magaling na cook. Pero mas maganda kung hands on ka sa lahat ng aspeto ng negosyo mo. Para kontrolado mo ang lahat. Kaya't nararapat lang magsimula sa isang negosyong may alam ka o background kaysa sumabak sa isang negosyong 'di naman umaakma sa kakayahan mo.
Pagplaplano- Sa anumang negosyo mahalaga ang pagplaplano dahil kung wala nito ay wala ka ring deriksyon at presto bagsak agad ang negosyo! Anu-ano ba ang dapat isaalang-alang sa pagplaplano? Una, marketing-pumapasok na rito kung paano mo ipapakilala sa madla ang iyong negosyo.Kinakailangan mo ng ibayong promotion, maaaring mag-ads sa mga diyaryo, mamibay ng brochure atbp. Kung paano mo rin prepresyuhan ang produkto o serbisyo? Pag-aralan ang merkado para ibatay dito ang presyo. Huwag masyadong mataas at huwag din naman sobrang baba, 'yung tama lang. Planuhin din ang production. Sapat ba ang perang gagamitin sa pagpapatakbo ng negosyo? Ilan ang babayarang empleyado? Anu-ano ang mga makinaryang gagamitin? Magkano ang bayad sa upa sa puwesto at kung anu-ano pang gastos.
Pagkuha ng pondo- Ang pagkuha ng kapital ay dadalawang paraan lamang. Ito ay ang pormal lamang, ang pormal at impormal. Sa pormal na paraan, nariyan ang mga bangko at iba pang institusyon na maaari mong paghiraman. Sa impormal naman, nariyan ang kamag-anak, kaibigan at kakilala na handang magpahiram ng walang interes. Sa pagnenegosyo ay mahirap iwasan ang pangungutang. Wala namang problema rito basta marunong ka lang magbayad para 'di masira sa pinagkakautangan. Kung ayaw mo namang mangutang aba'y dapat mayroon kang perang sadyang nakalaan sa iyong negosyo.
Pagsusuri at pagtataya-Sa pagsusuri(evaluation) at pagtataya(assestment) ay malalaman mo kung kumikita ka nga ba o nalulugi na? Mahalagang pag-aralan kung saan ka nga ba nagkamali. Iwasan lang ang pagiging negative thinker para makausad.Sa pagnenegosyo may panahon talaga na matumal anmg pagpasok ng pera. Pero kung may napunang mali ay agad na itama upang 'di na humantong sa pagsasara ng negosyo. Siyempre, dapat mo ring alamin kung ano ang naging bentahe ng iyong negosyo para lalo mo pa itong mapaunlad.
11 comments:
maraming salamat sa iyong tips at marami akong natutunan na dapat magamit sa plano kung pag umpisa ng maliit na negosyo.
josie
makati city
i agree na kailangan ng mainam na pagsusuri kung may market nga ba ang negosyo. kung saan may pangaingailangan, dun may oportunidad ng kumita. thanks for the post sir william. btw, share ko din ang link ng pinoymoneytalk.com.
Lots of info about business and money-making
Sumasang ayon ako sa mga nagkumento sa blog na ito sapagka't ang pagtatayo nang negosyo ay isang masusing obligasyon,sa pag sasagawa nang negosyo kakailanganin ang matalinong pagpapasiya. Maraming salamat sa pagbabahagi nang iyong kaalamanan makaktulong ito sa mga readers na nais magkaroon nang sariling negosyo.
sugar
hello sir,
gusto ko po sanang mahiram itong pinost/blog nio about sa pagnenegosyo,
just wanna share this sa mga taong gustong magnegosyo na hindi naman nakakagamit ng internet
It would be a great help for them.
Hope you'll reply on this comment.
thanks and God Bless
Ms. Ferlyn. ok po, gamitin nyo lang. salamat:)
-Gusto mo ba ng Lifetime Discount sa Cellphone Load and other prepaid products up to 8-11%?
-Gusto mo ba na ikaw nlng ang mgload sa iyong Sarili, Pamilya, Kamag-anak at Kaibigan to all Network 24/7 anytime anywhere gamit ang sarili mong cellphone at sim?
-Gusto mo ba ng Opportunity na kumita as much as P500- P30,000/Day sa pamamagitan lamang ng pag-iendorse at pag-share ng business sa Pamilya, Kamag-anak at mga kaibigan mo?
-Gusto mo bang maabot ang mga pangarap mo sa buhay?
If you are INTERESTED Please Contact:
EMail: jayryanmcstone@gmail.com
No. 09358145949
or Visit: JayRyan'sBlog (http://www.lifebeyondlimits.info/2012/04/vmobile-technologies-inc.html)
BELIEVE and you will SUCCEED!
Be in our Team and
Join VMobile now!
THANK YOU FOR SOME TIPS I LEARNED A LOT...AND NAKATULONG DIN SIYA SA THESIS NA GINAWA..
THANKS FOR SHARING :p)
Gusto nyo ba kumita?
hindi kailangan mag benta dahil ikaw ang bibilhan, EASY Money
click link below
http://www.tipidcp.com/viewitem.php?iid=145748574&mask=success
Sir william. Hilig ko pong mag drawing. Sa tingin nyo po. Anong bagay na negosyo para sa ganoong hilig?? Sana po makareply kayo. Tnx po. :)
Hi Jay, tingin ko kung marunong kang magdrowing ng mukha ng tao, puwede kang mag-caricature. Puwede ka ring magdowing para sa project ng mga estudyante. Puwede ka ring gumawa ng indie comics. Kung magaling ka rin sa graphics, puwede kang mag-design ng t-shirt. Salamat sa pagdalaw sa blog ko.
Thank sa sa mga advice tungkol sa pag nenegosyo madami po ako natutunan at idea....
Post a Comment