Friday, November 7, 2014

Benepisyo sa Green Tea

   Ang green tea ay sadyang pambihira dahil marami itong benipisyo sa ating kalusugan. Kaya naman imbes na kape at softdrinks lang ang inumin, bakit hindi ito ang inumin sa araw-araw? Nang sa gayun ay makuha ang lahat ng magagandang maaari idulot ng green tea sa atin.


       Sinasabing ang green tea ay nakapapasigla ng utak. Ang mainam pa, mayroon itong taglay na antioxidant na lumalaban sa mga elementong maaaring makapinsala sa brains cells. Bukod dito ay nakapagbibigay din ng lakas ng katawan, dahil dito ay makaiiwas sa mga sakit. Kung sakit lang din ang pag-uusapan, ang green tea ay mistulang wonder drug dahil mainam na panlaban sa pagkakaroon ng cancer. Pinipigilan kasi nito ang mga cancer cell na gustong makapanahan sa katawan. Nilalabanan nito ang pamumuo ng bagong blood vessel na kinalalagyan ng tumor na rito ay nagpaparami. Maganda din ang green para makaiwas sa pagkakaroon ng hypertension. Pinapanatili kasi nito ang blood pressure na hindi hihigit sa 120/80.

Ang green tea rin ay mayroong natural na antiseptic na nakapagpapahinto sa pangangati, gamot din sa bukol at pamamaga. Maaari itong gamitin sa paggamot sa sunburn at pamamaga sa talukap ng mata. Mainam ding pang-alis ng fungal infectuion; ibabad lang ang paa sa palangganang may tubig na hinaluan ng green tea.
       Nakatutulong din ito sa pagpapayat at pagpapababa ng timbang. Sinusunog kasi nito ang mga taba-taba sa loob ng katawan. Pero kung ikaw naman 'yung tipong mahina ang resistensiya kaya madaling kapitan ng ubo at sipon ay uubra rin ang green tea. Higit kasing mas mataas ang taglay nitong Vitamin C kumpara sa kalmansi at oranges. Maaari ring magsilbing mouthwash ang green tea kaya't babango ang hininga. Nagsisilbi rin itong panlaban sa tooth decay dahil may taglay itong flouride.

        Pero bukod sa benipisyo sa kalusugan ng green tea, alam ba ninyong maaari ring itong ilagay sa loob ng refregerator para mag-absorb ng mga 'di kaaya-ayang amoy na nagmumula sa mga pagkain tulad ng hilaw pang karne at isda?

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...