Ang halimbawa ng good bacteria ay ang tinatawag na lactobacillus acidophilus. Ginagamit ang naturang bacteria para mai-preserbang mabuti ang mga produktong gaya ng gatas, yogurt, cheese at iba pa. Mayroon ngang kumpanya ng health drink sa atin na nagsasabing mayroong ganitong sangkap ang kanilang produkto para makaakit ng mamimili. Dahil alam nilang marami sa ating mga kababayang ang health conscious.
Sadyang inilalagay ang lactobacillus dahil marami itong benipisyo sa ating katawan. Ito ay nagsisilbing panlaban sa mga bad bactria sa loob ng ating katawan gaya ng E. coli. Sinasabing nakapaglilinis diumano ito ng ating bituka. Kayang-kaya kasi nitong alisin ang mga toxins sa loob ng ating katawan. Bukod pa rito ay tumutulong din ito para madaling tunawin ang mga pagkaing ipinapasok natin sa ating tiyan. Dahil ditto ay nagiging maginhawa ang pagdumi ng isang tao.
Ngunit alam ba ninyong ang simpleng pag-inom lang ng mga antibiotic gaya ng penicillin ay pumapatay sa mga good bacteria sa ating bituka. Nagiging sanhi ito ng para maghari ang mga bad bacteria na nagiging dahilan naman ng pagtatae. Kapag nangyari ito ay uminom lang ng lactobacillus dahil mabisa rin itong pangontra sa pagtatae.
No comments:
Post a Comment