Ang isa sa dahilan nito ay ang sobrang pagkabilad sa araw. Nakatutuyo kasi ito ng ating balat ‘di lamang sa mukha kundi sa lahat ng parte n gating katawan na nabibilad sa araw. Nagiging sanhi ito para maging aktibo ang mga free radicals na sumisira ng balat. Kaya’t para maiwasan ang wrinkles ay huwag magbilad sa araw lalo na sa oras na napakainit ng araw, mula alas-dyes ng umaga hanggang alas-tres ng hapon. Bukod dito ay kumain ng mga prutas na mayaman sa katas para ‘di nanunuyo ang ating mga balat.
Ang facial expressions din ay may kinalaman kung bakit nagkakaroon ng wrinkles ang isang tao. Halimbawa, kung madalas ang ginagawang pagsimangot malamang ay magkaroon ka ng wrinkles. Maaaring kaya ka nakasimangot ay dahil sa masyadong naapektuhan ng mga problema o may mga bagay o tao na kinaiinisan. Imbes na magpadala rito ay harapin ito ng buong hinahon. Mas mabuti kung ang magiging masiyahin para laging maging maganda ang pakiramdam.
Maging ang paninigarilyo ay hindi lamang delikado sa ating kalusugan, nagreresulta rin ito sa pagkakaroon ng problema sa balat. Napapabagal nito ang pagdaloy ng ating dugo na nagiging hadlang para hindi makapagbigay ng sapat na hangin sa ating selula ng ating balat at buong parte ng katawan. Nagreresulta ito sa pagkakaroon ng wrinkles.
Kapag kulang ka rin sa nutrisyon gaya ng protina at collagen ay maaari ring maging sanhi ito ng pagkakaroon ng wrinkles. Isama na rin dito ang kakulangan sa enzymes. Para malabanan ito ay kumain ng mga pagkaing mayaman sa mga nasabing protina.
Iwasan din ang pagpupuyat dahil isa rin ito sa dahilan ng pagkakaroon ng wrinkles.
No comments:
Post a Comment