Base sa pag-aaral ng mga eksperto, ang mga atleta na sumasailim lagi sa matinding ehersisyo ay nababawasan ang natural killer cells at lymphocytes. Ang nasabing mga selula ay parehong mahalaga na nagbibigay proteksiyon laban sa sakit. Kapag sobrang tagal o haba ng isinasagawang eherisisyo ay maaaring dapuan ng sipon o ‘di kaya’y lagnat. Mahirap naman kasi kapag napupuwersa ang katawan. Pero kapag tama lang ang isinasagawang pag-iehersisyo ay napapalakas nito ang ating immune system na lumalaban sa pagkakaroon ng sakit.
Kapag sadyang kinakailangan talagang mag-work out ng matindi ay huwag itong gawing araw-araw para ‘di magkaroon ng ‘di magandang epekto sa katawan. Dapat ay magkaroon ito ng pagitan. Mahalaga ring kumain nang husto para magkaroon ng sapat na suplay ang katawan ng antioxidant para ayusin ang mga nasirang free radical habang sumasailalim sa matinding ehersisyo. Kinakailangan ng mga pagkaing mayaman sa protina at complex carbohydrates. Samahan din ito ng pagkain ng gulay at mga prutas para manatiling malakas ang katawan at resistensiya.
Para rin maiwasan ang sobrang pag-iehersisyo ay gumawa ng talaan at ilista ang mga isinagawang ehersisyo sa loob ng isang araw at isulat din kung ano ang iyong naramdaman bago at matapos ang ehersisyo. Kapag nakararanas ng ‘di pangkaraniwang antok at madalas na sipunin aba’y makabubuting ibahin na ang isinasagawang workout. Kapag nasobrahan imbes na lumakas ang katawan ay tiyak na manghihina ka lang dahil may iniindang sakit.
No comments:
Post a Comment