Ilan lamang sa dahilan ng pagkakaroon ng sakit sa atay ay ang ‘di pagka-ihi sa umaga at sobrang paggamit ng gamot. Maging ang ‘di pagkain ng almusal at pagkain ng mga pagkaing gawa sa preservatives, food coloring at mga artipisyal na pampatamis ay nag-aambag din ng pagkasira sa atay. Puwede rin naman kapag nasobrahan sa pagkain. Kaya’t ipinapayong hinay-hinay lang sa pagkain para ‘di magkaroong ng diprensya ang atay. Maging ang pagkain ng marurumi at mga hilaw na pagkain ay maaari ring magdulot ng problema sa atay. Isama pa rito ang labis na pagkain ng mga pagkaing sagana sa mantika. Kaya’t dapat lamang kapag nagpiprito ay bawas-bawasan ang paglalagay ng mantika.
Siyempre, kasama na rin sa mga dahilan ng pagkasira ng bato ang sobrang pag-inom ng alak at pag-inom ng gamot. Kapag iinom ng alak dapat ay katamtaman lamang at huwag sosobrahan. Sa pag-inom naman ng gamot, hindi dapat nagsasagawa ng self-medication. Dapat ay ‘yung inireseta lang ng duktor para siguradong ligtas ang pag-inom ng gamot.
Ilan sa sintomas para malaman kung nasira na ang atay ay kapag nawawalan ng gana sa pagkain at bumababa na ang timbang. Maaaring makaramdam ng pagsusuka, pagkahilo, pagtatae, sakit ng ulo, pamumula at panganagati ng mata, mabilis na pagkainis, depresyon, alergi, pabagu-bagong emosyon at iba pa. Kung tutuusin ay madali lang namang iwasan ang pagkakaroon ng sakit sa atay basta’t magkaroon lamang ng healty life style at piliing mabuti ang ating mga kinakain. Ugaliin din ang pag-iehersisyo at pag-inom ng maraming tubig. Gawin din ang taunang pagpapatingin sa duktor para malaman ang kundisyon ng ating atay. Kapag nakaramdam ng mga sintomas ay kumonsulta agad sa espesyalista. Mahirap kung sa huli na magpapatingin, malalaman mo na lang na unti-unti na palang kinain ng mikrobyo ang atay. Kaya’t ‘di dapat winawalang halaga ang problema sa atay kung gusting humaba pa ang buhay!
1 comment:
c24/7 lng yan
Post a Comment