Sinisiil ako ng iyong mga halik
Tila ba tinamaan ng lintek
Ang kaligayahan ay muling nagbabalik
Sa kasisipsip mo ay para kang limatek
Walang paki kahit laway ay tumalsik.
Ang halik mo ay sadyang pagkasarap-sarap
Tamis ng ligaya ang ipinalalasap
Para nang nakarating sa taas ng ulap
Ikaw ang babaeng kay tagal pinangarap
Ngunit sa aking piling ay iyong tinanggap.
Wala ng tatamis pa sa halik mo, mahal
Damang-dama pa rin ang 'yong pagmamahal
'Di ako makaimik kaya't nauutal
Lalo kitang inibig habang tumatagal
Halik mo sa isip ko ay 'di na matanggal.
Sinta, nasasamyo ko pa rin ang 'yong bango
Tila ka isang bulaklak; hasmin o liryo
Napapatanga ako't parang namaligno
Nang ihatid ako sa kakaibang mundo
'Di ko malilimutan ang ganitong tagpo.
Tinighaw mo ang uhaw at tuyo kong labi
Kaya't ang kalungkutan ay dagling napawi
Binigyan mo ng kulay ang bawat sandali
Halik mo'y tunay at wlang ikinukubli
Sana'y ulit-ulitin natin itong muli...
No comments:
Post a Comment