Kasing lawak ng dagat at kasing lalim ng ilog
Ngunit kung saka-sakaling ang puso ay madurog
Huwag aakyat sa building para magpatihulog.
Ang pag-ibig ay 'yung dalisay ang layon
Sa ating kabuuan ay may itinuturong leksyon
Ngunit kung mabigo tayo sa ating ambisyon
Pakiusap ko lamang huwag iinom ng lason.
Ang pag-ibig ay talaga namang nakakaloko
Dapat marunong kumontrol kapag nadarama mo
Ngunit huwag kumuha ng batong pamukpok sa ulo
Kahit masaktan ay huwag maglaslas ng pulso.
Ang bawat tao ay naghahangad ng luwalhati
Kaligayahan ang pangarap sa bawat sandali
Ngunit kung iniwanan ka at naging sawi
Huwag kukuha ng lubid para magbigti.
Nakakapaso ang pag-ibig dahil nagbabaga
Nagliliyab ang dibdib sa sandaling nadarama
Walang pakiaalam kahit sino pang makabangga
Hindi aatras kahit na sugurin pa ng taga.
Ngunit delikado kapag naglaro na ng apoy
Ang bawal na pag-0ibig ay kailangang itaboy
Maging dahilan pa ng pagkalubog sa kumunoy
Pare-pareho kayong ngangawa at magngunguyngoy.
Mga minamahal, nakamamatay ang pag-ibig
Kahit itong kahulugan ng buhay sa daigdig
Mag-ingat kayo't h'wag masyadong magpakaligalig
Kung di n'yo gustong kay Kamatayan makipagniig!
No comments:
Post a Comment