"Huwag kang iibig nang dahil sa ganda
Ang ganda'y nagbabawa
kapag tumanda na
Ang lahat sa mundo'y sadyang nag-iiba".
-Jose Corazon de Jesus
Ngunit ang kagandahan ang unang nakikita
Sa pagtingin mo sa isang dalaga
Sadyang nakabubulag ito ng mga mata
Katulad ko na umibig dahil lang sa ganda
Wika mo nga lahat ng ito ay nag-iiba.
Dinurog ang puso ng babaeng maalindog
Dahil sa ibang lalake siya'y nagpatuhog
Matapos iakyat ako pa ang inihulog
Kay tagal palang sa katotohana'y natulog
'Di pa magigising kung 'di pa naumpog.
Iyang kagandahan ay totoong mapaglaro
Ang pag-ibig kung minsan ay ginagawang biro
'Pagkat may katayugang nadarama sa puso
Kay dami ang naghahangad at namimintuho
O, bakit kay dali namang matangay sa tukso?
Merong kagandahan na ang hilig ay manghuthot
Kunwari'y mahal ka't sa iyo'y nagkukumamot
Ipagpapalit ka lang pala sa ibang kelot
Ang ganitong ganda ay lubhang nakatatakot
Nagdudulot lang sa puso ng ibayong lungkot.
'Di baleng 'di maganda basta siya'y mabait
Mabuti ang loob at 'di ka ipagpapalit
Aanhin ang ganda kung magbibigay ng sakit?
Ang ibig kong kasintahan ay 'di manggagamit
Basta't h'wag lang doon sa babaeng mukhang puwet!
No comments:
Post a Comment