Ikaw ba ay nakararamdam ng
stinging sensation sa loob ng bibig mo habang nagmumumog ng mouthwash? Taliwas
sa akala ng marami, ang matinding stinging sensation mula sa alcohol-based
mouthwash ay hindi katiyakan ng isang malinis na bibig.
Ang malakas na flavor ng
mint na nagdudulot ng matinding sting ay hindi totoong naglilinis ng bunganga
bagkus pinababango lang ito ng mouthwash. Kung walang mint
flavor ang mouthwash ito ay mangangamoy tulad ng isang regular na
antiseptic. Sa katunayan, ang mouthwash ay unang ginawa bilang isang surgical
antiseptic noong 1879.
Ang palagian at matagal na
paggamit ng alcohol-based mouthwash ay inaakalang nagpapapresko ng hininga.
Gayunman, ang masakit na bibig ay hindi indikasyon ng kalinisan. Itinatago
lamang ng alcohol at malakas na mint flavor sa mouthwash ang amoy ng bibig
upang isipin mo na wala na ang amoy nito.
Kapag nakaramdam ng hindi
maipaliwanag na sting habang nagmumumog o pagkatapos magmumog, ibig sabihin
nito ay masakit ang bibig mo dahil may maling balance sa loob nito. Ipinaaabot
ng bibig ang mensahe sa utak na ang mouthwash ay masyadong matapang at
nasasaktan ang gums at iba pang tissue sa loob ng bibig.
Ang alcohol-free mouthwash ay
mas mabuti sa bibig sapagkat may mga aktibong sangkap ito na hindi nagdudulot
ng sting. Ginagawa nitong stable ang chlorine dioxide upang mawala ang bad
breathe sa pamamagitan ng paglalabas ng oxygen upang puksain ang bacteria sa
bibig at i-neutralize ang volatile sulphur compounds(VSC) na
nagdudulot ng mabahong hininga. Ang epekto nito ay mas mababang concentration
ng VSC na nagdadala ng bad breath kaya mas mabango ang hininga.
Mas maganda sa kalusugan ang
alcohol-free mouthwash dahil wala itong mga sangkap na nakasasama sa katawan.
Dahil dito, ang mga gumagamit ng mouthwash ay mas makamumumog nang mas matagal
ng walang nararamdamang sting, bukod pa sa mas tiyak na presko ang hininga.
No comments:
Post a Comment