Friday, December 19, 2014

World Gamefowl Expo 2015, Narito Na!


               Ang World Gamefowl Expo ay taunang pagtitipunan ng mga sabungero sa Pilipinas kabilang na rin ang mga dayuhan na nagmula pa sa iba’t ibang panig ng mundo. Ito ay taunang isinasagawa sa World Trade Center sa may Pasay. Noong una ay maliit na bahagi lang ng WTC ang sakop nito hanggang sa unti-unti nitong maukopa ang buong venue dahil na rin sa dami nang mga tumatangkilik na sabungero.

                Nag-umpisang isagawa ang expo noong 2011 at ngayon ay nakaabot na ito sa ika-limang taon. Ang expo ay gaganapin mula January 16-18, 2015. Inorganisa ito ng World Exco, sa pakikipagtulungan ng PitGames Media Inc. Bukod sa manok, kasabay din nito ang World Pigeon Expo.

                Sa expo ay nagsasama-sama ang iba’t ibang mga kumpanya, mapa-maliit man o malaki para i-promote ang kanilang mga produkto at serbisyo. Ito rin ang panahon na nagbebenta ng kanilang mga manok ang mga bigating breeder gaya nina Biboy Enriquez, Art Lopez, Jimmy Marikit, Edwin Aranez at Raffy Campus ng RED Gamefarm at marami pang iba. Sinasamantala ito ng masang sabungero para makakuha sa kanila ng mga materyales at para makapagpapirma na rin o ‘di-kaya’y makapagpalitrato. Nagkakaroon din ng auction ng mga manok na pag-aari ng bigtime breeders, mapa-local man o imported.

                Maliban sa mga manok, marami ring inihahandang gimik ang mga kumpanyang kalahok rito. Kabilang na rito ang pagbibigay ng entertainment sa entablado. Nag-iimbita sila ng mga dancer para makapagbigay ng kasiyahan sa mga sabungero. Kumukuha rin sila ng magagandang modelo para magsilbing representative ng kanilang produkto at serbisyo.


No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...