Samu’t sari ang mabibili mo sa
tiangge. Halos lahat na ng hanap mo ay narito na mula sa mga bag, damit,
tsinelas, sapatos, t-shirt, personalized mug, mga laruan at kung anu-ano pa. Sa
dami ng puwesto ng mga tiangge rito ay imposibleng wala kang mapamili. Kahit
ang sampu-sampu isa ay ‘di rin mawawala rito. Kung may kasamang bata ay hawakan
itong mabuti dahil baka mawala. Dagsa rin kasi ang mga namimili rito na
matiyagang nag-iikot para makapili ng kanilang bibilhin.
Hindi lang tiangge ang makikita mo
sa Marikina River Park kundi meron din ditong perya, na nagsisilbing
nagisilbing hari ng amusement center noong hindi pa uso ang mga mall sa
Pilipinas. Ano pa ba ang makikita sa perya kundi samu’t saring mapaglilibangan
gaya ng mga rides at samu’t saring palaro gaya ng color games, bingo pati na
rin ang paghuhulog ng piso sa mga box, pag-target sa baloons at kung anu-ano
pa. Barya-barya lang ang kailangan para makapaglaro nito at malilibang ka na.
Nag-set up din dito ng horror house
na tinatawag na Kakaba-kaba sa Bahay ni Lola. Maliit lang ang iikutan, pero
puwede nang panakot sa mga bata. Pero kahit maliit ang bahay ay nagawa pa
nilang lagyan ng maze kaya’t hahanapin mo talaga ang pintuan palabas. May
nagduduyan na patay na nasa parang kabaong sa loob ng bahay ni lola at siyempre
‘di rin mawawala ang mga taong nakasuot ng maskara. Ibang klase nga lang ang
kanilang sound effect dahil puro kalampag sa yero sa ang ginagawa nila. Paraan
na rin siguro nila para makapanakot.
Kung rides naman ang pag-uusapan,
merong pambata gaya ng merry go round. Kung pamatay ang hanap na rides ang
hanap mo, meron din ditong roller coaster, viking at round up o twister. Meron
ding space rocket na talagang hihiluhin ka nang husto at para bang maiiwan ang
kaluluwa mo sa tao, ayon na rin sa mga nakasubok nito. Aba’y panuorin mo nga
lang, nakakahilo na; ‘yun pa kayang ikaw ang nakasakay sa ganito?
Kapag napagod na at nagutom sa
pamimili at paglalaro sa perya, nagkalat din dito ang mga kainan. Maraming klase
ng pagkain ang mapagpipilian, may pang meryenda lang gaya ng footlong, kabab at
iba pa. Kung heavy meal ang hanap, aba’y marami n’yan dito. Name it and you
will get it, ‘ika nga. Maraming ulam na mapagpipilian mula sa inihaw na
tilapia, bangus at pusit; barbeque at kung anu-ano pa. Puwede ka pang
mag-videoke habang kumakain o ‘di kaya’y mag-dinner sa harap ng ilog.
Kaya’t tuwing panahon ng Kapaskuhan,
bakit hindi mamasyal sa Marikina River Park?
No comments:
Post a Comment