Kasalukuyang inuulan ng batikos ang pamunuan ng BJMP matapos na magsagawa ng biglaang impeksyon sina DOJ Sec. Leila de Lima para malaman kung mayroon pa ring mga kubol na nakatayo rito para sa mga VIP. Matatandaang bago nito ay nagsagawa na rin sila ng inspeksyon at nakakumpiska sila ng samu’t saring gadget gaya ng cellphone, signal boosters, lap top at iba pa.
Sa muling
pag-inspeksyon ng grupo ni Sec. De Lima ay napatunayan nila ang kanilang hinala
na mayroon pa ngang mga kubol na nakatayo rito. Hindi lang basta isang kubol
kundi mararangyang maliit na establismento na mala-hotel ang hitsura at mayroon
pang jacuzi. Ang mga ito diumano ay nagsisilbing tirahan ng mga high profile na
preso kabilang na ang mga drug lord na sinasabing nakakapagsagawa pa rin ng
kanilang operasyon sa droga. Nakakitaan din ang mga kubol ng ilang pakete ng
droga, mga baril, sex doll at libu-libong halaga ng salapi.
Napag-alaman din nina
Sec. De Lima na mayroon pang magarang recording studio sa loob ng isa sa mga
kubol na pag-aari diumano ni Herbert “Ampang” Colanggo, isang convicted robbery
gang leader. Nakulong siya noong 2009 at may sentinsyang aabot ng 12 hanggang
14 na taon. Nakapaglabas ng album si Ampang na may pamagat na “Kinabukasan” at
naging platinum pa ito. Ang kanyang mga music video ay kinunan mismo sa loob ng
kulungan.
Nagpaliwanag naman ang
dating pinuno ng BJMP sa Muntilupa na pinahintulutan nga niyang makapagpasok ng
mga gadgets at musical instruments sa loob ng Bilibid para na rin mailayo ang
mga preso sa gulo. Talamak diumano ang nangyayaring gang war doon kaya’t ito
ang naisip niyang solusyon at sa palagay naman niya ay naging epektibo ang
hakbang niyang ito. Kinontra naman ni Sec. De Lima ang pahayag ng dating hepe,
sinabi niyang walang masama kung nais mang mailabas ng isang preso ang kanyang
talento. Pero ang hindi maganda ay nagtayo sila ng magarbong recording studio
sa loob ng Bilibid. Isa pa rin diumano itong uri ng special treatment.
Ngunit ipinagkibit
balikat lamang ni Colanggo ang mga kritisismo laban sa kanya. Nais lang diumano
niyang maging inspirasyon siya ng mga kapwa preso na pagyamanin din nila kung anumang
talento ang mayroon sila kahit nasa loob man sila ng bilibid. Itutuloy pa rin
niya ang paglikha ng mga awitin at may balak siyang sundan ang nauna niyang
album.
No comments:
Post a Comment