"If life is a journey with a beginning and an end,
then death is the end of the road as it were and
thus can be an adventure."
-Dr. James H. Carson
Bangka ng buhay kadalasang lulutang-lutang
Sagwaning mabuti baka biglang tumimbuwang
Masigwa man ang alon, hayo't pumailanlang
Dapat mag-ingat upang 'di madaling mapaslang.
Tila tayo isdang pupusag-pusag at kalat-kalat
Maraming napahamak nang sa pai'y kumagat
Araw-araw si Kamatayan ay nalalambat.
Landas ng buhay ng tao ay sala-salabat
Kanya-kanya ng landasin, magkakasalungat
Mandirigma tayong kadalasang bumabanat
Kabigua't tagumpay sa atin nagbuubuhat.
Tila rin tayo ibong sa hawla nakawala
Ngunit labis-labis paggamit natin ng laya
Pati an kaluluwa natin ay nasasanla
Katubusa;'y kapahamakang 'di masawata.
Nasilid ang isp sa aral ng daangtaon
Nilalamon tayo ng bangungot ng kahapon
Sa magulong mundo na puno ng kontradiksyon
Nakagupo pa rin atyo at 'di na makabangon.
Pagsilang, ano ba ang tunay mong kahulugan
Kung tila ka hanging umiihip sa kawalan
Saan na papunta, sa kaliwa ba o kanan
O malamig na lupa na lang ittong hahagkan.
Kung ang buhay ay isang mahabang paglalakbay
At mayro'ng takdang katapusan lahat ng bagay
'Di ba't dapat magalak, tapos nga'ng paghihintay?
May kapahingahan doon sa kabilang buhay?
No comments:
Post a Comment