Wednesday, December 3, 2014

Nakalutang sa Ilog-Pasig

Payapa ang aliwiw ngg ilog
Sumasayaw ang agos, umiindayog
Natutulog na ang mga isda
matagal nang wala ang namamalakaya
Itinaboy na ng magandang diwata
Nggunit maging ito man ay nawala.
 
Kailan kaya muling magbabalik
Ang kariktan na datti'y katalik?
Mga basura na lang ang humahalik
Umiibabaw ang grasang kay balasik
Samu't sari na ang nakalutang
Dumi ng laot, patay na kalawang.
 
Ang isip ko'y aking hinilamos
Naligong bigla tila batang musmos
Nang ang ulan ay nagsimulang bumuhos
Lumulutang itong isip sa kawalan
Parang Ilog-Pasig, walang patutunguhan
Sa pag-inog na tila walang katapusan.
 
Ngunit sa lipunang naghahari'y sanggano
Ito'y tapunan ng mga pinaslang na tao
Sa mga nabaliw na kagaya ni Sisa
Ito'y talunan ng wala ng pag-asa
Nakatagong lihim 'di na maririnig
Nilang mga nakalutang sa Ilog-Pasig!

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...